Chapter 7

0 0 0
                                    

"Gusto mo bang kumain muna tayo?" Bigla siyang umiling, "Alam mo Jake kanina ka pa hindi nagsasalita diyan. May problema ka ba?" Nag-alalang sabi ko sakanya pero bigla siyang ngumiti.

"Wala naman, sorry kung hindi kita pinapansin kanina." Tumango nalang ako at tinanong ko ulit siya kung gusto niya bang kumain kami sa labas pero umiling lang siya. "Ayokong kumain sa labas, gusto ko na matikman ko muna yung mga niluluto mo." Napatawa ako sa sinabi niya.

"Weh talaga? Gusto mo ba na, ipagluto kita ng adobo sa bahay?" Sumilay kaagad yung ngiti sa mukha niya at dali daling tumango, kaya napangiti rin ako sakanya.

Pumunta na rin kami sa palengke upang makabili ng mga ingredients na kailangan ko sa lulutuin kong adobo, may mga ibang tao rin dito sa palengke na grabeng makatingin sa kasama ko.

May iba rin kinukunan siya ng mga pictures especially yung mga babae dito sa palengke, kaya napaikot nalang ako sa aking mata at binalewala sila. Hanggang sa makabili na kami ni Jake ay lumabas na kami sa public market at pumara ng taxi para makauwi na kami.

Nang makasakay na kami ni Jake ng taxi ay bigla siyang nagsalita, "Raine, bakit ganon yung public market? Ang baho naman don." Sabi niya kaya napasapo ako sa noo ko. "Kaya nga tinawag na public market yun dahil nandoon lahat yung mga seafoods at  iba pang pwede nating makain, at kaya rin mabaho dahil yun sa mga laman loob ng mga isda na nililinis ng mga nagtitinda." Paliwanag ko sakanya at nakita kong parang nandidiri siya.

"Eww? Kaya pala mabaho yung kamay ng dating maid namin kasi kinukuha muna niya yung laman loob ng fish bago niya lulutuin." Napatingin ako sakanya na may halong pagtataka, "Ha? Anong maid?" tanong ko.

Nanlaki yung mga mata niya pero kaagad niya yun binawi at umiling siya, "N-nothing." Ngumiti siya kaya napatango nalang ako at tumingin sa labas ng daan.
______
Nang makauwi na kami ay nilapag na namin sa mesa yung mga binili namin at napatingin ako kay Jake na hinuhubad niya yung coat at yung beenie hat. "Raine, can I take a shower? Feel ko kasi mabaho na ako." Napatawa ako ng bigla niyang sinabi yun.

Tumango kaagad ako, "Oo naman, kukunin ko muna sa kwarto yung damit mo." Tumungo kaagad ako sa kwarto at kinuha ko muna yung oversized na damit ko na kasya sakanya at kumuha na rin ako ng towel.

Lumabas na ako sa kwarto at nakita ko siyang naghintay sa labas ng pintuan kay binigay ko kaagad yun sakanya, "Oh ayan maligo kana dahil ang taong hindi naliligo, madaling madadapuan ng sakit. Hmm?" Sabi ko sakanya at nakita kong ngumiti siya.

"Okay, thanks for your advice mom." Napangiwi ako sa sinabi niya at tumawa lang si Jake sakin. "Hindi mo ako mommy, pumunta kana nga don sa banyo!" Inis na sabi ko sakanya kaya dali dali naman siyang pumunta sa loob ng banyo habang nakatingin sakin na may mapang-asar na ngiti.

Umiling nalang ako nagtungo sa kusina para ihanda yung mga ingredients na lulutuin ko sa adobo.

A few more minutes later....

Habang naghihiwa ako ng sibuyas dito sa mesa ay bigla nalang dumating si Jake sa harapan ko. "Pwede ba akong tumulong sayo?" Napatingin ako sakanya at nakita ko itong kakatapos lang niyang maligo dahil basa at magulo niyang buhok.

I stared at him pero kaagad akong umiwas nang magtama ang tingin naming dalawa, "Huwag kanang tumulong, manood ka nalang ng TV don sa sala." Tinignan niya ako na may pag-alala.

"Are you sure?" Tumango ako na may maliit na ngiti sa labi kaya sinunod naman niya yung sinabi ko sakanya at nagtungo siya sa sala.

Pinagpatuloy ko pa rin yung paghihiwa ko hanggang sa... "Aray!"
Napahawak ako sa hintuturo ko na dumudugo at napansin kong lumapit sakin si Jake at tinignan yung kamay ko. "Aish! Ayan kasi tumatanggi sa tulong ko, tignan mo na nangyari sa kamay mo!" Nabigla ako dahil sa pagtaas ng boses niya sakin.

He worriedly looked at me and pulled me to the sink. Hinugasan niya yung hintuturo ko para mawala yung dugo at nang matapos ng hugasan yung kamay ko ay pinaupo niya ako sa upuan at pinaghintay muna ako ni Jake.

Nakatingin ako sa hintuturo ko hanggang sa di ko namalayan na nakangiti na pala ako, pero bigla yun napawi nung dumating na si Jake na may dalang medicine kit.

"Wow, may paganyan ka pa talaga, eh pwede namang band-aid nalang yung dinala mo." Sabi ko sakanya pero umiling lang siya. "kailangan nating linisin ng mabuti yang kamay mo para hindi lumala yung dugo." Paliwanag ni Jake at nakita kong kinuha niya yung cotton, alcohol at band-aid sa medkit.

Nilagyan niya ng alcohol yung maliit na cotton kaya naipalayo ko yung kamay kay Jake, "H-hoy! Bakit may alcohol? Ayoko niyan." Umiling ako habang inilayo yung kamay sakanya.

"Come on Raine, lagyan na natin yan ng alcohol para hindi na masyadong dumugo yang sugat mo." Sabi sakin ni Jake at akmang kukunin niya yung kamay ko pero itinago ko kaagad ito sa likuran ko. "Ayokooo! Mahapdi yan eh!" Mangingiyak kong sabi, narinig kong bumuntong hininga siya.

"Just give it a try Raine, mas lalong magkaroon ng infection yan pag hindi yan natin nalilinisan." Medyo may halong inis na pagsabi ni Jake.

"May point rin naman siya sa sinabi niya."

Napasimangot ako habang inilagay sa mesa yung kamay ko. "Sige na nga, basta wag mong idiin yung paglagay mo ha?" Ngumiti naman siya sakin at kinuha yung kamay ko.

"I'll be gentle Raine, don't worry." Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ni Jake.

I saw him smirking at me and kagaya ng sinabi niya, he gently rubbed the cotton on my wounded finger while biting his lower lip.

"Taena beh, ba't ang hot niyang tignan pag ginagawa niya yan sa harapan ko??"

Bigla akong napaatras ng maramdaman ko yung hapdi, "Ahh shit! ang hapdi!" Akmang hihilahin ko na sana yung kamay ko pero bigla na naman niya itong kinuha at lumapit siya ng konti sakin.

Nabigla ako ng inilagay niya yung hintuturo niya sa bibig ko. "Watch your mouth, lady." Tinignan niya ako at inalis niya kaagad yung daliri sakin at nagpatuloy sa paglinis ng sugat ko.

"Mahapdi kasi eh." Mangingiyak kong sabi hanggang sa nilagyan na niya ito ng band-aid kaya binawi ko kaagad yung kamay ko sakanya at tinignan yung daliri ko.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko dahil sa sakit but I was surprised when Jake touched my cheeks and wiped my tears using his thumb.

"It's okay Raine, please don't cry. Mawawala rin yung sakit, hmm?" He softly said kaya tumango nalang ako at tumingin sa mga mata niya.

"I'm sorry if I hurt you." I was curious when he suddenly said that but nagulat ako ng bigla niyang inilapit yung mukha niya sa mukha ko.

I suddenly closed my eyes when he nuzzles my nose, naramdaman kong lumalayo na yung ilong niya sakin kaya unti unti kong iminulat ang mga mata ko.

I stared into his eyes at bigla nalang akong napangiti dahil sa ginawa niya.

~~~•~~~

A/N: ebarg na talaga itong pagiging concern ni Jake kay Zyraine, nakakakilig na! 😭

Mr. Sim is a Cat Boy (Sim Jake FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon