Prologue

5 0 0
                                    

_______
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

(P.S: I'm not a perfect writer so please expect some typo and grammatical errors ahead. Thank you)

-bluenighticon

________
Prologue

Takbo, takbo, hanggang sa makalayo ako sa mga taong humahabol sakin. I felt someone coming towards where I was standing kaya tumakbo ako sa madilim na lugar at nagtago sa isang malaking puno, "Nasaan na ba yun?!" rinig ko sa lalaking may dalang baril, "Sabi ko sa inyo, wag niyo siyang hahayaang makatakas!" Nabigla ako ng sumigaw ang isa sa mga lalaking kasamahan nila.

"Ano pang hinihintay niyo? Find him now, move!" Nakita ko ang limang lalaki na isa isa silang tumakbo sa ibang direction at hanggang sa wala na silang lahat sa paningin ko.

Tumayo ako at pinagpag ang damit ko at tumungo sa isang madilim na sulok where I find the old abandoned park, uupo na sana ako ng biglang may humawak sa balikat ko. "Oh shit!" Nagulat ako ng makita ko ang isang babaeng naka white dress na may belo nakalagay sa kanyang mahabang buhok.

"Paumanhin ijo, nagulat ba kita?" She smiled that made me creep out, "Obvious ba? Tsk." Walang gana kong sabi sakanya, napabuntong hininga ako ng inalis na niya yung kamay sa balikat ko.

Umupo na ako sa bench para makapaghinga muna pero nagtataka talaga ako kung bakit nakatayo pa rin yung babae sa harapan ko. "Miss, baka gusto niyo pong umupo? Nakakailang po kasi kung tatayo nalang kayo diyan sa harapan ko." Sabi ko at umiling naman siya kaya nagkibit-balikat nalang ako at tumitingin sa paligid baka may makakita sakin.

"Ijo, pwede kitang tulungan." Kumunot yung noo ko at napatingin sa babaeng nasa harap ko, "Huh? What do you mean?" I said in confusion. Ngumiti na naman siya at lumapit ng konti sakin.

"Nakita kitang may naghahabol sayo kanina at may tangka silang patayin ka, diba?" Mas lalo akong naguguluhan sa sinabi niya, hindi muna ako nagsalita dahil bumalik na naman yung trauma ko.

Nagulat ako ng biglang hinawak ng babae yung kamay ko at umupo siya sa harapan ko, "Nanginginig ka ijo, alam kong takot ka pa rin dahil sa mga pangyayari pero huwag kang mag-alala dahil tutulungan kita." Umiling ako sa sinabi niya, "I-i don't need your help."

Ngumiti siya at inalis yung puting belo na nakapatong sa ulo niya, "Gusto mo bang maging malaya at magkaroon ng mapayapang buhay?" Kumunot yung noo ko dahil sa tanong niya, "W-what?"

"Pumikit ka Jake at isipin mo ang mga bagay na walang nangyaring masama sayo at nasa mabuting kalagayan ka-" I cut her at nagsalita kaagad ako, "Wait, how did you know my name? And bakit mo ba sinasabi ang mga yan?"

"Alam kong gusto mo ng mapayapang buhay at mapalayo sa mga masasamang tao, kaya sundin mo lang ako Jake dahil matutupad rin yang mga hinihiling mo." Sabi niya na may malaking ngiti sa labi niya.

"Really? Then, how can you help me?" I asked her again at hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Pumikit ka at humiling, dahil darating din ang araw na matutupad yan." Tumango ako at ginawa yung sinabi niya.

"Sana makahanap ako ng isang taong makakatulong sakin at kaya naming harapin ang anumang pagsubok sa buhay."

"Your wish is my command, Sim Jaeyun." iminulat ko kaagad ang mga mata ko at nakita kong umilaw ang paligid kaya tinakpan ko ng isang kamay ang mata ko dahil sa nakita ko.

Hanggang sa nawala ang ilaw at nagulat ako nang mawala rin yung babae na nasa harapan ko kanina. Tumayo ako pero biglang sumakit ang ulo ko at sinubukan kong iminulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa, hanggang sa dumilim ang paningin ko at nawalan ako nang malay.

Mr. Sim is a Cat Boy (Sim Jake FF)Where stories live. Discover now