Prologue

813 34 15
                                    


Tanaw pa lang ni Ace ang bar na pupuntahan ay na-excite na siyang lalo. It's been so long since he's visited a place similar to this. He'd miss the booze, the noise, the deafening music, the blinking, blinding lights, and the crowd. He surely is looking forward to squeezing in between the grinding bodies on the packed dancefloor.

"Sabi na sa inyo, mas masayang lumabas tayo kesa doon natin ubusin ang magdamag sa condo ni Aris," ani Luigi, pinsan niyang namilit sa kanila na lumabas dahil boring daw ang party na ginagawa nila sa condo.

Nang malapit na sila sa entrance ng bar ay naagaw kaagad ng mga naggagandahang babae ang atensiyon niya. Some were surely in their teens, most in their early to mid-twenties. In his defense, with their body-hugging, skin-baring outfits, kahit sino naman ay tiyak na mapapatingin sa mga ito.

Humagikgik ang ilan sa mga ito, habang nakatingin din sa grupo nila. Several girls straightened their outfits and toyed with their hair while giving them the eye. Mga pinsan niya ang kasama, sadyang magaganda at gwapo ang lahi ng Ismael, kaya hindi na siya nagtaka.

"Hello, ladies," nakangiting bati ni Aris.

"Hi," nakangiting sagot naman ng isa sa mga ito.

Pero bago pa man magkaroon ng mahabang interaction ang mga ito ay tinapik ni Van ang balikan ng pinsan nila.

"Usapang matino. Ipapaalala ko lang na hindi tayo pwedeng magpakalasing. Walang babaeng ite-table. At maximum na dalawang oras lang tayo rito," ani Van. "Malalagot ako kay Wendy kapag nalaman niya 'to."

Tinapik ni Jude ang balikan ni Van. Isine-celebrate nila ang birthday nito sa condo ni Aris, pero pinagkaisahan nila ang pinsan hanggang sa napilit nila ito na pumunta sa bar. Ang totoo ay hindi pa man nag-uumpisa ang party nito ay pinagplanuhan na talaga nilang magpipinsan ang pamimilit dito. Kaya nga walang naglasing sa kanila sa condo dahil plano na talaga nilang sa bar gawin 'yon.

"Relax, bro. Selyado ang bibig ng bawat isa. Walang maglalabas ng cellphone. Bawal mag-text, tumawag o sumagot ng tawag. Lalong bawal ang pagkuha ng litrato. Wala tayong iiwang kahit anong ebidensiya, 'di ba?" anito na tiningan pa sila isa-isa.

Halos sabay-sabay naman silang nag-confirm sa sinabi nito. In fact, hinantay muna nilang makauwi ang mga kaibigan ni Van, maging ang mga pinsan ng girlfriend, nito bago nila ito niyayang mag-bar. Ginawa nila iyon para na rin masiguradong mga pili at mapagkakatiwalaang tao lang ang kasama nila sa 'extra activity' para sa party ni Van.

"Good. Mabuti na'ng malinaw." Muling tumingin si Van kay Aris. "Ipagpaliban mo muna saglit 'yan plano mo, Aris. Sa ibang araw mo na 'yan gawin."

Tumawa ang pinsan nila saka muling bumaling sa mga babae. "See you later, ladies," anito bago tumalikod at nagpaunang pumasok sa bar.

Ang nakabibinging tugtog, kwentuhan, tawanan, at tunog ng mga baso at bote ang unang sumalubong kay Ace. Inikot niya ang paningin sa paligid. Malamlam ang liwanag, patay-sindi ang ilaw sa dance floor, pero hindi naging handlang ang mga iyon para hindi niya mabistahan ang naggagandahang babaeng sumasayaw sa dance floor.

Exactly the scene he'd imagine. The scene he'd been missing.

"Ang ganda ng kislap ng mata mo, insan," halos pasigaw na salita ni Luigi. Sa ingay ng paligid ay kailangan nitong gawin iyon para magkaunawaan sila.

"Talagang magniningning ang mga mata niya," natatawang sagot ni Aris sa malakas din na tinig. "Mahigit isang taon ba namang mapugal sa kabundukan 'yan."

Commissioned officer na may ranggong Second Lieutenant na siya pagka-graduate sa PMA. At nang dumating sa Abra ay nawalan na siya ng oras para sa ganitong mga kasiyahan. Kung pagbabatayan ang schedule ng bakasyon, dapat ay pagkalipas ng ikatlong buwan, may two-week break siya, pero madalas na hindi iyon nasusunod dahil kailangan ding ikonsidera ang bilang ng mga sundalong maiiwan sa kampo.

MISSION 4: Pleasing YouWhere stories live. Discover now