C'12

31 5 0
                                    

Chapter 12

ABALA ako sa paglagay sa mga pinamili kong groceries kanina. Maaga akong nakauwi, mga alas otso na nang gabi at mabuti na lamang ay may nakabukas pang mga grocery store, may mga tindahan pa kase namang 24/7 na open.

Halos puro mga gulay ang nilalagay ko, iilan lamang ang pinamili kong karne, hindi kase ako gaanong sanay na puro frozen foods at karne ang pang-umagahan ko, gusto ko rin kase ng gulay para hindi ako dapuan ng sakit kaagad. Baka mamatay ako nito agad ng dahil lamang sa hindi gaanong masusustansya yung mga kinakain kong pagkain.

Nang matapos ko ng ilagay at iayos ang mga pinamili ko ay agad akong naghanda para magluto ng kakainin namin– ko lang pala dahil baka pagdating nun ay sigurado akong kumain na.

Medyo nakaramdam naman ako ng kagalakan nang sa wakas ay makapag-uulam narin ako ng gulay, kahit na ilang araw na ng tumira ako dito sa bahay ni Stefano ay hindi ko paring mapigilang hanapin ang palagi kong agahan sa bahay.

Atsaka sigurado naman ako na hindi kumakain si Stefano ng mga damo, ibig kong sabihin kagaya nitong mga gulay na binili ko dahil baka puro karne at frozen foods ang kinakain nun, pero...nakakainggit dahil mukha namang malusog ang pangangatawan niya, mukhang alagang-alaga dahil medyo bumabakat ang mga muscles nito kapag naka fitted t-shirt siya.

Eh halos nga lahat ng kakilala kong may mga marangyang buhay ay namamatay dahil sa stroke, dahilan narin siguro sa mga kinakain nilang pagkain.

Pero ako habang buhay pa ako, pangangalagaan ko ang katawan at kalusugan ko, hindi ako pwedeng dapuan ng sakit dahil maraming umaasa sa akin, hindi ko sila pwedeng iwan na lamang dahil baka hindi pa matahimik yung kaluluwa ko sa kabilang buhay kung alam kong may mga naiwan pa akong hindi ko pa natapos may mga tungkulin na hindi ko pa nagampanan.

Makalipas ang tatlumpu't minuto, natapos ko nang lutuin ang chopseuy na napag-isipan kong iluto ay inihain ko na ito. Napatingin ako sa paligid at bigla akong napasimangot dahil sobrang tahimik ang buong bahay, para akong nasa sementeryo dahil sa sobrang nakakabinging katahimikan, para akong mabibingi nito.

Natatakot man ay binalewala ko na lamang dahil talaga kapag ganitong nag-iisa ako ay hindi ko mapigilang takutin ang sarili ko, para akong tanga minsan na nag-iisip ng kung ano-ano kagaya na lamang ng may nakatingin at nakamasid daw sa akin pero guni-guni ko lang pala, may nakatayo sa likuran ko pero paglingon ko wala pala at may nakatayo daw sa madilim na sala kahit na tinignan ko ay wala naman pala.

Gusto ko talagang batukan itong sarili ko, ang likot ng mga imahinasyon ko kung minsan. Para din akong tanga na tinatakot ko rin itong sarili ko.

May mga pagkakataon nga na muntik na akong hindi makakain dahil sa sobrang takot ko dahil nag-iisa lang ako noon sa bahay at dahil may pinuntahan sila mama kasama yung mga kapatid ko, si papa naman nasa trabaho pa nun.

Gabi noon at nasa alas syete pa lamang ang oras na naalala ko pa at dahil sa sobrang nagugutom na ako noon at hindi ko narin matiis ang pagkulo ng aking sikmura ay buong tapang akong lumabas sa kwarto ko para magtungo sa kusina at magluto ng kakainin ko. Madilim na sala ang bumungad sa akin kaya patakbo kong tinungo yung switchan ng ilaw, muntik pa akong matapilok noon dahil sa kamamadali kong mabuksan yung ilaw, medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil napapalibutan na ng liwanag ang sala.

Nagtungo ako sa kusina pero agad akong napatigil dahil napadako ang aking mga mata sa aming bintana na hindi natatakpan ng kurtina at kitang-kita ko mula dito ang madilim na kapaligiran at sa labas ay maraming puno na nakatayo doon kaya para akong masusuka dahil sa naiisip ko...

Na may nakatayo doon at nagmamasid sa bawat galaw ko.

Pero umiling-iling na lamang ako at binalewa ko lahat ng mga iniisip ko, dahil sabi ni papa na bakit daw ako matatakot kung sarili naming pamamahay iyon at kami ang nakatira doon wala ng iba.

Married To A Monster Where stories live. Discover now