Chapter 5

0 0 0
                                    

Zyraine's POV

Nawala yung ngiti sa labi ko ng biglang pumasok yung lalaki sa kwarto ko.

Lalapit na sana siya sakin ng bigla ko siyang pinahinto, "Oops wait! Wag ka munang lalapit dahil hindi mo pa ineexplain sakin ang lahat." I saw him sighed, at umupo siya sa isang sofa na katapat ko lang.

"Sino kaba? Paano ka napunta dito sa loob ng unit ko at kung totoo man yung sinasabi mong isa kang taong pusa, paano mo nagawa yan?" Sunod sunod na tanong ko sakanya. Narinig ko siyang tumikhim bago magsalita, "My real name is Jake and I am your pet cat, you always call me by the name you gave me "ikeu" and totoong tao talaga ako, it's just there is someone who cursed me." Paliwanag niya na ikinataka ko.

"Ha? May nagsumpa sayo? Sino naman?" Tanong ko at nagkibit-balikat lang siya. "I don't know why she's doing this to me, ang hiniling ko lang naman sakanya non ay sana makahanap ako ng isang taong makakatulong sakin but then ginawa nalang niya akong pusa." He said in disappointment kaya malungkot akong napatingin sakanya.

"Kaya kaba napunta sa lugar na ito dahil akala mo ako na yung taong makakatulong sayo?" Mahinahong sabi ko sakanya at bigla niya akong tinignan. "Ano bang maitutulong ko sayo?" Nakangiting sabi ko kay Jake at seryoso niya kong tinignan.

"Gusto ko ng bumalik sa pamilya ko at mamuhay ng normal. Walang away at walang kaguluhan." Kumunot yung noo ko sa sinabi niya, "Ha? Paano ka naman makakabalik sa pamilya mo kung ganyan yung anyo mo? May tenga't buntot ka, at isa kang taong-pusa." Sabi ko sakanya.

"May mission daw akong gagawin bago ako makabalik sa pagiging normal na tao." Paliwanag niya at bigla naman akong napatingin. "Anong mission?"

"Dapat ko daw tiisin yung pagiging pusa ko hanggang sa may tamang taong makakapagtulong sakin at alam kong ikaw yun." Naituro ko naman yung sarili ko dahil sa sinabi niya, "A-ako talaga?" Tumango kaagad siya kaya napabuntong hininga ako.

"Grabeng pagsubok naman ito lord, bakit niyo naman ako binigyan ng ganitong klaseng problema? Huhu"

"Try kong tumulong sayo, basta tutupad ka sa mga usapan ko? Ano game?" Ngumiti siya sakin at tumango.

"May limang rules akong ibibigay sayo at dapat sundin mo yon." Kinuha ko yung notebook ko sa ilalim ng drawer at nagsulat ng mga rules ko para sakanya.
_____
Mga rules na dapat gawin at sundin:

Rule #1: Huwag mong disturbuhin si Zyraine habang may ginagawa, at tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka.

Rule #2: Sabay tayong kakain ng breakfast, lunch and dinner (except kung mag-aanyong pusa ka, catfood ang kakainin mo)

Rule #3: Gagawin pa rin natin yung "nose rub" thingy, pero gagawin lang natin yun pag ikaw ay nag anyo bilang isang pusa.

Rule #4: Huwag masyadong clingy sakin at huwag ka ring gagawa ng something "ano" baka walang araw na papalayasin kita dito sa loob ng unit ko.

Rule #5: And lastly, bawal tayong ma-fall sa isa't isa especially nakatira tayo sa iisang dorm.
_____

Binasa niya ang lahat ng nakalagay sa rules at bigla akong nagtaka nung tumawa sila, "Iba talaga yung rule number 5 mo eh noh? Bawal ma-fall sa isa't isa." Umiling siya at tinignan ako nang nakangisi.

"Syempre, nasa iisang bubong tayo nakatira at dapat no one can break that rule talaga." Confident na pagkasabi ko sakanya na ikinatawa niya. "Okay, I will keep and remember this kind of rules." Ibinigay niya sakin yung notebook at kaagad ko naman itong tinago sa loob ng drawer.

"Dapat lang. Sige na matulog na ako Jake—"

"Himala hindi na ikeu yung tinatawag mo sakin." Ngiting sabi ni Jake sakin, kaya napaikot ako ng mata at humiga na sa kama. "Hindi ako sanay na tawagin kang ikeu kapag nag anyong tao ka."

Naramdaman kong may lumapit sakin sa likod kaya tinignan ko ito at nakita kong hihiga na sana si Jake nang bigla ko siyang pinigilan. "Hoy hoy! a-anong ginagawa mo diyan ha? Doon ka nga sa sofa." Tumalikod ako at nagtaklob ng kumot sa katawan ko.

"Hindi kasi ako kasya doon sa sofa, Raine." Humarap ako sakanya at umupo. "Ayokong may katabi ako sa pagtulog ko." Sabi ko sakanya pero bigla akong nagulat nang sumimangot siya at tinignan niya ako na parang nakikiusap sakin.

"Payagan mo nalang yan Zyraine, hindi kaba naaawa sa pusa mo?"

Nagkamot ako ng ulo at humarap sakanya, "Aish sige na nga! Basta wag kang masyadong tumabi sak—" dali dali siyang tumabi sakin at ngumiti, "Thank you, Raine." Sabi niya at tinaasan ko siya ng kilay.

"Oops, lagyan ko muna nang unan yung pagitan natin at ayokong lumagpas ka sa unan na 'to." Nilagay ko yung isa pang unan ko sa gitna namin para hindi kami magkadikit. "Sige na, matutulog nako." Sabi ko at tumalikod sakanya.

"Goodnight, Raine. Have a sweet dreams." Tumingin ako sa kawalan at unti unti akong lumingon sa likod ko at nakita ko siyang tulog na.

Humarap ako sakanya at sinuri ang mukha nito. "Hindi ko inexpect na ganito pala kagwapo si ikeu. Pero bakit sobrang familiar siya sakin?"

Napatanong ako sa sarili ko habang tinitigan ko yung mukha niya. Matangos ang ilong, messy at fluffy rin ang kanyang buhok atsaka may kissable lips. Maganda rin yung pilik mata niya at maputi rin ang kanyang balat, nakita kong may tenga at buntot rin siya kagaya ng pusa. Totoo nga talaga yung sinasabi niya na siya si ikeu, paano niya kaya ito nagagawa?

Napangiti ako habang nakatitig sakanya, "Goodnight rin sayo ikeu." Bulong ko at pumikit na hanggang sa makatulog ako.
_______
-Kinabukasan-

Naaalimpungatan ako dahil sa tunog ng alarm ko kaya pinatay ko ito gamit nang isang kamay habang ako ay nakapikit. Bumalik ako sa pagtulog at naramdaman kong may yumakap sa likod ko pero hindi ko nalang yun pinansin pa at nagpatuloy parin ako sa pagtulog.

Nakapikit akong humarap sa gilid ko at niyakap ko yung unan ko. Kumunot yung noo ko dahil mas lalong humigpit yung yakap nito, "bakit niyayakap na rin ako ng unan ko?" Tanong ko sa isipan ko.

Hinawakan ko yung kayakap ko na unan, "Bakit parang matigas?"

Unti unti kong iminulat ang mata ko hanggang sa nakita kong kaharap ko na yung dibdib ni Jake kaya tumingala ako hanggang sa makita kong unti unti ring iminulat ni Jake yung mga mata niya at bigla niya akong tinignan.

Nanlaki yung mga mata ko at dali daling lumayo sakanya, "B-bakit magkatabi tayong dalawa? atsaka bakit m-magkayakap tayo ha?!" Bungad ko sakanya, nakita kong nagkibit-balikat siya.

"Ewan ko. Kagabi ikaw yung lumampas sa unan atsaka bigla mo nalang akong niyakap, kaya hinayaan nalang kita." Paliwanag ni Jake sakin kaya napasapo ako sa noo ko.

"Muntikan pa nga tayong mag halikan kagabi." May ibinulong siya pero hindi ko narinig, "Ha, ano yun?" Tinaas ko yung kilay ko at umiling naman siya.

I sighed in relief, baka may ginawa pa akong kalokohan kagabi eh. Tumayo na ako at ganon din yung ginawa niya, inayos namin yung higaan at tinignan ko siya. "Uhm, maliligo muna ako. Pwede bang sa labas ka muna?" Tumango kaagad siya at binigyan ko siya ng maliit na ngiti at lumabas na siya ng kwarto.

Napabuntong hininga ako at hinawakan yung sentido, "Ang tanga tanga mo talaga Zyraine! Kung sino pang nagsalita kagabi na bawal kaming tumabi sa isa't isa tapos ikaw lang pala yung lalabag sa sinabi mo. Aish!" Napakamot ako ng ulo dahil sa sinabi ko, at binalewala ko nalang yun at nagtungo na sa banyo para maligo.
~~~•~~~

A/N: ano kayang nangyari sa dalawa nung gabing yon? 🤭

Mr. Sim is a Cat Boy (Sim Jake FF)Where stories live. Discover now