C'20

18 1 0
                                    

Chapter 20

“Kuya, kamusta naman po si ate sa trabaho niya?” tanong ni Zariana kay Stefano maka kuya naman ito parang kapatid lang ha at mabuti na lamang ay hindi na ito nakaupo sa hita ng lalaki bagkus nakaupo ito sa tabi niya.

Nabanggit ko narin kase kay Zariana na boss ko sa pinagtatrabahuan ko si Stefano at hindi ko naman alam na nakikinig pala siya, ang akala ko talagang nasa cellphone lang ni Stefano yung atensyon niya. 

Natatawa naman siyang binalingan ng tingin ni Stefano bago ibinalik ang atensyon sa akin “She's...hmm...kinda demanding” nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Stefano.

Ano?! Demanding?! Kailan pa ako nag-demand?!

Aangal na sana ako ng matigilan ako pagkakita ko kay mama na bitbit ang mga pinamili sa tindahan, mabilis naman akong tumayo at agad na lumapit sakanya para kuhanin yung dala niya, agad naman niya itong ibinigay.

Sinabi ko naman na maupo na lamang siya at ako na lamang ang maghahanda ng meryenda pero umangal siya at dahil sa mapilit ako ay wala siyang ibang nagawa kundi sumunod sa sinabi ko.

Ayaw ko kasing nakikita na napapagod si mama, kaya mas mabuti na lamang na magpahinga muna siya habang naririto ako. Iniwan ko naman silang tatlo sa sala at agad na nagtungo sa kusina para ihanda yung kakainin namin.

Hindi naman ako nagtagal at agad ko itong naihanda, akmang dadalhin ko naman ito sa sala kung saan naroroon sina mama at Zariana kasama si Stefano pero agad akong natigilan ng madatnan ko ang senaryong hindi ko inaasahan ang akala ko pa naman ay ang madadatnan ko ay tahimik at seryosong nag-uusap pero agad akong natigilan ng makita ko ang tatlong tao sa sala na nagtatawanan habang nagkwekwentuhan na para bang yung pinagkwekwentuhan nila ay sobra talagang nakakatawa.

Bitbit yung bandeha na naglalaman ng malamig na juice agad akong nagtungo sa kinaroroonan nila, hindi naman nila napapansin ang presensya ko kaya kailangan ko pang tumikhim para makuha ang atensyon nila na siya namang napagtagumpayan ko dahil sabay-sabay silang napatingin sa akin.

“Anong meron?” tanong ko habang inilalapag sa lamesa yung apat na juice na inihanda ko.

Nakangiti namang napatingin sa akin si mama at umiling-iling na para bang may itinatago. Napatingin naman ako kay Stefano at pinantaasan siya ng kilay pero kagaya ni mama ay umiling-iling rin ito.

Ang labo nila...parang namang may itinatago sila na hindi ko kailangang malaman.

Tungkol ba sa akin yung pinag-uusapan nila?

Natatawa namang napatingin sa akin si Zaria “Ate, diba noong pers taym mong magluto ay nasunog yung niluluto mo kaya pinagalitan ka ni mama dahil ang tanda-tanda mo na daw ay hindi ka pa daw marunong magluto ng maayos” natatawang sambit ni Zariana dahilan para matigilan ako at nanlalaki ang mga matang napatingin sakanya.

What the heck?!

“Atsaka kaya po hindi masarap ang luto mo kase po palaging kulang sa timpla, parating sobra o di naman kaya'y sobra yung inilagay mong tubig” dagdag niya dahilan para mas lalo akong pamulaan sa hiya.

Ako pala yung pinagkakatuwaan nila, aba, aba at talagang nagsanib pwersa pa talaga ang tatlong ito ah.

“Kinakain mo naman” sabat ko sa kabila ng kahihiyan nararamdaman ko.

Ano pang mukhang maihaharap ko kay Stefano nito?

Eh, palaging ako pa naman yung nagluluto sa bahay niya.

Ngumuso ang kapatid kong babae “No choice e, basta pagkain kakainin ko kahit hindi masarap yung lasa” biro niya pero ismid lamang ang isinagot ko.

“Pakainin kita diyan ng tae e” mahinang bulong ko sapat na para hindi nila marinig.

Married To A Monster Where stories live. Discover now