Chapter 8

0 0 0
                                    

"Jake pakibigay nga sakin nung paminta at asin." Sabi ko habang hinahalo yung adobo. Nakita kong binigay ni Jake yung kailangan ko kaya kinuha ko yun at nilagay ko na yun sa luto ko.

Tinikman ko muna yung sabaw gamit yung sandok at nakita ko si Jake na parang gusto niya rin itong tikman kaya pinatikim ko rin sakanya yung sabaw at bigla siyang napangiti at nag thumbs up, kaya napangiti rin ako sakanya.

Hanggang sa matapos ko ng maluto yung adobo ay nilapag ko yung isang bowl ng adobo sa mesa, kumuha na rin kami ng kanin at nagsimula na kaming kumain ni Jake.

"Ang galing mo namang magluto." Nakangiting sabi ni Jake sakin kaya ngumiti ako at nag salita, "Thank you Jake actually nung dito na ako tumira, gusto ko nang matutong magluto kaya ayun nakasanayan ko na rin." Kwento ko sakanya at nagpatuloy kami sa pagkain.

Nang matapos na kaming kumain ay nag assist si Jake na siya nalang yung maghuhugas ng pinggan kaya pumayag naman ako at pumunta sa sala para asikasuhin ko na rin yung mga reports na binigay sakin ni sir Park.

Pumunta muna ako sa kwarto ko para kunin yung phone at laptop ko at bumalik kaagad ako sa sala at nakita ko si Jake na nakaupo rin sa couch habang nanonood ng football sa TV kaya tumabi na rin ako sakanya.

Habang ginagawa ko yung mga reports ay napatingin ako sa phone ko ng biglang may tumawag kay kaagad ko itong sinagot.

"Hello?" Sagot ko.

"Hi Chin, si Sunoo to! I miss you~" Napangiti ako ng marinig ang boses ni Sunoo sa tawag.

"I miss you too, Sun. By the way, kumusta na kayong dalawa ni Won?" Masayang tanong ko sa kabilang linya.

"Okay lang naman kami, miss kana rin ni Won especially yung bestie mo na kakauwi lang galing Korea. Hahaha, hulaan mo kung sino~" Napaisip ako sa sinabi ni Sunoo hanggang sa maalala ko na kung sino yung tinutukoy niya.

"Omg, si Heeseung umuwi na?! Kailan pa siya nakauwi dito sa pinas?" Masayang tanong ko sa kabilang linya.

"Kahapon palang siya nakauwi Chin, sinundo nga namin siya ni Won kahapon at alam mo ang sabi niya samin ay miss kana raw niya." Mapang-asar na sabi ni Sunoo sakin kaya napatawa ako ng mahina.

"Aysus miss niya lang talaga akong pikunin. By the way, kailan niyo ba ako bibisitahin ni Won? Tagal na nating di nagkita ah." Napasimangot ako ng sabihin ko yun.

"Ano kaba Chin, nandito na kami ni Won sa labas ng apartment mo, sorry kung hindi ko sinabi hehe" Bigla akong napatayo dahil sa sinabi niya.

"Ano?!" Sigaw ko at napatingin kaagad ako kay Jake na nakatingin na pala sakin na may halong pagtataka.
_______
Jake's POV

Habang nanonood ako ng football ay narinig kong nag ring yung phone ni Zyraine kaya napatingin ako sakanya nang sinagot niya ito.

"Hello?" Sagot niya sa tawag.

Napatitig ako kay Zyraine na may halong pagtataka.

"I miss you too Sun. By the way, kumusta na kayong dalawa ni Won?" Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya.

"Sun? Sino kaya yung kausap niya?"

Hindi nalang ako nakinig sa usapan nila at nagpatuloy na ako sa panonood ng TV hanggang sa....

"Ano?!" Nagulat ako ng sumigaw si Raine at tumingin sakin na nanlaki yung mga mata.

"Wait lang muna kayo diyan sa labas." Sabi niya at pinatay na niya yung tawag, "Uhmm, J-jake pwede ka bang bumalik ulit sa pagiging pusa? K-kasi yung dalawang pinsan ko nandiyan sa labas, bibisitahin nila ako ngayon." Paliwanag ni Raine sakin at magsasalita pa sana ako ng biglang may kumatok sa labas ng pintuan.

Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Raine sa loob ng kwarto at sa hindi na ako nagsalita pa ay ginawa ko na yung sinabi ni Raine. Pumikit ako at nag anyong pusa ulit.

Tinignan muna ako ni Raine bago lumabas siya ng kwarto. Lumabas na rin ako at nakita ko yung dalawang lalaki sa labas ng pintuan at niyakap si Raine.
________
Zyraine's POV

Binuksan ko yung pintuan at nakita ko yung dalawang pinsan ko na sila Sunoo at Jungwon. "Hello Chin, I miss you so much talaga!" Bigla akong niyakap ni Sunoo kaya niyakap ko rin siya pabalik.

"Hi ate Chin, hindi ka ba masaya na nandito kami?" Malungkot na sabi ni Won sakin kaya kaagad ko itong niyakap, "Hoy anong pinagsasabi mo diyan won? Syempre noh, masayang masaya ako dahil binisita niyo na naman ako dito." Tumawa kaming tatlo, pumasok sila sa loob ng dorm ko at pinaupo sila sa malaking couch sa sala.

"Himala ka ngayon Chin ah? Mahilig kana palang manood ng football?" Nagulat ako ng biglang nagtanong si Sunoo. Kaya pilit akong napangiti sakanya, "Hehe actually bago ko palang nailipat yung channel ng TV kaya ganyan." Tumango nalang si Sunoo at napabuntong hinga ako.

May dala silang mga chips and drinks kaya nilapag nila ito sa mesa kung saan ako gumagawa ng reports at kumain muna kami. "By the way ate Chin, balak ka nga sanang bisitahin rin ni Heeseung dito kaso busy siya eh kaya next time ka nalang daw niya bibisitahin." Tumango naman ako sa sinabi ni Jungwon at akmang magsasalita na sana ako ng biglang sumulpot si Jake sa harapan namin.

"Omg may pusa ka pala Zyraine? Ba't ngayon lang namin 'to nalaman? Hi pusa!" Masayang sabi ni Sunoo at kukunin niya sana si Jake kaso pinigilan ko siya. "Sunoo wag mo muna siyang hawakan kasi medyo sensitive kasi yang pusa ko sa mga bago niyang nakikita na mga tao, kaya ako na yung kukuha sakanya. Come here na ikeu." I gesture my hands at him na lumapit siya sakin kaya ng makalapit siya ay kaagad ko siyang kinuha at nilagay sa kandungan ko.

"Hala ang cute naman niyan Rainey, pati rin yung pangalan niya ang cute ring pakinggan." Nakangiting sabi ni Jungwon sakanya kaya napangiti rin ako, "Thank you won."

"Pwede naba namin siyang mahawakan?" Sabi ni Sunoo sakin kaya napatingin ako kay ikeu at tinaas yung isang kilay ko at nakita kong mahinang tumango si ikeu.

Kaagad naman akong pumayag at hinawakan nilang dalawa yung balhibo niya. "Saan mo pala 'to nakuha itong pusa mo, Raine?" Biglang tanong sakin ni Sunoo.

"Ah nakita ko kasi siya sa labas ng apartment parang walang nagmamay-ari sakanya kaya kinuha ko nalang siya at inalagaan." Paliwanag ko kaya naman tumango sila sa sinabi ko at nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan.

~~~•~~~

Mr. Sim is a Cat Boy (Sim Jake FF)Where stories live. Discover now