C'7

24 5 0
                                    

Chapter 7

How rude. Kaya pala hindi ako hinalikan dahil na love at first sight sa isa sa mga abay

NAGISING ako dahil sa paulit-ulit na pumapasok iyon sa utak ko. Ano bang problema ko? Dahil ba hindi ako nakatikim ng halik sa araw na iyon o dahil hindi ako yung nakalove-at-first sight kay Stefano?

Eh, ano naman?! Pakialam ko? Edi sila na magsama pagkatapos naming maghiwalay, magpakasal pa sila, basta ako ang kuhanin nilang wedding organizer. Pera din yun noh, pwede nang ipandagdag sa gastusin.

Agad akong bumangon at tinignan ang relo ko, mag aala sais na pala, bakit ang aga pa.

Napatingin ako sa cellphone ko na nasa side table, bigla kase itong tumunog kaya agad ko itong kinuha at nakita ko na sandamakmak ang text sa akin ni Adeah, katrabaho ko.

Katrabaho ko sa restaurant na pinagtatrabahuan ko, atsaka oo. Daladalawa ang trabaho ko, hindi pwedeng isa lang dahil wala kaming ikabubuhay kaya dinalawa ko na– ay hindi...tatlo pala!

Pang-umagahan itong restau, panggabi sa hotel, pag may ikakasal yung isa.

Oh diba, andaming raket. Ganyan talaga kapag ang motto mo ay ‘family first before yourself and others’.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang text ni Adi at hindi lang siya ang nag text kundi pati si Lester na katrabaho ko sa hotel at si mama na ngangamusta kahit na nagkita lang kami kahapon. Binuksan ko muna yung kay nanay.

To Mama:

Maayos naman po, okay lang naman po ako dito sa bago kong trabaho, maayos po ang trato nila sa akin. Mababait po sila at itinuturing narin po nila akong isa sakanila. Kayo po kamusta? Sina Zariana po? Si Zori po na operahan na?

Isinunod ko yung kay Adi, binuksan ko muna bago ko nireplayan.

From Adeahyang:

Joel, sabi pala ni ma'am maaga daw tayo ngayon mga 7:00 a.m dahil sakto kauuwi niya lang galing bakasyon at mag-oopen na daw tayo atsaka namiss niya daw tayo...ehh? Niwala ka doon?

Napairap ako, dahil para sakanya hindi kapanipaniwala lahat ng sinasabi ni Ma'am Janesville. Eh, mukhang mabait naman si Ma'am Janes eh, medyo maldita lang kung minsan.

To Adeahyang:

Opo, hintayin mo'ko sa dati...atsaka miss tayo non. Maniwala ka kase.

At panghuli si Lester.

From Lester:

Papasok ka mamayang gabi?

To Lester:

Yes po, why?

Agad naman itong nagreply. Aba, aga nito ah.

From Lester:

Kitakits nalang, btw good morning kahit kasing ganda ko itong morning.

I laughed when I read his message, talaga ang baklang toh nakakatuwa.

To Lester:

Kitakits sa hotel, daming chika di ma-take!

From Lester:

Save that for later bebs!

Hindi ko na siya nireplayan pa dahil agad na akong nagtungo sa banyo para gawin ang morning routine ko, at medyo kailangan kong agahan ngayon dahil mabubukas na daw kami sa restau, after ilang days na nakasarado ito dahil, umalis ng bansa si Ma'am Janes at hindi niya ito ipinamahala sa kung sino sa amin, walang manager dahil para sakanya kung sino ang amo siya rin ang magiging manager.

Married To A Monster Where stories live. Discover now