15

204 11 1
                                    


Renon

Tahimik akong nakaupo sa isang sofa sa loob ng opisina ng principal. Nakayuko habang nakatingin sa nanginginig kong mga kamay na  nakapatong sa magkabila kong hita. Namumula at may bahid pa ng dugo. Hindi ko rin ito maibuka ng maayos o maikuyom dahil sa pagkirot nito sa tuwing ginagalaw ko.

Masyado yatang matigas ‘yung mukha nu’ng lalaking ‘yon.

Speaking of...

Muling bumalik sa isipan ko ‘yung mga nangyari kanina...

Anong nangyari sa ‘kin?

Hindi ko napigilan ‘yung sarili ko kanina. Dahil sa halo-halong emosyon na naramdaman ko kanina, nagmistula akong walang kontrol sa sarili ko. Nagawa ko na naman ang isang bagay na kinakatakutan ko.

Ayaw ko no’n...

Hindi ‘yon pwede.

Bumabalik na naman ba ako sa dati?

Mabilis akong umiling. Hindi. B-baka dahil lang siguro sa prustasyong nararamdaman ko kanina kaya nagawa ko ‘yon, kaya hindi ko napigilan ang sarili ko. Tama, ‘yon nga siguro ang dahilan.

Pero...

Umiling akong muli. Hays! Tigil-tigilan mo na ‘yang pag-iisip mo ng mga negatibong bagay, Renon! Mamaya mo na problemahin ang bagay na ‘yon, ang problemahin mo kung paano mo malulusutan ang kalokohang ginawa mo ngayon.

“Are you okay, hijo?” Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Nakalimutan kong may kasama pala ako sa loob ng opisina.

Tumango ako sa principal ng school at binigyan ito ng tipid na ngiti.

Bukod sa principal ay nasa loob din ng opisina ‘yung dalawang kasamahan ng lalaking binugbog ko. Pansin kong masamang nakatingin sa ‘kin ang dalawa, kaya sinamaan ko rin sila ng tingin bilang ganti.

Anong akala nila? Sila lang ang may kakayahang gawin ‘yon?

“Anyways, I already called your guardian, siguro mga ilang sandali lang ay nandito na siya,” dagdag nito.

Sino naman ang tinawagan niyang guardian ko? Si mama ba? Sana siya nga. Ayos lang kung masermonan niya ako, basta ‘wag lang pumunta rito ‘yung lalaking kinaiinisan ko. ‘Yung nobyo niya.

“And as for David’s guardians, I called them already, but unfortunately, they can't come because of they’re on a business trip right no--” naputol lang ang sinasabi ng principal nang may marinig kaming kumatok sa labas ng pinto ng opisina.

“Come in!” Doon tuluyang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang taong hindi ko inaasahang makita rito.

Nakasuot ito ng kulay pulang Giordano polo shirt na pinaresan ng kulay itim na pants. Naka-tuck-in pa ito kaya kitang-kita ang mamahalin nitong itim na sinturon.

Agad akong umiwas ng tingin nang mapansing nakatingin ito sa ‘kin. Pilit kong ikinakalma ang aking sarili dahil unti-unti akong nakararamdam ng tensyon nang makita siya. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Siguro ay dahil sa presensya niya.

“Lucio! You're here!” ‘Yan ang masiglang pagbati ng principal namin sa bagong dating.

Tama, ‘yung nobyo nga ni mama ang nandito. Ibig bang sabihin ay siya ang tinawagan ng principal nang sabihin niyang guardian at hindi si mama?

Hays! Lagot na.

Ibinaling ko sa iba ang atensyon ko.

Ngayon ko lang napansin na malawak pala ang opisina ng principal. May malaking bookshelf kasi akong nakita at maraming nakalagay na libro. May nakita rin akong lalagyan ng mga trophies, marami ‘yon. Mukhang ang daming achievements na nakuha ang school na ‘to ah.

His Forbidden DesiresWhere stories live. Discover now