08

217 12 2
                                    


Renon

Isang linggo na ang lumipas matapos mangyari ang insidente sa swimming pool. Well, hindi naman masasabing insidente 'yon dahil wala namang nangyaring masama. Halatang nag-over react lang talaga si Tito--kwan. Kahit pangalan ay parang ayaw ko ng banggitin nang walang dahilan.

Speaking of that man...

Sa loob ng isang linggong 'yon ay iniwasan ko na talaga siya. Halos lahat ng teknik sa pag-iwas ay ginawa ko pero lapit naman ito nang lapit sa 'kin. Nagsearch pa nga ako sa google eh na 'How to avoid the man you like if you live on the same roof?' at marami namang lumabas pero kakaunti lang 'yung sinunod ko dahil masyado nang OA 'yung iba. Mayroon pa nga akong nakitang isang suggestion na lumipat nalang ng bahay na matitirhan para raw sureball 'yung pag-iwas ko.

At saan naman ako no'n lilipat aber? Ni hindi nga ako pamilyar sa lugar dito, tapos lilipat. Edi sana umuwi nalang ako ng probinsya namin, tutal may bahay naman do'n kami. Kaso wala akong pamasahe pauwi, at hindi rin ako marunong magbiyaheng mag-isa sa malalayo, hehe. Hindi naman kasi ako palagalang tao.

At mukha ngang nahahalata na niyang iniiwasan ko siya. Pati nga si mama nagtataka sa mga kilos ko eh.

Pero siyempre hindi ako naging marupok, talagang ginampanan ko ang pag-iwas sa kaniya. Mapalabas man o loob ng bahay ay talagang todo bigay ako sa pag-iwas. Sa tuwing nagkakasalubong kami ay agad akong lumiliko at umiiba ng daan. O kaya naman ay nagkukulong ako sa kwarto. Hindi naman ako nababagot dahil nandu'n 'yung dalawang baliw na sina Sabel at Amely na lagi akong pinupuntahan dito sa kwarto ko upang makipagtsismisan. Halos dito na sa loob ng kwarto ko ang dalawa namamalagi. At mukhang nakakahalata na rin sila pero hindi naman nagtatanong.

Mabuti naman dahil wala akong balak na magpaliwanag sa kanila.

May mga araw rin na sinusubukan akong kausapin ni Tito--kwan pero nagpapanggap akong abala at may ginagawa.

Sa mga nagdaang araw na 'yon ay napansin kong tila wala ito sa sarili at parang palaging malalim ang iniisip. Kahit si mama ay napapansin din 'yon, pati na rin ang mga kasambahay rito sa bahay.

May ideya na ako kung bakit. Narinig ko kasi--hindi ikinwento sa akin nina Sabel at Amely, na dakilang mga marites, na nagkaroon ng problema sa trabaho nito bilang engineer, nagkaroon daw ng aksidente sa ginagawang bahay at siya ang may hawak ng proyektong 'yon, narinig ko pa na may mga nadamay na trabahador sa pagguho ng kalahating parte ng ginagawang bahay at siya ang pinagbubuntungan ng sisi. Tapos dumagdag pa 'yung problema sa business niyang restaurant, nalulugi na raw 'yung dalawang branch na malayo rito, pero ang alam ko si mama na ang nag-handle no'n, iyon ang pinagkakaabalahan niya nu'ng mga araw na lagi rin siyang wala, highschool man ang tinapos ni mama, may alam naman siya sa business, kaunting pag-aaral lang dito at magagawa niya agad 'yon. At kahit hindi sabihin ni mama, alam kong nag-aalala siya sa nobyo niya.

Ako naman ay hindi mapigilang makaramdam ng guilty sa kalooban ko. Alam kong marami siyang problemang kinakaharap ngayon, tapos dumagdag pa ako, alam kong kahit hindi sabihin ng lalaking 'yon, ay pinoproblema niya rin ako.

Pero wala na akong magagawa pa. Hindi ko na maaaring itigil 'tong ginagawa ko. Ayaw ko namang itigil 'yon at magsimula na naman sa simula dahil mahihirapan din ako.

Hindi lang sila ang may kinakaharap na problema, ako rin, namomroblema ako sa sitwasyon ko ngayon, sa sarili ko. Alam kong iniisip siguro ng iba na masyadong mababaw ang problema ko pero para sa akin hindi.

Mahirap 'yon, para sa 'kin.

Isipin mo, magmula nu'ng bata ka ang akala mo ay nasa tuwid kana pero bigla na lang lumiko ng landas. Mahirap. Mahirap tanggapin. Mahirap mag-adjust sa mga bagay-bagay na unti-unting nagbabago sa akin. Sa pisikal na katawan at emosyon ko.

His Forbidden DesiresWhere stories live. Discover now