Chapter 3

1 0 0
                                    

Zyraine's POV

"You're 20 minutes late again, miss Castillo!" Bungad na sigaw saakin ni Sir Park. Napapikit ako dahil sesermonan na naman ako nito, "Kailan ka ba magbabago ha? Alam mo palagi ka nalang ganyan, walang araw talaga na hindi ka malelate sa trabaho!" Sermon niya sakin at tinignan niya yung mga co-workers ko na nakikinig kay Sir Park.

"Kayo?! magsitrabaho na kayo at wag kayong makinig sa usapan namin, now move!" Nagsialisan na yung mga co-workers ko at tinignan muna ako ni Dyanne kung okay lang ba ako, kaya tumango naman ako at umalis na rin siya.

"Now explain it to me Ms. Castillo kung bakit ka palaging late, hmm?" Seryosong sabi ni Jeongsungit sakin. "Sir kahit paulit ulit ko pang i-explain sainyo, ayaw niyo pa rin po akong paniniwalaan." Sabi ko sakanya, bumuntong hinga ako at itinaas ko yung ulo ko.

Nakita ko siyang umupo ng maayos sa swivel chair niya at seryosong nakatingin sakin. "Alam mo Ms. Castillo, 5 months ka nang nagtatrabaho dito sa coffee shop ko at palagi ka nalang late sa trabaho, alam mo namang ayaw ko sa mga taong mabagal kumilos diba?" Tumango kaagad ako sa sinabi niya, nakita kong hinihilot niya yung sentido niya at tumingin kaagad saakin.

"Alam ko naman po yun sir, atsaka kung ganyan lang naman pala yung nakikita niyo sakin, eh ba't hindi niyo nalang po ako paalisin dito sa trabaho?" Tinignan niya ako ng masama dahil sa sinabi ko, kaya umiwas ako ng tingin.

"You want me to fire you?" Tumayo siya at nagulat ako ng unti unti siyang lumapit sakin, "P-po? S-sinabi ko lang naman po yun kasi ayaw kong nakikita yung boss ko na palagi nalang mainit yung u-ulo sakin." Huminto siya sa harapan ako at tinignan niya ako sa mga mata. Tinaas niya yung kilay niya kaya nagpatuloy ako sa pagsalita.

"Atsaka baka ako pa yung makakasira ng shop nato dahil sa palaging panenermon niyo pa sakin, aaminin ko po mali yung ginagawa ko palagi. Sorry po pero kung mauulit ko pa ito, tanggalin niyo nalang po ako sa trabaho para wala na po kayong problema sakin." Ngumiti ako at nag bow sakanya, aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.

"Ayaw ko na tanggalin ka sa trabaho ko Ms. Castillo kaya kung mauulit man yang pagiging late person mo," Nagulat ako ng biglang pinitik ni Jeongsungit yung noo ko. "You will be having a punishment." Ngumisi siya sakin kaya kumunot yung noo ko.

"Punishment? Anong klaseng punishment ba yun Sir?" Tumalikod siya at ipinakita sakin yung 7 pile of reports niya. "Grabe naman yan sir! Andami naman niyan eh." Reklamo ko sakanya. Tumawa naman siya na ikinainis ko.

"Pito lang yan, hindi mo pa kayang gawin? Ako nga 20 reports yung sinasagutan ko nakaya ko, ikaw pa kayang 7 reports lang yung binibigay sayo?" Sabi ni Jeongsungit sakin, kaya na rolled eyes ako. "Ano, aangal ka pa? O baka gusto mo talagang tanggalin nalang kita ngay—" pinutol ko yung sasabihin niya.

"Aish, Oo na po! Gagawin ko na po yan bukas." Inis na sabi ko sakanya kaya ngumiti naman siya. "What do you mean bukas? Eh ngayon mo na to gagawin." Nanlaki yung mga mata ko dahil sakanya. "Ano?!" Tumawa si Jeongsungit sakin at nagsalita.

"Dadalhin mo yan sa bahay niyo at doon mo yan tatapusin. Pag natapos mo ang lahat nang yan, ibibigay mo yan sakin next week. Okay ba Ms. Castillo?" Taas kilay na sabi ni Jeongsungit kaya napatango nalang ako at kinuha yung mga reports.

"Good, now go back to your work at basta yan na ang usapan natin, okay?" Tumango kaagad ako at lalabas na sana ng office niya ng bigla na naman niya akong tinawag.

