Chapter 11

652 13 3
                                    

CHAPTER ELEVEN


NAALALA pa ni Gael ang panahong si Ryan Castellejos ay maliit pang bata, makapal ang salamin sa mga mata, parating may dalang libro, halatang ang damit ay pinili ng ina. He remembered the man wearing a white sweater embroidered with a pink bunny when he was younger, maybe about fifteen. And back then he thought nothing of him, just a regular boy, maybe two years younger than he was. Noong mga panahong iyon, ang tanging malinaw lang sa isip ni Gael ay ang mga paraan upang mabigyang-katuparan ang lahat ng hiling ng kanyang ama—perpektong marka, masipag na pag-asiste rito kung kinakailangan. Who had time to pay attention to other kids?
Ngunit ngayon, ang isang katulad ni Ryan Castellejos ay may dalang pagkabagabag kay Gael. Isang bagay ang naging malinaw sa kanya sa pagmamasid sa lalaki at kay Audrey: they had something that he will probably never have with Audrey. Ang paraan ng pag-uusap ng dalawa, ang ngitian, ang mga tingin na nagkakaunawaan na nang walang salita.
Halatang maraming alam si Ryan tungkol kay Audrey. Hindi niya naaalala ang dalaga na nasabik nang ganoon katindi sa alahas na ibinigay niya, ngunit hayun at para itong isang bata sa labis na tuwa sa mga regalo ni Ryan.
For the first time in his life, Gael felt jealous of another man. Sa lahat ng lalaki sa mundo, hindi niya inakalang sa isang tulad ni Ryan siya makakadama ng ganoon. Hindi sa minamaliit niya ang lalaki ngunit ito ang tipong hindi mananalo sa kanya sa pisikal na laban. Though the man was well-built, unlike when they were teens, Gael knew the man was not the kind who would end up in a brawl.
At marahil, iyon mismo ang dahilan kung bakit nakadama ng selos at pagngingitngit si Gael, sapagkat nakikita niyang sa maraming paraan ay magkatulad sina Ryan at Audrey. Isa iyong bagay na hindi niya kayang kontrolin. Ang samahan ng dalawa ay mananatili lang sa mga ito at hindi niya maaaring pasukin.
And that infuriated the hell out of him.
Kinausap lang niya sina Mr. and Mrs. Castellejos, bagaman ang kalahati ng atensiyon ay nananatili kina Audrey at Ryan. How he wished he could have that with Audrey, that carefree atmosphere.
I must be going out of my mind, feeling this way toward a man I don't even know.
But the thing was, he sort of knew Ryan. Hindi man ganap, hindi man katulad ng pagkakakilala ni Audrey, kilala niya ang lalaki. Mula sa mga kuwento ni Tito Gaspar noon, ang saya at pagmamalaki ni Tito Gaspar para sa nag-iisang anak. Nababatid ni Gael na mabuting tao si Ryan. Kanino pa ito magmamana kundi sa mga magulang? Kailangang aminin ni Gael na wala siyang nakilalang mas mabuting tao pa kaysa sa mag-asawang Castellejos.
In short, Ryan was the perfect man for Audrey. And Gael hated to think about it. Hindi siya manhid upang hindi madama ang tensiyon mula sa lalaki. How he wished it was not Ryan he must compete with. Ryan was the only son of the man he had so much respect for. Ryan was a good man.
"The food is ready!" anunsiyo ni Audrey. Kung bakit para bang sa tuwina ay lalong gumaganda ang babae. Katulad na lang ngayon na walang anumang bahid ng kolorete ang mukha.
Bigla, parang naging isang mito ang babae, imposibleng makamit. Hindi sanay si Gael na tangkilikin ang posibilidad na ganoon. He was the type who will do everything in his power to get what he wanted. And he usually got what he wanted.
Pumuwesto silang lahat sa hapag. Base sa usapan ay naging malinaw kay Gael na iba ang samahan ng mga naroon, maliban sa kanya. They were like a family. Something tugged at his chest. A family. Mayroon siya noon ngunit... Ah, kailan ba sila nagkasiyahan sa hapag? Sa tuwinang maghahapunang magkakasama ang pamilya ay wala nang madama si Gael kundi tensiyon mula sa mga magulang na hindi umiimik.
Nais niyang maranasan ang ganito. Nais niyang madama ang ganitong init ng samahan... Ngunit higit doon ay nais niyang makapiling si Audrey.
Pagkatapos ng masayang hapunan ay nagpaalam na rin ang pamilya Castellejos. Gael decided to stay.
