Chapter 3 - Encounter

271 24 26
                                    

"Alak 'yan, bok, hindi tubig," awat ni Ace kay Clifford nang makita itong mag-isa sa open bar.

Masama ang timpla ni Ace nang dumating sa Amanpulo kahapon, pero pupusta siyang sa kanilang dalawa, mas masama ang mood ni Clifford. Unang kita pa lang niya rito ay halata niyang may malaking problema ang mistah niya.

Nagkakasayahan ang ibang mistah nila sa reception ng kasal nina Gabriel at Riah, pero nang mapansin niyang wala si Clifford ay hinanap niya. Kanina pa siya mas gustong kumpirmahin dito. Hindi lang siya magawa kanina dahil baka may ibang makarinig sa kanila.

Imbes na sumagot ay muling tumungga ng alak si Clifford.

Pumalatak si Ace. Luminga siya sa paligid, at nang masiguradong walang ibang makakarinig ay saka niya ito tinanong. "Anong kagaguhan ang ginawa mo at nakipag-break sa 'yo si Pret?"

Biglang bumaling sa kanya si Clifford. Salubong ang kilay nito. "Anong pinagsasasabi mo?"

Ace smirked. "Come on, bok. Halatang-halata ka. In fact, hindi lang ako ang nakapuna. Pati si Eugene, alam na naging kayo talaga ni Pretzhel. Halata sa mga panakaw na tinginan ninyong dalawa." Umiling siya. "Ipagpasalamat mo na lang na occupied si Gabriel sa bride niya kaya hindi niya napuna. Kung nagkataon, siguradong may black-eye ka na kanina pa."

"Wala akong pakialam kahit na balitan pa niya ako ng buto, bok, basta ba magka-ayos kami ulit ni Pretty," sagot nito bago muling tumungga ng alak.

Tinapik niya sa balikat si Clifford. "Kung 'yon pala ang agenda mo ay bakit narito ka? Nababakuran na ng kapatid ni Riah si Pretzhel, tapos ikaw, inuuna mo pa ang pagtoma."

Naglapat nang mariin ang mga labi ni Clifford. Bigla itong tumalikod at naglakad pabalik sa pagtitipon. Pagbalik sila sa reception area ay nagtaka pa siya nang makita si Gabriel, pero hindi nito katabi si Riah.

"Baka matunaw naman ang misis mo," natatawang komento ni Eugene.

Tumikhim si Ace, bago nagsimulang kumanta, "Ikinasal ka na, iniwan na akong nag-iisa!"

Nagtawanan ang mga mistah nila, maliban kay Clifford na hindi pa rin maipinta ang mukha.

Timothy snorted. "'Wag nga kami, bok. Kung hindi ko pa alam na dalawa ang girlfriend mo ngayon."

"Oy! Hindi naman dalawa!" reklamo ni Ace.

"Hindi kasi dinidiskartehan mo pa 'yong isa," nailing na salita ni Jason. "Noong kasal ko, 'yong bridesmaid namin ang dineskartehan mo. Sabi mo naging kayo. Tapos ngayon naman 'yong wedding coordinator nila, dinidiskartehan mo rin."

Ngumisi si Ace. Totoong naging girlfriend niya si Madel, pero hindi rin nagtagal ang LDR nila.

"Choose one, bok. Dadaigin mo pa si Gabriel sa kalokohan sa babae, ah," ani Tim.

Napatawa si Gab. "Oy, bok, hindi ako nanliligaw kapag in a relationship ako! Hindi katulad nitong si Ace basta may matipuhan, sugod. Ang katulad niyan ay itong si Eugene. Collect and collect, then select ang motto nang dalawang 'yan."

"Teka! Bakit madamay ako?" reklamo ni Eugene.

"Talaga namang iyon ang motto ninyo ni Ace kaya 'wag na ka nang magreklamo, bok," naiiling na sansala ni Jason.

"Hindi naman kasalanan maging mapagmahal, 'di ba? Bayan nga, minamahal namin, magaganda at sexy na dilag pa kaya?" paliwanang ni Ace.

"Mapagmahal lang talaga kami. At mapagbigay ng saya at ligaya, lalo na sa ibabaw ng kama," taas-baba ang kilay ni Eugene.

Tumawa si Ace. Nag-apir silang dalawa si Eugene.

Maging si Timothy ay napailing. "Sige, i-justify niyo pa 'yang pagiging playboy n'yo. Kapag kayong dalawa nakarma at naloko ng babae, ako ang unang-unang tatawa sa inyo."

MISSION 4: Pleasing YouWhere stories live. Discover now