"Ah Ms. Castillo, tell also Dyanne na gawan niya akong ng coffee caramel right now." Tumango naman ako, "Okayyy Sir Jay!" Pilit na sabi ko na ikinangisi niya at tuluyan na akong lumabas sa office niya.

Inilagay ko yung mga reports sa locker at napabuntong hininga ako, "Another stress na naman ang ibinigay sakin. Hay!" Nagsuot na ako ng cap and apron at tumungo kay Dyanne para sabihin sakanya na timplahan si Jeongsungit ng kape.
________

-Time skip-

6:00 PM at kailangan ko ng umuwi kaagad dahil mag isa lang si ikeu sa bahay. "Hoy Zyraine, ba't ngayon ko lang nalaman na interested kana palang mag alaga ng mga pusa?" Nakangising sabi saakin ni Dyanne habang ako ay naglilinis ng mesa sa counter.

"Nakita ko lang yung pusa sa dorm ko, gustuhin ko man siyang paalisin kaso naaawa ako sakanya eh, kaya inalagaan ko nalang si ikeu." Nakangiting sabi ko sakanya, nabigla ako nang kinurot niya yung tagiliran ko. "In fairness ah, hindi kana takot mag alaga ng mga pets. Pero girl bago tayo magchikahan about sa pusa mo, may napapansin talaga ako kanina." Tinignan ko si Dyanne na nagtataka.

"Feel ko talaga may gusto si Sir Jay sayo bes." I scrunched my nose dahil sa sinabi niya, "Ha? Paano mo naman nasabi yan, Dyanne?" Napatawa siya sa tanong ko.

"Seriously, hindi mo nahahalata? Alam mo kanina nakita namin kayong dalawa na magkahawak ang kamay, at narinig rin namin na ayaw ka niya talagang tanggalin sa trabaho mo." Explain ni Dyanne sakin na ikinataka ko na naman.

"Hoy ano ka ba, walang malisya yung ginawa sakin ni Jeongsungit kanina noh! Mga assuming talaga kayo." Sabi ko sakanya at ngumisi siya, "Aysus defensive ka pa diyan, pero what if talaga na may gusto sayo si Sir? Ano nang gagawin mo?" Nangangasar na sabi sakin ni Dyanne kaya napaikot ako ng aking mata.

"Malabong mangyari yang mga sinasabi mo Dyanne, okay? Atsaka huwag mo na nga akong asarin diyan, dahil hindi ko rin type si Sir. Mas gugustuhin ko pang maging single keysa maging boyfriend yung masungit na yun." Inis na sabi ko at isinabit ko na yung basahan sa may pader.

Kinuha ko na rin yung cap at apron ko at nilagay iyon sa locker ko, kinuha ko na rin yung mga gamit ko at sabay naming sinara ni Dyanne ang shop at sabay na rin kaming umalis.

"Bibilhan ko pa ng catfood si ikeu Dy, ano sasabay ka pa rin ba sakin?" Tumango si Dyanne sakin, "Sasabay nalang ako sayo tutal weekend na bukas so wala muna akong maraming gawin sa bahay ngayon." Sabi niya at sabay kaming pumasok sa isang pet store. "

Nang makabili na ako ay lumabas na rin kaming dalawa at humanap ng masasakyan na taxi, "Ang effort mo naman kay ikeu bes, tig dalawang pack ng catfood talaga ha?" Napatawa ako. "Of course, ayaw kong nagugutom ang alaga ko kaya binilhan ko siya ng dalawang pack good for 1 week niya." Ngumiti siya sa akin.

"Baka mamaya niyan may kababalaghang mangyari mamaya sa pagtulog mo ha? Nako, wag mong patabihin yung pusa sa kama mo Chin baka makalmot ka non pag nahigaan mo yung pusa." Paalala sakin ni Dyanne, kaya napatawa nalang ako. "Sa sofa ko na siya patutulugin, Dy. Alam ko namang malikot talaga ako sa pagtulog." Tumawa kaming dalawa at sumakay na rin kami sa taxi na huminto sa harapan namin.
~~~•~~~

A/N: ano kayang mangyayari kapag uuwi na si Zyraine sa apartment niya? Nako, malalaman natin yan!

Mr. Sim is a Cat Boy (Sim Jake FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon