C'11

24 5 0
                                    

Chapter 11

Muntik na akong mapaatras dahil sa gulat, ngunit narito ako ngayon nakaawang ang mga labi at hindi makapagsalita dahil sa sobrang gulat.

At dahil narin siguro sa sinabi ng lalaking may pares ng berdeng mga mata ay nakuha niya ang atensyon ng mga kasamahan niya na nasisiguro kong pati siya dahil ramdam kong napatingin silang lahat sa amin.

Is this man just said, if he can get my number?

What the heck?!

Kaya pala may kakaiba kanina, sa paraan palang ng pagtitig niya, at sa mga kilos niya–

Galawang babaero!

Sasagot na sana ako pero agad inunahan na ako ng kung sino “What the fuck, Sylv?” kalmado pero may bahid ng pagkainis sa may-ari ng boses na natutukoy ko kung sino.

Si Stefano.

Saglit na inalis ni Sylv kuno yung tingin niya sa akin at ibinaling iyon sa banda nila Stefano o kaya'y ibinaling niya iyon mismong kay Stefano.

“What? It's not forbidden to ask her number, right?” Sylv smirked playfully as he turned back his gaze on me “So can I get your number, miss?” he smiled at me.

I almost roll my eyes, even he's handsome I still don't like the way he treat woman like me, I assumed that I am not the one whom he asked about cellphone number, I'm sure there's a lot of us.

For me, Stefano is still the most handsome man I had laid my eyes on.

I hesitantly smiled because he's still our customer, a VIP customer “Ahm, sorry sir but it is against our rules, to have communication to our guest or customer like you Sir” I said politely even I'm trying to control my annoyance.

Saglit akong napasulyap kay Stefano na ngayo'y nakangisi. Tsk, isa pa ito eh, naiinis rin ako sakanya. Bakit ba kase sa dami ng lugar dito, at dito pa nila naisipang kumain?

Isang malaking tsk, talaga.

Imbes na ma-disappoint ay mas lalong lumawak ang ngiti ng Sylv na ito “Don't worry, I will tell to your manager, even to your boss for assurance” proud at parang siguradong sigurado na sambit niya. Sasagot na sana ulit ako pero inunahan na naman ako ni Stefano.

“Can't you see, she doesn't want to give her number to you?” Stefano said annoyed.

Isa pa kase itong si Stefano eh, sabat ng sabat, hindi niya ba alam na halos araw-araw akong nakaka-encounter ng ganitong tao kagaya ng kaibigan niya.

“What is wrong with you, Galvin? I'm not even talking to you yet you keep on interfering, just mind your own business, man” may bahid na rin ng pagkainis sa boses ni Sylv na ito. Ayaw yatang napapakialaman sa sariling diskarte.

“Just let him be, Galvin. Parang hindi ka na nasanay kay Sylvester” saad ng katabi ni Sylv na kanina lamang ay abala sa pagtitipa ng kung ano sa kanyang cellphone.

Nakangiti ito at parang nagugustuhan pa ang ginagawa ni Sylvester. 

Umirap si Stefano “Shut up, Viejo. You're just telling that because you two are alike, the same” seryoso na ang boses nito.

Natahimik ito at pero hindi dahil sa hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Stefano sakanya kundi dahil parang naguguluhan pa ito sa kakaibang inaakto ni Stefano.

“What's really wrong with you, Stefano?” Viejo asked full of curiosity “You're weird”

Nabaling ulit ang tingin ko kay Stefano, pabaling-baling lang naman ang tingin ko sakanilang tatlo kaya nakikita ko lahat ng facial expression nila, yung isa naman tahimik lang na nanonood sa tatlo na nagbabangayan. He's very serious, too serious.

Married To A Monster Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang