Chapter 2 - Mistaken Identity

298 24 20
                                    

Habang palapit ay binistahan niya ang kabuuan ng babae. She's tapping the counter as if playing the piano. Ace failed to contain his grin when he didn't see any ring on her perfectly manicured finger. She's wearing jeans and a fitted top, and there's no denying she's more voluptuous than what he remembered. Even her shiny, chocolate-brown knots fall past her shoulders.

"Shyra," tawag niya rito. Nang manatili itong nakatalikod ay napangiti si Ace. Of course. Inasahan na niyang hindi ito lilingon. Inasahan na niyang hindi Shyra ang totoong pangalan nito.

Bago pa man makalapit ay naamoy na kaagad ni Ace ang pabango nito. The same scent. She still smells so fresh, like morning dew. Tumingin ang babae sa kanya nang sumandal siya sa counter, paharap dito. She's breathtakingly beautiful, just as he remembered. In fact, mas kaakit-akit ito ngayong wala itong kahit anong kolorete sa mukha. Naagaw ng maliit na nunal, sa may bandang kanan ng baba nito, ang atensiyon niya. He didn't notice that before. He remembered her skin as spotless and silky smooth. She's wearing make-up that night, that might be the reason why he didn't notice her cute little mole.

Mula sa baba nito ay muling naglakbang ang paningin niya hanggang sa humantong iyon sa mga mata ng babae. Kasabay nang pagtatama ng mga mata nila ang pagdulay ng dagitab sa buong katawan ni Ace. Chocolate brown, not the gray eyes he remembered. Noon pa ma'y naisip na ni Ace na baka naka-contact lense ang babae ng gabing 'yon, lalo na't hindi naman karaniwan ang gray na mga mata sa Pilipinas.

"Excuse me?" kunot-noong tanong nito. Ni walang bakas ng rekognisyon sa mukha ng babae.

Ngumiti si Ace. "Remember me, baby?"

Lalong kumunot ang noo nito. "I should remember you because?"

"You kissed me," Ace answered, smirking.

Umarko ang isang perpektong kilay ng babae. Humalukipkip ito. Batay sa pagkakatingin nito sa kanya ay halatang hindi naniniwala. "Oh, really? And where did I kiss you?"

"Here. You kissed me here twice, baby." Itinuro niya ang labi.

Her jaw dropped while looking at him as though he were the stupidest man on the planet. "'Where' as in the exact place where it happened!" Pagkuwa'y ikinumpas nito ang kanang kamay, as if dismissing him. "You don't need to answer that. Assuming we met before, kung pagbabasehan ang hina ng comprehension mo, I doubt na naakit ako sa 'yo, much more ang naisin kong halikan ka."

Napatawa si Ace. This girl is really something. Ipinahiya siya nito pitong taon na ang nakalilipas, at hindi pa man lang lumilipas ang limang minuto ay muli na naman siyang ipinahiya nito.

"I beg to disagree. I was happily minding my own business when you approached and unceremoniously kissed me, baby."

Lalong tumaas ang kilay nito. Sa pagkakatingin ay waring inuuri siya. Ni walang bakas ng paniniwala sa mukha.

"It happened at a bar in Makati. Seven years ago," dagdag ni Ace. Mataman din niyang pinagmamasdan ang mukha nito, humahanap ng palatandaan na maaalala nito ang insidenteng sinasabi niya.

Imbes na sumagot ay ibinaling nito ang atensiyon sa lumapit na waiter. Kinuha nito ang tissue box mula rito. Matapos magpasalamat ay tumalikod na ito.

"Hey! Not so fast, baby," ani Ace na kaagad humarang sa daraanan nito. "Hindi lang pangnanakaw ng halik ang kasalanan mo sa 'kin. Ako rin ng pinagbayad mo sa cocktail na in-order mo."

Huminga ito nang malalim bago siya tiningnan. Halata ang inis sa mukha nito. "Quit calling me baby. It's cringy. Hindi rin very original ang MO mo para lang mapansin ko. Sorry, I'm not sorry to say this, pero may pagkabulok ang style mo." Luminga ito sa paligid pagkatapos ay lumabi. Ace found himself looking at those thin lips. "Okay. I get it. Bored ka kasi walang ibang costumer kaya sinubukan mo akong diskartehan. Pero sorry, ha. Hindi talaga ako interesado. Tambay ka na lang sa labas. Maraming magagandang babae ang dumadaan diyan."

MISSION 4: Pleasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon