Chapter 1

1.9K 16 0
                                    

CHAPTER ONE

MAY KASIYAHAN sa dibdib na bumaba si Atty. Gaspar Castellejos mula sa kotse. Siya ang tipo ng tao na matagal makadama ng inis, bihira kung magalit, at masaya ang disposisyon sa buhay. Mahirap maging kabaligtaran ng lahat ng iyon, lalo na at ang kanyang buhay ay puno ng biyaya. He was blessed with a loving wife and a very smart son. Pagdating sa trabaho ay wala rin siyang mairereklamo. Higit pa sa kanyang pinangarap ang kanyang nakuha.
Sana matapos kaagad ang meeting. Gusto kong umuwi nang maaga ngayon. I already miss Claire. I wonder if Ryan will now eat his vegetables after our little talk last night. Napakapihikan sa pagkain ng batang iyon kaya hindi na tumaba.
Ah, marahil ay mamaya na niya aalalahaning muli ang kanyang mag-ina. Oras ng trabaho. Pumasok na siya sa malaking pintuan ng mansiyon na pag-aari nina Mr. and Mrs. Esparza. Malaking kliyente si Ginoong Esparza, na nakuha ni Atty. Gaspar ang serbisyo nang magpasya siyang magtayo ng sariling law firm kasama ang dalawang kapatid. Dalawang taon pa lang ang law firm ngunit tiyak na ang tagumpay ng firm. Isa si Mr. Esparza sa pinakamalalaking kliyente nila.
Isang kawaksi ang nagpatuloy kay Gaspar papasok sa tahanan. Pinaupo siya ng kawaksi, sinabihang may ginagawa lang ang mag-asawa. Nagpasalamat siya sa kawaksi na nagpaalam na ikukuha siya ng maiinom.
Paglingon ni Gaspar sa isang panig ng sala ay napansin niya ang isang batang babaeng noon lang niya nakita bagaman nahuhulaang ito ang babaeng anak nina Emilio at Araceli Esparza. Sa pagkakatanda niya ay "Audrey" ang pangalan ng bata, siyam na taong gulang. May bakas ng luha ang mga pisngi ng bata habang nakatayo sa isang sulok, katabi ng isang malaking Chinese vase.
Nagtaka si Gaspar sapagkat hindi gumagalaw si Audrey kahit mayroong sinag ng araw sa kinatatayuan nito. Para bang hindi man lang ito naiinitan bagaman halatang kaiiyak lang base sa mga matang namumula at basang mga pisngi.
"Are you all right, sweetie?" tanong ni Gaspar sa bata.
Sa halip na tumugon ay yumuko lang ang bata, kinagat ang ibabang labi sa gawing tila nagpipigil ng mga luha.
"Come," ani Gaspar, nais na kandungin ang bata at aluin. Ngunit umiling ito at bumulong na hindi niya naunawaan. "What was that again, sweetie?"
"I'm not allowed to talk po," sambit ni Audrey, mahinang-mahina ang nanginginig na tinig at muling yumuko.
"But why?"
Sa halip na tumugon ay kinuha ng bata ang isang lukot na papel mula sa bulsa at inabot sa kanya. Nang buklatin ay natuklasan niyang isa pala iyong test paper. Eighty ang nakuhang marka ni Audrey kaya nagtaka siya. "But this is a good grade."
Umiling ang bata, kagat ang labing tumulo ang mga luha na agad nitong pinunasan ng kamay. "It's too low, Papa said."
"This is good enough for me though."
Muling yumuko si Audrey. "Not for Papa."
Nahabag si Gaspar sa bata. Napakaamo ng munting mukha nito, masyadong maamo upang makatanggap ng ganoong parusa dahil lang sa mababang marka na kung tutuusin ay hindi ganoon kababa. Naalala ni Gaspar na parating bukambibig ni Emilio na mahuhusay raw sa eskuwelahan ang dalawa nitong anak na lalaki. Bihira nitong mabanggit ang bunsong anak na babae.
"Don't worry, sweetie. I'm sure you will do better next time."
Tumingin si Audrey sa kanya, ang mga mata ay tila nagsusumamo. Pinisil ni Gaspar ang baba ng bata at hinaplos ang buhok. Isinauli niya ang test paper na inayos ng bata ang pagkakatupi saka ibinulsa.
"Attorney!"
Napatingin si Gaspar kay Emilio na nakangiti sa kanya. "Good morning, Mr. Esparza."
"Ah, you've met my daughter. This is how I train my children. Please, sit down."
