23

58 6 0
                                    

Renon

“Sure ka bang ito na ’yon?” Hindi ko mapigilang magtanong kay Akiro nang makababa kami sa sinakyan naming taxi kanina.

Binaba kami nito sa harap ng isang magandang restaurant. Sa labas pa lang malalaman mo nang mahal ang presyo ng mga pagkain dito.

Sa labas pa lang ay masasabi mo nang maganda ’yung restaurant. Dahil naka-glass wall ito, kahit nasa labas kami ay pansin ko ang mga mamahaling gamit dito, kagaya ng upuan at table. May mga tao na rin akong nakita at kumakain. Mukhang sikat nga talaga ’tong restaurant ni Tito. Pero kung sabagay, may ilang branch na rin pala siya ng restaurant niya kaya hindi na nakapagtatakang sikat ito sa mga tao.

Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng pagka-excite dahil matitikman ko na naman ’yung mga luto sa restaurant niya.

“Oo, kaya let's go na!” Si Akiro at tuluyan na nga kaming pumasok na tatlo sa loob ng restaurant. Pinagbukas pa kami ng pinto ng isang babae na mukhang waitress dito.

“Wow.” Narinig kong namamanghang bulong ng dalawa kong kasama nang makapasok kami.

Kahit ako ay hindi ko mapigilang mamangha nang makapasok kami sa restaurant. Napakaganda! Napaka-classical dito sa loob. May mga chandeliers akong nakita sa taas. Tapos may tumutugtog pang classical music. Idagdag mo pa ’yung malamig na paligid dahil sa aircon.

Kaya pala ang puputi ng mga nagtatrabaho rito kasi naka-aircon.

“Welcome to El Gourmet Brasserie, sirs. Please take a seat,” iginaya kami ng babaeng waitress sa isang bakanteng pwesto.

Umupo naman kami ro’n.

“Please wait here, sirs. I'll bring you a menu where you can choose your foods to orders,” balak na sanang maglakad ng babae paalis nang pigilan ko siya.

“A-ahm pwedeng magtanong? Saan ho ba ’yung cr dito?” Kanina pa kayo talaga ako naiihi habang nakasakay kami ng taxi. Baka mamaya hindi ko na mapigilan ’tong pantog ko.

Kaya kahit nahihiya, nagtanong ako. E-english-in ko rin sana eh, kaso baka wrong grammar, e ’di maja-judge pa tayo. Sa isip lang ako magaling mag-english, pero verbally, ’wag nalang nating pag-usapan.

Itinuro ng babae ’yung left side ng restaurant. Nagpasalamat naman ako nito bago ito umalis.

“Cr lang ako ah, ipag-order niyo nalang ako kapag dumating na ’yung menu,” pagpaalam ko sa dalawa. Tumango naman ang mga ito.

Hanggang ngayon yata hindi pa rin maka-get over sa ambiance ng restaurant.

Maganda naman kasi talaga. French na french ’yung datingan. Kahit ako nga hindi mapigilang maging ignorante eh, lalo na’t first time ko lang sa mga gan’tong lugar.

Akala ko nga kailangan pa naming pumunta ng counter para mag-order, kagaya sa fast food restaurant.

Pagkatapos kong mag-jingle ay naghugas ako ng kamay at akmang bubuksan ko na ang pinto ng comfort room ay bigla itong bumukas.

Nagulat ako nang makita kung sino ’yung nagbukas. Kahit ito ay mukhang nagulat din nang makita ako.

“Ren? What are you doing here?” Nakaramdam ako ng kaba nang makita ko ang nagtatakang ekspresyon ni Tito Lucio.

Tama, nandito ’yung boyfriend ni Mama!

Alam kong pagmamay-ari niya itong restaurant pero hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Nakasuot ito ng dark blue’ng polo at itim na slacks. Nakasuot din ito ng apron.

Oo nga pala, nakalimutan kong nag-resign si Mama rito bilang manager dahil nga gusto niyang magtayo ng business about sa mga cupcakes. Ngayon, walang nagma-manage ng restaurant kaya siguro siya ’yung nandito. Bukod sa pagiging engineer, isa rin pala siyang chef at may-ari nitong restaurant.

His Forbidden DesiresWhere stories live. Discover now