Chapter 1 - Déjà Vu

473 23 36
                                    

"Look at the bright side, Trish," alo ni Lora kay Patricia habang hinahaplos nito ang likod ng kaibigan nila.

"At least nalaman mo bago pa kayo ikasal," dagdag ni Mildred na sa kabilang side naman ni Patricia nakaupo. Tulad ni Lora ay inaalo din nito ang babae.

Tumayo si Elamarie para makadaan at makabalik sa dating puwesto si Sonya. Galing ito sa baba. Ang pinakadulong booth sa ikalawang palapag ng restaurant ang inokupa nilang limang magkakaibigan. Good thing it's a Tuesday afternoon and the restaurant is almost empty. Well, aside from their table, all the other tables on the second floor are empty. Bago sila umakyan kanina ay may ilang parokyanong kumakain sa baba. The function hall is also occupied, though the private party hadn't started when they went up. But the celebration downstairs seems to be in full swing right now, judging from the occasional cheers and laughter they're hearing.

Kununot ang noo niya nang masulyapan ang ilang pirasong tissue na hawak ni Sonya. Gusto niyang bumaba para kumuha ng mas marami pa, pero ipinagpaliban na niya muna. Mas mahalaga ang pinag-uusapan nila kesa ang umalis sa mesa. Madalang ang pagkakataong nakokompleto silang magkakaibigan. Usually, kapag merong mga milestones o okasyon na kailangang i-celebrate. Noong binyag pa ng anak ni Lora, limang buwan na ang nakalilipas, nang huli silang nakompleto. This is the first time in a long time, na nakompleto sila dahil may isang namomoroblema sa barkadahan nila.

Problema na kung siya ang tatanungin ay hindi na sana umabot sa ganito kung naniwala lang si Trish sa kanya.

Mula sa tissue ay ibinalik ni El ang atensiyon sa mga kasama sa mesa. "Actually, matagal ko nang sinasabi na asshole ang boyfriend niyang si Trish. Ang dami kong nakitang red flag sa lalaking 'yon, pero ang sabi ninyo'y masyado lang akong judgmental at hanggang langit ang standards."

Napatingin siya sa katabing si Sonya nang sikuhin siya nito sa tagiliran. Bakas sa mata ng kaibigan ang paninita. "Please, El. Hindi ito ang tamang oras para sa 'I told you so' comments mo."

"Alam naming lahat ikaw ang pinakamaldita at prangka sa grupo. But you have to reign it in sometimes, El. Minsan ay kailangan mo ring magpreno. Isaalang-alang mo rin ang pinagdadaanan at nararamdaman ng ibang tao," dagdag ni Lora. Nakalarawan ang katulad na paninita sa mukha ng kaibigan.

"Okay. I'm sorry." Elamarie then raised both hands as a sign of backing down before she used her right hand and made a zipping motion on her mouth.

Kumuha ng tissue si Trish. Tinuyo nito ang mga mata saka ginamit ang tissue para alisin ang bara sa ilong. "No. Actually, 'yang kaprangkahan at 'I told you so' comments ni El ang dahilan kaya siya ang tinawagan ko."

Tumingin ito sa ibang kaibigan nila saka nagpatuloy. "I'm sorry if I initially didn't want to share the news with you. For one, I didn't want to take away your time from your family because of my petty issue. Another reason is, and please don't take it the wrong way, it's not that I didn't appreciate your comforting words, but I badly needed a reality check. I need to hear blunt words that would help me cut this unhealthy attachment with Jude."

Muling pumatak ang luha sa mga mata ni Trish saka ito tumingin sa kanya. Sa pamamagitan ng tingin na iyon ay nabasa ni El ang piping pakiusap ng kaibigan. "Ilang araw ko itong dinala mag-isa, actually. Ngayon lang ako nag-reach out dahil nag-apologize si Jude-" sumigok si Trish saka muling nagpatuloy, "He came over last night, crying, begging for forgiveness, and for a final chance to make it right. He brought a ring with him. And my foolish heart wanted to forgive him and give him another chance. . ."

"Oh, hell no!" El exploded with indignation. "Don't even think about it, Trish! He's manipulating you! You'd been his doormat for four years, and it's about time you put an end to it! Wake up, girl! Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-cheat sa 'yo ang gunggong na 'yon at sinisigurado ko sa 'yong kung patatawarin at bibigyan mo na naman siya ng pagkakataon ay hindi rin ito ang huli. 'Wag kang magpakatanga, Trish! Use your head!"

MISSION 4: Pleasing YouWhere stories live. Discover now