Nag-usap sila ni Emilio, kahit nais niyang ipuntong napapahiya ang anak nitong nananatili sa mainit na bahagi ng bahay at hindi nagsasalita. Ngunit tila bale-wala iyon kay Emilio. Hindi maiwasan ni Gaspar na makadama ng inis sa kausap. Hindi niya gagawin ang ganoon sa kanyang nag-iisang anak na si Ryan. Ngunit wala na siyang pakialam sa personal na buhay ni Mr. Esparza.
"I would have to call my secretary regarding that, Attorney," wika ni Mr. Esparza. "How about I call him now? Meanwhile, Audrey? Why don't you tell Rosa to serve Attorney Castellejos some of the cupcakes your Mama baked?"
Tumango ang bata. Nagsimula na itong humakbang ngunit tila may nais ipaalala rito ang ama. "You will go back to your place afterwards, you hear me?"
"Yes, Papa," bulong ni Audrey.
"Speak louder."
"Y-yes. Y-yes, Papa."
Tumango si Mr. Esparza, tila hindi nauunawaan kung paano nito winawasak ang kompiyansa ni Audrey sa sarili. Nagtimpi si Gaspar, wala siyang pakialam. Nagpaalam si Mr. Esparza at mayamaya lang ay nagbalik na si Audrey, may dalang tray ng pagkain. Nakangiti ang bata sa kanya, tila nabigyang-kasiyahan sa ginawa.
"Did you help your Mama bake this?" nakangiting tanong ni Gaspar sa munting anghel.
"Yes, Sir," tila may pagmamalaking tugon ni Audrey. "In fact, I can bake cupcakes all by myself! Without help from anyone. I can make chocolate, butter, peanut butter, and coffee. Please, Sir, try them."
"You can call me 'Tito Gaspar.'" Kumuha siya ng isang cupcake at tinikman, saka tumingin kay Audrey na tila sabik malaman ang kanyang reaksiyon. "Mmm-mmm-mmm!" aniya upang pagbigyan ang bata, bagaman sadyang masarap ang cupcake. "Did you really make these?" Kunwari ay tumingin siya nang may pagdududa sa bata.
"Yes, Tito! I did!"
"Are you sure?"
"Yes, Tito, I swear it!"
"Why, I do believe this is the best cupcake I've ever tasted!"
Biglang humagikgik si Audrey. "Thank you, Tito."
"So what do you want to be when you grow up?"
Lumingon ang bata sa paligid saka sinabing, "Baker. I want to be a baker, Tito. But Papa says I have to be an accountant like him and my brothers so I have to be good in Math."
Muli, nahabag si Gaspar kay Audrey. Noon napatingin sa hagdan ang bata at animo sundalong agad na bumalik sa puwesto kanina. Gayunman, nababatid ni Gaspar na masaya ito. Isang batang mababaw ang kaligayahan, anak ng isang lalaking mataas ang pangarap. He guessed it will be hard for little Audrey to keep up with her family.
Nagkaayos sila ni Mr. Emilio Esparza at nang matapos ay nagpaalam na rin siya. "Thank you for the wonderful cake, Audrey," aniya sa bata, saka muling tumingin sa ama nito. "I'm heading off to Mr. Belmonte's, Sir."
Lumuwang ang pagkakangiti ni Mr. Esparza. Ang tinutukoy ni Gaspar ay si Blas Belmonte na may-ari ng isang malaking kompanya. Supplier ni Mr. Belmonte si Mr. Esparza. Mr. Belmonte made canned foods, while Mr. Esparza made tin products.
"Kindly give my regards to him."
Tumango si Gaspar at umalis na. Tinahak niya ang mga kalsada ng Kamaynilaan at mabilis na nakarating sa mansiyon ng mga Belmonte. Pinatuloy siya ng guwardiya papasok sa mataas na gate ngunit sinalubong ng isang kawaksi at sinabing maghintay na lang sa hardin sa gilid ng bahay.
Mula sa hardin ay hindi maiwasan ni Gaspar na marinig ang usapan mula sa loob ng mansiyon sapagkat malakas ang tinig na nagmumula roon.
"You wasted my money on these, boy?!" anang tinig na nahuhulaan niyang kay Mr. Belmonte.
"I just wanted to try my hand at painting, Papa," wika ng tinig ng isang binatilyo. Hula niya ay iyon ang nag-iisang anak ni Mr. Belmonte. It was a bad day for sons and daughters, it seemed.
"Painting? Ano ang mapapala mo sa pagpipinta? Trabaho 'yan ng tamad."
"Gusto ko lang subukan, Papa—"
"Painting is not something you need in your life! This family doesn't need a painter! Itapon mo ang mga gamit na 'yan! I don't ever want to see painting materials inside this house as long as I live! Kapag nakita ko ang mga 'yan, ipapakain kong lahat sa 'yo 'yan! Itong brush na ito?" Biglang may kumalabog, animo tunog ng isang bagay na ibinato. "Itong mga pinturang ito?" Patuloy ang pagkalabog mula sa loob ng bahay.
"Papa, please. I will just paint during my free time."
"Free time? You will not have any free time! All your free time should be devoted to studying!"
"Pero, Papa—"
"Sumasagot ka pa?"
Hindi naging kumportable sa kinauupuan si Gaspar nang marinig ang kalabog mula sa loob ng bahay at tunog ng nabasag na gamit. Mayamaya ay natanawan niya ang isang binatilyong may dalang garbage bag. Marahil dumaan ito sa front door. Ang nakaagaw sa atensiyon ni Gaspar ay ang putok na labi ng binatilyo at namamagang pisngi.
"My God..." nasambit niya, nakamasid. Tumuloy ang binatilyo sa malaking trash bin sa isang panig at itinapon ang itim na plastic. Pagpihit nito ay nagtama ang kanilang mga mata.
He expected to see sadness in those eyes but all he saw was fury. Pure, hot fury. Sa kung anong dahilan, ibig mangilabot ni Gaspar na makakita ng ganoong galit sa guwapong mukha ng binatilyo. Naniniwala siyang walang lalaki sa ganoong edad ang dapat makaramdam nang ganoon katinding galit. Subalit paano niya masisisi ang binatilyo kung sakaling tama ang hinalang pinagbuhatan ito ng kamay ng sariling ama?
"Are you all right?" hindi maiwasang itanong ni Gaspar.
Tumango ang binatilyo. Marahil labindalawang taon lang ito, payat, matangkad, may mukhang tiyak na pagkakaguluhan ng mga babae pagdating ng takdang panahon. Tumalikod na ang binatilyo, nagtungo sa isang malayong panig ng hardin at umupo sa isang konkretong upuan. Gaspar wondered what the young man was thinking. He wondered how a father can hurt his child that way. Higit pang malala si Mr. Belmonte kaysa kay Mr. Esparza.
Mayamaya ay nakita ni Gaspar na mayroong lumapit na babae sa binatilyo, si Mrs. Victoria Belmonte, ang asawa ng kanyang kliyente. Niyakap ng ina ang binatilyo. Kahit paano, nakaluwag iyon sa dibdib ni Gaspar. Mayamaya ay pumasok na rin ang dalawa sa bahay at lumipas ang kalahating oras ay saka lumabas si Mr. Belmonte.
"Attorney, I'm sorry to have kept you waiting. I had to deal with family matters," hinging-paumanhin ng lalaki.
"It's all right, Sir," tugon ni Gaspar kahit napakarami niyang nais ipamukha sa lalaki. Muli, wala siyang karapatang makialam, bagaman parang nais niyang kausapin si Mrs. Belmonte, sabihing may mga karapatan itong naaayon sa batas. Si Mrs. Belmonte at ang binatilyong anak.
"Let's start. Let me call my son to take down notes for us." Tinawag ni Mr. Belmonte ang isang kawaksi na tumawag naman sa anak nito. Agad dumating ang binatilyo, mayroon nang Band-Aid sa bandang bibig, may dalang kuwaderno at panulat. "This is my son, Gael. Gael, meet Attorney Castellejos."
Inabot ng binatilyo ang kamay kay Gaspar na agad niyang tinanggap. Matatag ang kamay ng binatilyo, ang mukha ay walang reaksiyon na parang wala itong sakit na nadarama gayong titigan pa lang niya ang pamamaga ng pisngi nito ay parang nais na niyang mapangiwi.
This boy will go places, iyon ang tanging naisaisip ni Gaspar, bumilib sa tikas ng pagkatao ni Gael. Sa kung anong dahilan, naisip niya na matatag ang personalidad ng binatilyo, kayang dalhin ang mabibigat na atake ng buhay. Gayunman, nag-mental note siyang subaybayan ang buhay ng binatilyo.
Nagsimula ang pag-uusap nila ni Mr. Belmonte at mayamaya ay nagpaalam ito saglit. Naiwan sila ni Gael. Hindi maiwasan ni Gaspar ang magtanong. "Are you sure you're all right, son?"
"Yes, Sir." Buo at walang pag-aalinlangan ang tugon nito.
"I don't mean to intrude but there are ways to avoid that from happening again. Legal ways."
Bahagyang kumunot ang noo ni Gael, saka deretsang sinabi, "Legal ways to avoid bumping your face against the door?"
The boy was a good liar. Ngunit sadyang bata pa ito kaya hindi rin magawang makatingin kay Gaspar. "We both know you're too smart to bump your face against anything, son."
Deretso itong tumingin sa kanya, saka sinabi, "It's nothing to worry about. You'd better not let my father hear you."
"Or?"
"Or you'll lose a big client, Sir. There's nothing you can do about this. I bumped my face, that's what happened."
Napakatalinong bata, naisip ni Gaspar. Sa kung anong dahilan, naniniwala siyang kakayanin ni Gael na sagupain ang mundo. Never had he met a young man with his personality. Para bang ang kausap niya ay isa nang matanda.
"There is nothing wrong with wanting to paint," komento niya sapagkat sadyang hindi lang niya natiis ang sarili. "It's fascinating, I think. I would love to learn to draw or sketch, but alas, I wasn't born with the talent."
"Painting is not something I need in my life. My father is right. We both know you heard him say it. I agree with him."
"Are you sure?"
"Yes."
"Well, at any rate, you may call me any time, if you need someone to talk to."
Tumango lang si Gael. Nagbalik na ang ama ng binatilyo at nagpatuloy ang kanilang pag-uusap. Hindi nakaligtas kay Gaspar kung gaano kabilis magtala ng mga importanteng detalye si Gael. Natitiyak niya, kung ang binatilyo ang magmamana ng emperyo ng ama, lalo iyong uunlad.
Nang matapos ang usapan ay nagpaalam na rin siya, umaasang hindi na muling makikita sa ganoong sitwasyon si Gael. Habang papauwi ay naisip niyang masuwerte talaga siya na ang kanyang asawa ay isang mabait na ina at ang kanyang anak, bagaman mahiyain at mahilig mapag-isa, ay masayahin at mabuti ang kalooban. Ryan was ten years old.
Nang maipasok sa garahe ang sasakyan ay sinalubong si Gaspar ng kanyang mag-ina. Maliit para sa edad si Ryan, palibhasa ay naging masasakitin nang mga nakalipas na taon.
"How are you, sport?" ani Gaspar sa anak.
"I'm okay, Dad. How's work?"
"Tiring. Oh, you wouldn't believe what I saw this day." Inakbayan niya ang kanyang asawa pagkatapos itong hagkan sa pisngi. Kung alam lang ng kanyang asawa na napakasuwerte nila kompara sa mga taong kung tutuusin ay higit ang rangya ng buhay. Nang makapasok sa sala ay tiniyak ni Gaspar na makakausap niya ang anak.
"Tell me about your day, son."
Hindi palakuwentong bata si Ryan. Ang hilig ng anak ay ang magbasa ng mga libro. Mula nang matuto itong magbasa, wala nang ginawa ang anak kundi magbasa. Hindi ito mahilig maglaro sa labas, kung maglalaro man ay chess ang haharapin. Chess was something that they loved playing. Siya ang nagturo sa anak ng laro. Sa katunayan, napakahusay ni Ryan sa laro at sumasali ito sa mga kompetisyon. Puno na ng medalya at tropeo ang isa nilang estante.
"Promise me one thing, Ryan. Always tell me if you're having problems, all right? We'll talk it over."
Kumunot ang noo ng bata, itinaas ang salamin sa matangos na ilong, saka sinabi, "What happened today, Dad?"
Talagang matalino ito. "Nothing." Ginusot ni Gaspar ang buhok ng anak, saka inakbayan. "Do you want to play chess?"
"I'll set up the board."
Hanggang dumilim ay naglaro silang mag-ama ng chess. Tumigil lang silang maglaro nang magyaya nang maghapunan si Claire. Pagkatapos ng hapunan ay nagyaya na ring magpahinga ang kanyang asawa.
"What's gotten into you?" nakangiting tanong ng asawa.
"Two kids, four terrible parents. Tough day today. Promise me you'll always be a good parent and make sure to remind me when I'm being a bad one."
"Oh, Gaspar." Hinaplos ni Claire ang kanyang pisngi. "This is one of the reasons I love you so much."
Ngumiti si Gaspar, bagaman hindi maalis sa isip ang mukha ng dalawang batang nakilala nang araw na iyon.

Gael Belmonte's Runaway Bride - VanessaWhere stories live. Discover now