Chapter 2

3 0 0
                                    

Zyraine's POV
Kasalukuyan akong nanonood ng TV at kinikilig sa mga scenes ng My Demon. "Ahhh ang gwapo mo talaga Song Kang!" Sigaw ko habang nanonood sa mga scenes ni Song Kang.

"Mas gwapo pa ako diyan."

Napakunot ako sa noo dahil sa narinig kong nagsalita. "Huh?" Napatingin ako sa paligid pero wala namang tao, I just shrugged and continue watching.

Nakita kong umakyat yung pusa sa sofa kung saan ako nakaupo kaya kinuha ko siya at inilagay sa lap ko. Hinahaplos ko yung balhibo niya at biglang tumingin ang pusa sakin.

"Wala ka pang pangalan, ano kayang magandang itawag ko sayo?" Sabi ko sa pusa habang hinahaplos ko siya. Nag-isip isip pa ako ng pwedeng itawag ko sa pusa hanggang sa…

"IKEU!" Biglang napaigtad ang pusa dahil sa pagsigaw ko at bigla siyang nahulog sa kandungan ko kaya bigla akong napatawa. "Sorry ikeu kung nagulat kita hahaha." pinulot ko siya sa sofa at niyakap ko siya."Meow meow!"

Napatawa ako dahil biglang nag iba ang timpla ng kanyang mukha, "Sorry ikeu hindi na mauulit. Mwuah mwuah!" Hinalikan ko yung ulo niya at nilapit ko yung ilong ko sa ilong niya.

"Remember, this is what we will do if dadating ako galing sa trabaho ko at kung magsosorry ako sayo, ok?" I rub my nose onto his nose at tinignan ko si Ikeu habang nakangiti. "Yan na yung number 1 rule na gagawin natin."

Pinatay ko na ang TV dahil inaantok na ako, "Gabi na, matulog na tayo ikeu dahil may trabaho pa ako bukas." Tumungo na ako sa loob ng kwarto habang dala ko si ikeu sa aking bisig.

Ibinaba ko na siya at sumalampak na rin ako sa kama dahil sa pagod. Humikab ako at nagtaklob ng kumot, inaya ko si ikeu na lumapit saakin at sumunod naman ito.

Hinaplos ko yung malambot niyang mga balhibo, "Goodnight ikeu, sweet dreams." Ngumiti ako sakanya at ipinikit ko ang aking mga mata, hanggang sa makatulog ako ng mahimbing na katabi siya.

~~~•~~~
-The next morning-

Napamulat ako ng aking mata dahil sa sinag ng araw, I stretched my arms at humikab. Umupo ako at hinanap si ikeu at nakita ko siyang natutulog sa maliit na sofa, "Paano siya napunta diyan, eh katabi ko pa nga siya kagabi?" Sabi ko sa sarili ko at bumuntong hinga.

Pagkatapos kong ayusin ang kama ay dumiretso ako sa cabinet para kumuha ng damit at pumunta ako sa pusa kong natutulog, "Kahit sa pagtulog ang cute mo pa ring tignan." Nakangiting sabi ko at dumiretso sa banyo para maligo.
_____
Jake's POV

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko, gustuhin ko man sanang takpan yung dalawang tenga ko kaso hindi ko magawa.

Bumaba ako sa sofa at sinundan kung saan nang galing yung kumakanta. Napahinto ako sa harapan ng banyo at naghintay na lalabas yung babae,
hindi ko pa kasi alam kung anong pangalan niya. 

Nakita kong unti unting bumukas yung pintuan at bumungad saakin yung babaeng bagong ligo. Napahinto siya sa pagkanta at sa pagkuskos sakanyang buhok nang makita niya ako. "Good morning ikeu! Gising kana pala." Lumuhod siya sa harapan ko at pinulot niya ako.

"Ang bango niya." Napapikit ako dahil sa naaamoy kong mabango sakanya.

Ipinaupo niya ako sa kama at nagsimula na niyang patuyuin ang kanyang buhok.

After a few minutes ay nagtungo kaming dalawa sa kusina at nagluto na rin siya.

"Kumain ka ng madami ha? mamayang gabi pa kasi ako makakauwi ikeu, walang mag-aalaga sayo dito." Hinaplos niya yung ulo ko habang ako ay kumakain ng hotdog, wag na kayong magtanong kung bakit ganitong pagkain yung binibigay niya sakin. Tsk!

Nang matapos na kaming kumain ay dumiretso siya sa kwarto niya habang ako ay naiwan sa sala.

Sa kagustuhan kong puntahan siya sa kwarto ay nagulat ako sa nakita ko.

Nakatalikod siya sakin habang dahan dahan niyang inalis yung T-shirt niya. Napalunok ako dahil ng makita kong bra nalang yung suot niya, nang maisuot na niya yung white blouse ay napabuntong hininga ako. Tumalikod nalang ako baka may makita pa akong bagay na hindi ko dapat makita.

"Wag mo ng ulitin yun Jake, nagiging manyak kana niyan dahil sa ginagawa mo!"

Naramdaman kong may papalapit sakin kaya humarap ako at nakita ko siyang nakabihis na. May suot siyang maliit na pin nametag kaya binasa ko yung nakasulat doon.

"Castillo, Zyraine Chin"

Zyraine Chin? what a pretty name.

"Meow."

"Babye baby ikeu, aalis muna ako ha? Magtatrabaho muna ako sa café, wag kang mag-alala dahil bibilhan na kita ng catfood mo mamaya pag uwi ko." Kinuha niya ako at hinalikan niya yung pisngi ko and she nuzzles my nose again.

"Hindi kasi kita pwedeng isama sa trabaho dahil magagalit yung boss ko, kaya maiiwan ka muna dito sa apartment." Ibinaba na niya ako sa sahig at bago siya lumabas ng pintuan nag-paalam ulit siya sakin.

"Bye bye~" she wave at me, then isinara niya ang pintuan at umalis na.

"Mag-isa na naman ako." Malumay na sabi ko at umakyat sa sofa.

"Anong mag-isa?"

"Ay pusang ina!" Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa harapan ko, at mas nakakagulat na nakita ko na naman yung babaeng sumumpa sakin.

"T-teka, paano ka napunta dito?! Atsaka naka lock yung pintuan—" she cut me off at bigla siyang sumabat. "May kakayahan akong mag teleport Jake kaya huwag ka nang magtaka diyan." Mayabang niyang sabi so I rolled my eyes.

"Hey I'm so confused about why you turned me into a cat? Atsaka hindi ko pa alam kung anong pangalan mo." I asked her at kaagad naman siyang ngumiti.

"Ako si Azreah isa akong fairy godmother at may rason kung bakit kitang ginawang pusa." I scrunched my nose and I look at her at confusion, "What's the reason?"

"Ang pagiging isang pusa mo ay makakatulong sayo na makapagpanggap upang hindi ka mahanap ng mga masamang tao, pero wag kang mag-alala dahil pwede ka ring bumalik sa dati mong anyo—" I was surprised about what she said to me, "Really? But how can I return to my human form?" Ngumiti si Azreah at hinawakan yung ulo ko.

"Ipikit mo lang ang mga mata mo at mag imagine ka na babalik ka sa totoo mong anyo, pero mag-iingat ka dahil kapag naging tao ka ulit hindi pa rin mawawala yung pagiging pusa mo." She explained, "What do you mean?" I asked her again.

"Kapag babalik ka sa pagiging taong anyo mo, hindi pa rin mawawala yung dalawang tenga at yung buntot mo at baka kapag nakita ka ni Zyraine na nagiging tao, baka papalayasin ka niya." I sighed at tumango sa sinabi niya.

Well, she has a point. But desperado na talaga ako na bumalik sa totoong anyo ko.

"Don't worry about it, kung malaman man iyon ni Zyraine na isa akong tao tiyak na hindi niya ako paalisin. I can feel that, because of the way she took care of me alam kong matutulungan niya ako." Tumango siya sakin at ngumiti.

"Mabuting tao si Zyraine at baka siya na talaga yung taong makakatulong sa problema mo." Ngumiti rin ako sakanya at napaisip ako kung anong mangyayari kapag nalaman na ni Zyraine ang totoo.
~~~•~~~

A/N: Ano kayang maging reaction ni Zyraine kapag nalaman niyang isang tao pala yung alaga niyang pusa? Malalaman natin yan! 😉

Mr. Sim is a Cat Boy (Sim Jake FF)Where stories live. Discover now