Chapter 6

0 0 0
                                    

Jake's POV
I'm currently sitting on the couch and I'm still thinking about what happened last night.

-Flashback-

Naaalimpungatan ako dahil sa katabi ko kaya napamulat kaagad ako, at nakita kong nakapatong na yung isang paa ni Raine sa binti ko kaya kaagad ko itong inalis.

"Sana pala hindi nalang ako tumabi sayo." Sabi ko habang nakatingin kay Raine na natutulog. Nakita kong parang nanginginig siya kaya tinakpan ko nang kumot yung katawan niya.

I was surprised when she suddenly pulled me and hugged me, I looked at her but my eyes got widen when suddenly our noses met.

Inilayo ko kaagad ang mukha ko at bigla akong napatingin sa kisame. "Shit, Muntikan na yun Jake." Naipikit ko yung mata ko at napatingin na naman sakanya.

"Huwag ka nang malikot please, I want to sleep well." Sabi ko habang nakatitig sakanya, kaya niyakap ko rin siya at pumikit hanggang sa makatulog ulit ako.

-End of flashback-

A sudden smirk came up to my face but nawala kaagad yun nang mapansin kong may lumabas sa kwarto at nakita ko si Zyraine na bagong ligo, napatingin ako sa suot niyang oversized mint green t-shirt at naka white silk shorts.

Lumapit siya sakin at umupo sa unahan nang sofa na inuupuan ko at tinignan niya ako. "Uhmm, pwede ka bang bumalik sa pagiging pusa mo? Catfood kasi yung binili ko kahapon para sayo eh, atsaka mamaya pa ako makakabili nang makakain natin." Pakiusap niya sakin kaya napaisip ako kung kaya ko bang gawin ulit yun.

Pumikit ako at sinubukan kong bumalik sa pagiging pusa until I felt that I was slowly returning to being a cat.
________

Zyraine's POV
Nanlaki yung mga mata ko ng makitang nagiging pusa si Jake,
"Totoo nga talaga. Ikaw nga si ikeu." Ngumiti ako at kinuha ko siya.

Nagtungo kami sa kusina at binigay ko sakanya ang isang bowl ng catfood at nagsimula na rin siyang kumain, "Kumain ka nang madami dahil mamaya may pupuntahan tayo." Sabi ko sakanya at nagsimula na rin akong kumain ng almusal.

-Time Skip-
Habang naghuhugas ako ng pinggan ay bigla nalang may nagsalita sa likuran ko. "Saan tayo pupunta—"

"Ay pusang gala!" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Jake sa gilid ko kaya napalingon ako sakanya at tinignan siya ng masama. Na realize ko na bumalik na naman siya sa pagiging taong pusa niya.

"Huwag ka ngang mang-gulat diyan." Ngumisi siya at binigyan niya ako ng mapang-asar na tingin. "O ba't ganyan ka makatingin sakin?" Tinaasan ko siya ng kilay at binalewala ko nalang ito at nagpatuloy sa aking ginagawa.

"I just wanna ask kung saan tayo pupunta mamaya?" He softly said to me kaya lumingon ako sakanya at nakita ko siyang naka pout.

"Nakakainis itong taong pusa na 'to! kung sino pa yung nang gulat kanina, nagagawa niya pang magpa cute sakin."

"Bibilhan kita ng mga damit mamaya para naman hindi kana makakahiram pa sa mga damit ko." Sabi ko kay Jake at binigyan siya ng pilit na ngiti.

"Really? Then, where are we going to buy some new clothes?" I was taken aback when he excitedly said it to me. "I hope sa mall ka bibili—"

"Hoy! anong sa mall pinagsasabi mo diyan? Mga mamahalin yung mga damit don atsaka wala pa akong sapat na pera. Okie?" Paliwanag ko kaya napasimangot siya.

Nang matapos na akong maghugas ng pinggan ay naglakad na ako papunta sa kwarto ko ng biglang nagsalita na naman si Jake, "Eh kung ganon, saan tayo bibili ng mga damit?"

Napahinto ako at napangisi kaya nang tumingin ako sakanya ay biglang kumunot yung noo niya. "Edi sa ukay ukay tayo bibili. Marami tayong mapagpilian don ng mga magagandang damit."

