Chapter 5 - Caught

285 26 16
                                    

Mahigpit na nakakapit si El sa steering wheel. Kailangan niyang gawin iyon para pigilin ang sariling sunod-sunod na pindutin ang busina. Kung kailan naman siya nagmamadali, saka naman mas bumagal ang daloy ng trapiko palabas ng school compound. Nang sumulyap siya sa rearview mirror ay napamura si El. Nasa mismong likod na niya ang asul na Fortuner kung saan niya nakitang sumakay si Ace bago pa man siya makalayo sa function hall.

"Shit! Shit! Shit!" Ngayon siya nagsisisi na red ang pinili niyang kulay ng sasakyan. Mabilis iyong mamataan sa kumpulan ng mga light-colored na sasakyan.

Nanumbalik sa kanya ang muling paghaharap nila sa Ella's Place. Gayon na lang ang gulat niya nang sumandal ito sa counter. Kung may ipinagpapasalamat man siya ay nagkaroon pa siya ng ilang minuto para maitago ang gulat dahil naka-focus ang paningin nito sa ibabang bahagi ng mukha niya. Nang nagtama ang mga mata nila ay naitago na niya ang pagkamangha sa muling paghaharap nila.

She did her best to evade him. She's in no mood to engage with him that night. She was pretty occupied. Her entire focus was on helping her friends deal with their personal and marital problems. Ace persistently blocking her path irritated her to no end, so she resorted to deceit just to get him out of her hair. But that simple deception created a web of lies, which, unfortunately, now haunts her.

Napapitlag siya nang tumunog ang cellphone. Mama niya. Naka-loud speaker iyon nang sagutin niya.

"What's that twin sister thing, Ella?"

"Remember the night I asked you to pick me up in a convenience store seven years ago?" aniya habang pasulyap-sulyap sa sasakyang nakabuntot sa likod niya. "The night when me and my friends played truth or dare?"

Sigurado siyang tanda iyon ng mama niya. Katakot-takot na sermon ang inabot niya rito nang nalaman nito ang kalokohang ginawa niya sa bar. Oo nga't close siya sa ina, best friend ang turingan nila, pero may hangganan pa rin. At isa ang gabing iyon sa madalang na pagkakataong nakatanggap siya nang matinding pagdidisiplina mula sa ina. Twenty-two siya noon, pero ilang buwan siyang na-grounded dahil doon.

Hindi naman sumama ang loob niya sa ina. Lalo na't alam niyang tama ito nang sabihing lubhang mapangahas at delikado ang ginawa niya. It's a good thing na natakasan niya ang lalaking hinalikan, pero paano kung hindi? El shivered at the thought that their playful game could have resulted in something sinister. She promised her mother she would never do that stunt and to never go to that place again, or to any bar for that matter.

"Oh!" Hindi man niya nakikita ay nai-imagine niya ang itsura ng ina. "Don't tell me Ace is the guy you—"

"Unfortunately, he is, Ma."

"What a small, small world." Bakas ang kaaliwan sa tinig nito. "Why him, Ella? Sa dami ng lalaki sa bar, bakit siya ang hinalikan mo?"

Images of the night she first laid eyes on him played in her mind like it happened yesterday. Ilang minuto na silang namimili ng lalaki para sa dare niya. Nire-reject niya ang itinuturo ng mga kaibigan. Ang sabi niya'y siya ang mamimili. She will be flirting with the guy, and she might as well make sure that she's attracted to him to begin with. Ace then entered the bar. He stood there, almost towering over everyone. He was not actually the tallest, but what struck her the most was his posture—the way he confidently carried himself and the way he surveyed the crowd as if he were looking at his conquest—that made him stand out from the crowd.

He has this arresting, commanding aura around him—the type that would be impossible to ignore.

El felt excitement she had never felt before. He's good-looking, and he's definitely not gullible. She can feel his steadfastness, the kind that El knew would rival her stubbornness. She found the guy best suited for the dare. Itinuring niyang hamon sa kakayahan niya ang paasahin ang lalaking sa pagkakatayo pa lang ay halatang nasusunod ang ano mang naisin.

MISSION 4: Pleasing YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora