Simula

491 10 0
                                    

--

“I love you...” rinig kong bulong ng kayakap ko.

Imbis na sagutin ang katagang iyon ay hinigpitan ko na lamang ang yakap ko sa kaniyang hubo’t hubad na katawan na tanging ang puting kumot lamang ang tumatakip sa kaniyang kaselanan. Parehas kaming walang saplot sa katawan dahil katatapos lang naming paligayahin ang aming sarili.

Baka sakaling sa yakap na iyon makuha niya ang sagot ko sa kaniyang sinabi. Baka sakaling makuha niya ang pinahihiwatig ko sa mahigpit na yakap na iyon.

Mahal din kita...

Tatlong mga salita lamang iyan ngunit natatakot akong sabihin sa kaniya. Natatakot akong sabihin dahil kapag sinabi ko ‘yon ay alam kong maraming magbabago. Sa buhay ko. At sa buhay nila.

Dinig ko ang mahina nitong pagtawa na ang dahilan siguro ay ang pagyakap ko sa kaniya ng mahigpit. Yinakap naman ako nito pabalik. Ramdam ko pa ang magaan nitong paghaplos sa aking buhok na ikinapikit ko.

“Magpahinga na tayo,” rinig kong muli nitong sambit. Hindi ulit ako sumagot at niyakap lamang siya. Hanggang sa marinig ko ang mahina nitong paghihilik, indikasyon na tuluyan na siyang nakatulog. Dala na rin siguro ng pagod dahil sa ginawa namin ay mabilis siyang nakatulog.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa katabi ko at umupo sa kama. Tiningnan ko ang lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko. Pinagmasdan ko ang mukha nito.

Napakaguwapo niya. Unti-unti kong inilapit ang aking kamay sa kaniyang guwapong mukha hanggang sa tuluyan itong lumapat. Marahan ko itong pinasadahan ng hinaplos. Ang makapal nitong kilay, ang mukha nitong makinis, ang nakapikit nitong mga mata, ang matangos nitong ilong, at ang namumula nitong labi.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Masaya ako dahil muli ko na naman siyang nakatabi sa pagtulog at muli na naman namin nagawa ang bagay na iyon. Ngunit agad ding napalitan ng lungkot ang aking kasiyahan na nararamdaman nang mapagtanto ang isang bagay. Nagawa na naman namin ang bagay na iyon. Muli na naman akong nakagawa ng kasalanan sa kaniya.

Ramdam ko ang unti-unting pangingilid ng mga luha sa mata ko. Mabilis ko iyong pinunasan gamit ang aking kamay bago pa ito tuluyang bumagsak. Hindi na dapat namin iyon ginawa, hindi iyon dapat. Hindi na dapat ako nagpadala sa tukso.

Napakasama kong tao...

Inangkin ko ang hindi dapat sa akin. Napakasama ko.

Kailangan ko nang itigil ang kahibangang ‘to.

Dahil sa umpisa pa lang alam ko nang mali ito...

Maling mali...

Maling mali na mahalin ko ang asawa ng ina ko.

Itutuloy...

--

His Forbidden Desires (ON-HOLD)Where stories live. Discover now