Nanlaki yung mga mata niya, "What?! No! ayoko don sa masyadong cheap." Gulat akong napatingin sakanya ng bigla niyang sinabi yun. "Luh, ang arte mo naman. Mabuti pa nga don mura lang keysa naman sa mall tayo bibili, edi wala na tayong makakain dito. Tsk!" Reklamo ko kaya pumasok na ako sa kwarto ko para makapagbihis na.

Nang matapos na ako ay kinuha ko yung sling bag ko at lumabas na sa kwarto at nakita kong nakaupo si Jake sa couch at parang may malalim na iniisip.

Bumuntong hininga ako at nilapitan siya, "Lalim ng iniisip natin diyan pre ah?" Mapang-asar kong sabi sakanya.

Tinignan niya ko ng masama kaya bigla agad sumeryoso yung mukha ko at tumikhim. "Iba palang magtampo itong pusa na 'to, nakakatakot."

"Sige na Jake, samahan mo na ako! May gusto rin akong bilhin sa ukay ukay eh. Sige na please." Pakiusap ko sakanya habang nakadikit yung dalawang palad ko. Tinignan muna niya ako at tumayo siya.

"Okay fine." Walang gana niyang sabi sakin kaya napangiti ako at hinawakan ko yung braso niya, "Tara na?" Masayang sabi ko sakanya at lalabas na sana kami ng apartment ng napagtanto kong masyadong visible yung buntot at ng tenga niya.

Pinahinto ko muna siya at pinaghintay, tumakbo ako patungo sa kwarto at kinuha yung beenie hat and trench over coat ko para ibigay kay Jake.

Isinuot ko yung coat sakanya na ikinagulat niya pati na rin yung beenie hat, "magsuot ka nang ganyan baka isipin ng mga tao na nagcocosplay ka." Sabi ko habang inaayos yung beenie sa ulo niya.

Bigla akong napatingin sakanya at nagtama yung tingin naming dalawa.
Inalis ko kaagad yung tingin pati na rin yung kamay ko sa ulo niya at naunang lumabas ng apartment, "Tara na." Tumango naman siya at sabay kaming lumabas at naghanap ng masasakyan.
_______
"Ma'am, bakit po nakasuot ng ganyan yung boyfriend niyo? Hindi po ba siya naiinitan sa suot niya?" Nagulat ako sa sinabi ng tindera dito sa may ukay ukay kaya napatingin ako dito sa katabi ko na si Jake at awkward rin akong napatingin kay ate.

"Uhm, ate pasensya na, pero may lagnat lang po talaga siya kaya ganyan yung suot niya atsaka hindi ko po siya boyfriend hehe" awkward na sabi ko kay ate kaya nag-aalinlangan naman siyang tumango at nagpatuloy ako sa pagpili ng mga damit para kay Jake.

"Sayang naman Ma'am, alam niyo po bagay talaga kayong dalawa ni Sir." Napangiwi ako sa sinabi sakin ni ate, "Luh ka ate, ni hindi ko po nga type yung lalaking yun." Napatawa naman siya sa sinabi ko at sabay kaming napatingin kay Jake na nasa unahan na tumitingin rin sa mga damit.

"Wag po kayong magsalita ng tapos ma'am, baka hanggang sa matagal niyo pong pagsasama baka may fall, kaya kumapit muna po kayo bago ka niya saluhin." Mapang-asar na sabi ni ate sakin na ikinailing ko, "Nako si ate talaga oh, mahilig mang-asar. Eto na po yung mga damit na bibilhin ko po sainyo." Sabi ko sakanya at binigay yung mga damit na napili ko at nagbayad na.

Hinanap ng mga mata ko si Jake pero bigla akong napalingon kay ate nang ibinigay na niya sakin yung paper bag na may laman ng mga binili kong damit at nagpasalamat ako sakanya and umalis na rin ako.

Hinanap ko ulit si Jake at napabuntong hinga ng makita kong may tinitignan siya sa madilim na lugar, kaya pinuntahan ko siya at kinalabit ko yung balikat niya. "Hoy, sinong hinahanap mo diyan?"

Gulat siyang napatingin sakin pero bigla naman iyon napalitan ng seryosong tingin at umiling. "Halika na? Umalis na tayo." Hinawakan ko yung braso niya at nagsimula na kaming maglakad.

Mr. Sim is a Cat Boy (Sim Jake FF)Onde histórias criam vida. Descubra agora