Chapter 1

3 0 0
                                    

"Uuwi na ako Dy, may gagawin pa ako sa apartment." Sabi ko sa kaibigan kong hindi pa tapos mag bilang ng mga pera. "Oo sige na, sasabihin ko lang kay boss Park na tapos kana sa mga gawain mo dito." Tumango siya at ngumiti ako. "Sige salamat Dyanne, bye bukas ulit!" Kumaway ako sakanya, at ganon din yung ginawa niya sakin. Lumabas na ako sa coffee shop at pumara ng taxi.

Nang makasakay na ako ay sinabi ko sa driver ang address kung saan ako nakatira.

Ako nga pala si Zyraine Chin Castillo, isa akong service crew sa cafe and at the same time isa rin akong secretary sa boss ko na masungit, si Mr. Park "Jeongsungit" Jay. Kaya Jeongsungit yung tawag ko sa boss namin, kasi palagi nalang niya kaming pinagsusungitan especially sakin. Ewan ko ba kung bakit ganyan siya makikipagtungo sakin, kahit wala naman akong ginagawang masama sa harapan niya, masungit pa rin talaga siya. Hayst…

Kasalukuyan akong hinatid ng driver patungo sa tinutuluyan ko hanggang sa makarating na kami. "Salamat po manong." Nagbayad na ako at lumabas na sa loob ng taxi.

Pumasok na ako sa maliit na gate at pumunta sa maliit na apartment na pinagtutuluyan ko. Kinuha ko yung susi sa loob ng bag at nang makuha ko ito ay binuksan ko na yung pintuan pero may napansin akong kakaiba sa may paahan ko.

Tumingin ako sa baba at may nakita akong pusa na nakatingin sakin.

"Wahhh ang cute niya!"

Isa siyang Ginger White Cat na sobrang linis at mukhang nanghihingi ng tulong sakin. Umupo ako at hinawakan ang ulo niya pero bigla ko kaagad inalis yung kamay ko dahil sa kuryenteng naramdaman nung hinawakan ko siya.

"Ba't may kuryente nung hinawakan kita?" Tanong ko sa pusa. "Meow." Napangiti ako nung tumugon rin siya.

Hinawakan ko ulit siya at wala na rin akong naramdaman na kuryente sa pusa. "Bakit nandito ka sa dorm ko? Mukhang naliligaw ka yata." Hinahaplos ko yung balhibo niya at tumingin tingin ako sa paligid ko. "Wala bang nagmamay-ari sayo? Kung pwede lang sana na alagaan kita." Tumayo ako at nakita kong lumapit sa paanan ko ang pusa at tumingin ito sakin na parang gusto niyang kunin ko siya.

Kinuha ko ang pusa gamit ng dalawang kamay ko at itinaas siya sa ere. Napangiti ako at niyakap siya sa bisig ko. "Nakakaawa ka naman, kaya kukunin nalang kita!" Masayang sabi ko at pumasok na sa loob ng dorm.

Ipinatong ko muna ang pusa sa sofa at pumunta ako sa kwarto para makapagpalit ng damit.

Nang matapos na akong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at nagulat ako ng makitang wala na sa sofa yung pusa.
"Nasaan na yung pusa?" Hinanap ko siya sa sala pero wala siya, kaya pumunta ako sa kusina at nakita ko siyang nakatayo sa harapan ng ref.

Mahina akong tumawa at tinignan ako ng pusa, "Alam kong nagugutom kana pero magluluto muna ako ng makakain natin, okay?" Lumapit ako sa pusa at kinuha siya, ipinatong ko siya sa mesa at nag gesture na maghintay muna. "Meow." Ngumiti ako at pumunta sa may ref para kunin yung meat and bacon. Nagtungo na rin ako sa may stove para makapagluto na ng hapunan.
_______

Jake's POV

Habang nagluluto ang babae, ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha niyang naka side view. I won't deny it but she's beautiful, she's just a simple girl with natural beauty. Maputi siya at naka messy bun ang kaniyang buhok.

Habang nakaupo ako sa mesa ay hindi ko maiwasang isipin kung bakit ako napunta dito sa lugar na ito, at nakakapagtaka rin kung bakit ako naging isang pusa.

Hiniling ko lang naman na sana makahanap ako ng isang tao na makakatulong sa problema ko pero ang ibinigay naman sakin ay maging isang pusa, kainis!

Nagulat ako ng bigla na naman niyang hinawakan ang ulo ko kaya napatingin ako sakanya. "Kumain na tayo." Ngiting sabi niya sakin kaya napasabi nalang ako ng "Meow." Syempre, nagugutom na ako eh.

Nagsimula na siyang maghain ng pagkain sa plato niya, habang ako ay naghihintay kung kailan niya rin ako bibigyan. "Wait ka lang diyan ha? Kukuha lang ako ng bowl para sayo." Tumayo siya at kinuha yung maliit na bowl at nilagyan niya ng dalawang bacon.

"Kumain kana, pasensya na kung yan lang muna ang kayang kong ibigay sayo." Sabi niya sakin kaya tinignan ko yung pagkain na binigay niya sakin. Hinawak ko ito gamit ang isang kamay but I hissed at bigla ko kaagad inilayo ang kamay dahil sobrang init ng pagkain.

Nakita kong dali daling lumapit ang babae sa akin at hinawakan yung napaso kong kamay. "Omg! I'm so sorry cat, mainit pa pala yung bacon. Patingin nga." Sabi niya.

She blew my hand and I was surprised when she suddenly kissed it. "I'm sorry, mamaya mo nalang kainin yung bacon kapag medyo malamig na ok?" Tinignan niya ako sa mga mata and hinawakan na naman niya yung ulo ko. Bumalik na rin siya sa upuan niya at nagsimula na siyang kumain.

I stared at her and wondered why my heart suddenly skipped a beat because of what she did.

~~~•~~~
A/N: ang caring naman masyado ni Zyraine sa pusa, isang paso lang i-kiss niya kaagad?! hmmm... 🤭

Mr. Sim is a Cat Boy (Sim Jake FF)Where stories live. Discover now