Chapter 16 - Bring Home

370 28 19
                                    

Nang lumakad siyang papunta sa kitchen area ay sumunod si Ace. Tahimik nitong inukupa ang isang bangko sa may dining table, habang siya naman ay binuksan ang fridge. El welcomed the sudden gush of cold temperature to her face. She needed that, especially since she knew her face was surely flushed.

Alam ni El na wala siyang dapat ipangamba. Kahit ilang araw pa lang niyang nakakasama si Ace, sa kaibituran ng puso ni El, alam niyang mapagkakatiwalaan at may isang salita ang binata. Nabasa rin niya sa mga mata nito ang katapatan sa binitawang pangako sa kanilang mag-ina kanina. Pero kasabay nang kaalamang wala siyang dapat alalahanin sa binata ay ang realisasyong lalong nagpakaba sa kanya: nasa kanya ang direksiyon kung ano ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa.

El tensed. Nervous.

It’s not Ace she should be worried about, but herself. She’s nervous but, at the same time, excited. She now knew the feeling that Trish used to explain whenever she’s about to present a design to one of their million-peso projects. Patricia has a perfect term for that—nerve-cited.

Knowing that the intense attraction she has for the man inside her unit was reciprocated made El’s stomach in knots.

Huminga siya nang malalim. Makalipas ang ilang sandaling pananatili sa harap ng nakabukas na fridge ay ginawa na niya ang totoong pakay—ang tingnan kung ano’ng available protein ang nasa fridge. Nasiyahan siya nang makita ang pinamili ng ina: chicken breast, salmon, at ribeye steak.

Mula sa nakabukas na pinto ng fridge ay sumilip siya sa binatang hindi man niya kita’y alam niyang nakasunod ang tingin sa kanya. Ang ilang minutong ginugol niya para maibalik sa normal ang tibok ng puso’y nawalan ng silbi nang magtama ang mga mata nila ng binata.

He’s studying her, and El knew Ace read what was on her mind. He slowly grinned. The now familiar mischievous glint in his hypnotic brown eyes told El she should brace herself for the flirting that would surely ensue.

Muli niyang ikunubli ang mukha sa likod ng pinto ng fridge. Huminga siya nang malalim saka nagsalita, “I have here chicken, steak, and salmon. Which of these do you prefer?”

“You decide, baby. Kahit ano, okay lang sa ‘kin.”

It’s an easy choice. She helped in the kitchen yesterday. El prepared several steaks; she would rather have salmon today. Kinuha niya iyon, ipinatong sa kitchen counter. Ang pantry cabinet naman ang binuksan niya. Fully replenished din iyon. Maging mga spices, may binili ng mama niya.

“Rice meal or pasta? Alin ang mas gusto mo?”

“Ikaw, baby.”

El’s heart has been beating triple time, and him teasing her was not good for her poor, poor heart. “I gave you two options, Ace. I’m off the list.”

“Kung ikaw ang tatanungin ko, ano’ng mas preferred mo—”

“Nagawa mo na ‘yan kahapon, Ace,” putol ni El sa sasabihin ng binata. Sinimangutan niya ito para itago ang epekto ng ngiti nito sa kanyang puso.

“—pagkain o ako?” patuloy ni Ace sa sinasabi kanina. Hindi pa rin nabubura ang ngiti sa mga labi.

Kinagat ni El ang pang-ibabang labi saka mariing ipinikit ang mga mata. Sunod-sunod ang ginawa niyang paghinga. Nang kahit paano’y bumagal nang bahagya ang mabilis na pagtibok ng puso niya’y saka lang niya muling tiningnan ang binata.

Isang malaking pagkakamali dahil muli na namang bumilis ang tibok ng puso niya.

“Be serious, Ace!” Pilit niyang itinago ang epekto ng ngiti nito sa paglalapat nang mariin ng mga labi. Humalukipkip siya.

MISSION 4: Pleasing YouWhere stories live. Discover now