Chapter 15 - Helping Hand

287 26 3
                                    

Kitchen area ang unang umagaw sa atensiyon ni Ace nang buksan ni El ang pinto ng condo unit nito. Sa gawing kanan ang kitchen counter, sink, cooking range, at two-door refrigerator. Sa foyer ay may open storage cabinet; ang ilalim ay shoe storage; habang sa itaas ay may mga hooks. Ang kasunod na area noon ay dining na may four-seater table. Makalampas doon ay ang living area.

Nang makita ang mga kagamitan sa loob ng condo ni El ay hindi na siya nagtaka na ang binili nitong maliit na table ay wood finish at gawa sa rattan ang reading chair. Her condo might be painted white, but it has this warm, cozy ambiance—thanks to her wooden furniture. Mula sa dining table at chairs, sa wood-finish cabinets, pati ang console table kung saan nakapatong ang television nito'y gawa rin sa kahoy. Ang sofa sa tapat ng television ay mapusyaw na kayumanggi rin kulay. Ang tanging naibang kulay doon ay ang abuhing kurtina, at ang iba-ibang kulay ng throw pillow na nasa sofa.

"Ibaba mo na lang 'yan d'yan, Ace. Ako na'ng bahala," ani El na siyang nagbukas ng unit.

"Ituro mo na kung saan mo 'to ilalagay, baby," aniya na hindi ibinaba ang mga hawak—ang naka-box na disassemble pang round table na nakapatong sa round rattan chair. Ang cushions na kasama ng rattan chair ay nasa malaking shopping bag na nakasukbit pa sa balikat niya. Maging ang naka-disassemble na floor lamp ay nasa loob din ng shopping bag.

"Ibaba mo na muna 'yan, Ace. Kanina mo pa 'yan dala. Hindi ka ba nabibitagan?"

"Nah. Magaan pa 'to. Kung gusto mo'y buhatin pa kita," nakangiting sagot niya.

El rolled her eyes as she fought the smile from showing on her lips. Ipinatong nito sa ibabaw ng dining table ang shopping bags na dala, saka binuhay ang air conditioning unit.

Totoong hindi nabibigatan si Ace. Kahit na puyat siya'y magaan ang pakiramdam niya. Masaya siyang kagabi'y matagal pa niya itong naka-chat. Akala nga niya'y hindi nito papansinin ang mga litrato at video na ipinadala niya, pero pagsapit ng alas-diyes ng gabi'y nag-reply ito. Batay sa reply nito'y hindi kaagad nakasagot dahil nag-stay pa ito sa Ella's hanggang closing. Kung pagbabasehan niya ang sagot nito'y na-appreciate ni El ang ganda ng tanawin sa hilltop.

Maganda ang mood niya nang nagising kaninang umaga, at naging mas maganda iyon nang matanaw ito sa mall.

Nang dumating siya sa MOA ay tinawagan niya ang dalaga. Nang hindi ito nakasagot ay dumiretso na siya sa IKEA. Nang makarating doon ay muli niyang tinawagan ang dalaga. Nang hindi niya ma-contact si El ay si Tita Joyce ang tinawagan niya. Humingi siya nang paumanhin dahil sa isang oras na pagkaantala sa ipinangakong oras ng dating niya. Ayon naman sa ginang ay walang kaso iyon. Hindi pa rin naman daw tapos mamili ang mga ito. Pero imbes na papuntahin siya kung nasaan ang mga ito‘y sa may counter na lang daw siya mag-antay. Patapos naman na rin daw kasi ang mga ito sa pamimili. Mahigit tatlumpong minuto pa siyang nag-antay bago niiya nakita ang mag-ina kanina.

"Ipadiretso mo na sa loob ng office area mo 'yang mga dala ni Ace para isang buhat na," anang ina nito na kasunod nilang pumasok. Ipinatong din nito ang dalang shopping bags sa dining table.

Napatingin sa kanya si El, halata ang pag-aalangan sa mukha. "Diyan mo na lang sa may hallway ibaba 'yan, Ace. Mamaya ko na lang aayusin 'yan."

"Ituro mo na sa'n ko 'to ilalagay, baby."

Lumapit sa kanya si El. Hinawakan ang strap ng shopping bag sa balikat niya, hinigit pababa. "Ako nang magdadala nito. Ako'ng nahihirapan sa'yo, eh."

Napangiti si Ace. Hinayaan niyang alisin nito sa balikat niya ang shopping bag, pero hindi pa rin niya ibinababa ang rattan chair at box ng round table. "Salamat sa concern, baby. Na-touch naman ako."

Iningusan siya ni El. "Hindi ako concerned, 'no! Naalala ko lang si Santa Claus dahil sa dami ng dala mo."

Tumawa siya, maging si Tita Joyce na kanina'y tahimik lang na nagmamasid sa kanila. Napansin na niya iyon mula pa kaninang lapitan niya ang mag-ina sa counter.

MISSION 4: Pleasing YouWhere stories live. Discover now