C'14

19 5 0
                                    

Chapter 14

Nagising ako sa pamilyar na kwarto, kwarto ko sa mismong bahay ni Stefano. Agad akong napabalikwas ng bangon at nagtatakang napatingin sa aking paligid pero mas lalo akong nagtaka ng may nahulog na bimpo mula sa aking noo dahil sa bigla kong pagbangon.

Napanganga ako at agad na hinawakan ang medyo basa pang bimpo, na nahahalata kong medyo kalalagay lang mga ilang minuto siguro.

Agad ko itong ipinatong at inilagay sa side table malapit sa aking kama at napag-isipang bumaba na, nakaramdam naman ako ng konting kaginhawaan at medyo hindi narin ako nahihilo.

Hindi ko nga alam kung bakit ako dinapuan ng lagnat, e hindi naman ako naulanan, hindi naman pabago-bago ang klima ng panahon pero bakit parin ako nilagnat?

Sa sobrang puyat at pagod ko na ba?

Siguro...malay ko. Hindi naman siguro.

Ngayon lang naman kase ako nagkasakit na kahit na nauulanan ako kapag umuuwi ako ay hindi parin ako dinadapuan ng lagnat o sipon, kaya imposibleng dahil sa sobrang pagtatrabaho ko nakuha itong sakit ko ngayon. Pero hindi naman ito malaking bahala sa'kin dahil lagnat lang naman at hindi yung mga malalang sakit.

Dali-dali kong binuksan ang pintuan pero sa hindi inaasahan ay siya ang makikita ko sa kabila nito. Nakatayo siya habang may hawak na tray ng pagkain, napanganga ako dahil sa biglaan niyang pagbungad. Napatingin ako sa mga pagkaing dala niya at hindi ko mapigilang hindi matakam dahil kanina pa ako nagugutom na mukhang ilang araw na akong hindi kumakain pero kaninang umaga pa iyon.

Anong oras na ba?

“Why did you get up in your bed? You should rest more for you to get better” he casually said and pushed me inside before closing the door.

Nauna siyang naglakad patungo sa aking kama at sinusundan ko lamang ang bawat kilos niya, nakita kong inilagay niya sa side table yung pagkaing dala niya at agad siyang umupo sa gilid ng kama ko. Napatingin siya sa akin dahilan para magtama ang mata naming dalawa.

Hindi na ako umiwas at matapang kong sinalubong ang kanyang seryosong mga mata.

He sighed softly that I can't almost hear it “Come here” he tapped the space beside him, hindi agad ako sumunod pero nang makita ko kung gaano kaseryoso ang kanyang mga mata ay dahil narin sa takot ko sakanya ay sumunod na lamang ako.

Dahan-dahan akong nagtungo sa gawi niya at agad na umupo sa tabi niya pero may isang metro sa pagitan naming dalawa.

Saglit niyang tinignan ang puwang sa pagitan namin bago ibalik ang tingin sa akin, agad kong umiwas at nagpanggap na nakatingin sa banyo dito sa kwarto ko, na siya ring guestroom.

“How are you? Are you now feeling okay?” saglit akong natigilan dahil sa tanong niya pero agad ko ring pinigilan ang pag-awang ng aking labi.

“Maayos naman”

“Do you feel something unusual? Like feeling dizziness or nausea?” tanong niya ulit.

At sa pangalawang pagkakataon ay nabahiran na naman ako ng pagtataka sa mga ikinikilos niya. He's asking to many questions...and looks like I'm a kid right now that needs to be examined.

Umiling-iling ako “Hindi” sabay kong sagot sa aking pag-iling. 

Huminga ulit siya ng malalim pero yung magaan lamang hindi katulad ng mga problemado. Napatingin na ako ng tuluyan sakanya at nakita ko na parang malalim ang iniisip niya. He looks bothered about something and looks like he's hesitating to tell that to me.

Pero...wala ba siyang balak na sabihin sa akin na kumain muna ako? O ibigay man lang sa'kin yung pagkain na dala niya?

Para sa'kin naman iyon diba? Hindi naman siguro para sakanya?

Married To A Monster Onde as histórias ganham vida. Descobre agora