"Aren't you heading home, too? Party's over, you know." Ngumiti si Audrey.
"You need someone to help clean up the mess."
Itinirik ni Audrey ang mga mata. "I can handle a few dishes. Can you?"
Nagkibit-balikat si Gael, saka inabot ang apron at isinuot. Nagsimula siyang hugasan ang mga pinggan na inimis ng dalaga. Mukhang nawala na siya sa isip nito at lumuhod sa tapat ng malaking box na regalo ni Ryan. There was a smile on her lips that was worth a million bucks. It was like looking at a child fascinated over a box full of candy. Nais magduda ni Gael sa dala niyang regalo para sa dalaga. Nasa bulsa niya iyon, isang maliit na regalo at marahil hindi makapagdudulot dito ng kasiyahan na tulad ng mga plastic na kagamitan mula kay Ryan.
"Oh, the doily pattern maker!" sambit ni Audrey nang itaas sa dibdib ang isang item, may kasama pa iyong pagsinghap. "You have no idea how much I've wanted you."
The things the lady said to a plastic object made Gael want to be one, too. Her passion was beautiful to watch. Kung makikita lang marahil ng lahat ng parokyano kung gaano katindi ang dedikasyon ni Audrey, marahil lahat ng tao ay sa dalaga na magpapagawa ng cake.
"So many lovely things, so little time!" bulalas ni Audrey, tumingin sa kanya, ngiting-ngiti. Gael's heart just melted. Kalakip niyon ay ang inis para sa sarili na hindi niya nagawang magdulot sa dalaga ng ganoong reaksiyon. Had he known, he would have bought a whole cargo container filled with items like that.
"You look happy, Audrey. I'm glad," sambit niya.
"Who wouldn't be?! Look at this!" Isang mukhang brayer ang itinaas nito sa kanya. "And this, and this, and this! These are items I can use to make beautiful cakes! Oh, Gael, you will never understand."
"Says who?" Pinunasan niya ang kamay sa isang dish towel, hinubad ang apron, saka lumuhod sa tabi ni Audrey. Kinuha niya ang isang item sa kahon. "Ah, this makes patterns, yes? So if you run this over fondant, you can make a lace pattern. I know a thing or two about sculpture."
"Really?"
"Yes."
"Nahihirapan nga akong tapusin 'yong sculpture ko. Para sa isang araw 'yon. Maybe I can use your eye for it. Come."
Kinuha ni Audrey ang isang sisidlan at ipinatong sa ibabaw ng malinis nang mesa. Inilabas nito mula roon ang tinutukoy na sculpture. It was the Little Mermaid sitting on a rock with her fish friend. Hindi pa nga iyon tapos, wala pang mga mata at buhok ang sirena, ngunit buo na ang mukha.
"Pasmado ako kahapon kaya hindi ko natapos ang mga mata niya. Kailangan kong mabuo ang mga mata bago ko ikabit ang buhok." Itinuro ni Audrey ang nirolyong fondant na kulay-pula, iyon ang magiging buhok ng sirena base sa larawang inilabas ng dalaga mula sa sisidlan.
"Maybe I can give it a try."
"Your hands are steady?"
"As can be." Si Gael na ang naghanda ng food coloring. My God, am I really this excited to impress a lady? It's almost as if I'm a virgin. Nais matawa ni Gael sa isipin. Noon marahil wala pa siyang karanasan sa mga babae ay wala siyang ibang nais kundi ang matuwa ang mga babae sa kanya. He wanted them to be so happy that they will agree to sleep with him. Bigla siyang natawa.
Kumunot ang noo ni Audrey. "What's so funny?"
"Nothing. May naalala lang ako. Kailangan ko nga palang subukan. Hindi ko saulo ang texture ng food coloring."
Nagpatong si Audrey ng binilog na fondant sa tapat niya, kagat ang ibabang labi na tila nasasabik makita ang kanyang gagawin. Now, Gael was worried. Matagal na siyang hindi nakakahawak ng brush. Sinubukan muna niya iyon saglit saka pumili ng brush na mayroong tamang sukat. Soon, he was copying the Little Mermaid's eyes on the fondant. Tiniyak niyang hindi makikita ni Audrey ang kanyang ginagawa, nakakubli sa loob ng kanyang palad.
"Let me see!" ani Audrey.
"Nope. Not yet done."
"Baka duling 'yan, ah?"
Tumawa nang malakas si Gael. With Audrey it was easy to laugh, it was easy to smile. God, now all he wanted to do was kiss her tenderly.
Tinapos na niya ang mga mata ng cartoon character. "I wonder if this looks like the Little Mermaid." Iniharap niya ang sample sa dalaga.
"Oh, my God!" Inabot ni Audrey ang sample. "You nailed it! Oh, Gael! Gael!"
"What?"
"You're very talented!"
Parang lumobo ang puso ni Gael nang makita ang reaksiyon ni Audrey. Pinag-aralan nito ang kanyang iginuhit, nakangiti, saka iniurong sa tapat niya ang halos buo nang sculpture. "Please do her eyes. Please?"
"Honey, you don't have to ask twice."
Gael wondered why Audrey had so little when all she had to do was say please and people would do whatever she asked. Sino ang makakatanggi sa mga matang iyon? Sa ngiting iyon?
Tinapos niya ang mga mata ng sirena at hindi pa nagtagal ay magkatulong na nilang tinapos ang sculpture. Ideya niyang bahiran ng metallic powder ang kaliskis ng sirena. Tinapos nila ang sculpture sa paglalagay ng mga munting perlas sa palibot ng sculpture.
"Her name is Arielle, by the way. You keep calling her 'the mermaid,'" imporma ni Audrey. "And this little guy here is not the mermaid's fish. This is Flounder. And this thing is not the red lobster, this is Sebastian! 'Wag mong sabihing hindi mo napanood ito?" tanong nitong nakatanggap ng iling bilang tugon. "What a sad, sad life you have, Mr. Gael Belmonte."
Muli ay natawa si Gael. Itinabi na ni Audrey ang sculpture, saka nagtimpla ng maiinom. Hot chocolate with marshmallows. Muli siyang natawa.
"What?"
"Nothing."
"Kahit ayaw mong aminin, alam kong gusto mo rin ng hot chocolate. No one's too old for hot chocolate, you know."
"I know. But the marshmallows?"
"What? They're delicious."
Dinala ni Gael ang mga mug sa sala at magkatabi silang umupo sa sofa. Pinatunog niya ang leeg at likod, nakasanayan nang gawin iyon sa tagal ng panahon.
"Pagod na pagod ka na siguro. Pasensiya na, pinakiusapan pa kita. Alas-tres na."
Nabigla si Gael, sinipat ang relo. Alas-tres na nga. Hindi niya napansin ang oras. At sa totoo lang ay parang ayaw na niyang bumalik sa kabilang farm. Naalala niya ang regalong dala at kinuha iyon mula sa bulsa. It was a bracelet placed inside a velvet sachet. Ang mga charm ng bracelet ay cake, wooden spoon, bowl, rolling pin. Sa dalawang cake charm ay may nakabaong mga diamante. Ipinasadya niya iyon sa Hong Kong.
"Happy birthday, honey."
"Gael, you didn't have to... Wait, that's a cake? A rolling pin?!" Bigla itong tumawa nang malakas saka inisa-isa ang mga palawit. "This is the cutest thing I have ever seen! Saan mo ito nakita? Thank you very much."
"A kiss wouldn't hurt."
Umismid si Audrey, bagaman hinagkan siya sa pisngi. Hinaplos niya ang pisngi nito, saka marahang tinikman ang mga labi ng dalaga. Hinding-hindi siya magsasawang hagkan ang mga labing iyon. It was almost as if those lips were a fountain of bliss. Nais niyang malunod sa halik, madama sa habang-panahon ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso na unti-unti ay pinakakalma at pinapayapa ang kanyang sistema. And the peace will make him feel cleansed, as if a pool of venom was drained away from him.
"Gael... we shouldn't be kissing," sabi ni Audrey nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
"Why not?"
"B-because I ran away from you."
"Who says you can't run back?"

NAHILING ni Audrey na sana ay hindi nadarama ni Gael ang pagsasal ng kanyang dibdib na halos magpabingi sa kanya. Sa mga sandaling iyon, nais na lang niyang manatili sa mga bisig ng binata. Kung sana ay maaari niyang sabihin sa kanyang sarili na kalimutan na lang ang sitwasyon at magpatangay sa dikta ng damdamin, marahil wala nang magiging agam-agam sa kanyang puso.
But the truth was clear. Gael was still an enemy. Gayunman ay nagpasya siyang huwag umalis sa tabi nito. Ang init na nagmumula sa katawan ng binata ay sapat na upang makalma ang puso niya. Kakatwa marahil na sa mga bisig nito ay nakatagpo siya ng kapayapaan.
Marahil dala ng labis na pagod ay nakatulog siya at nagising sa tunog ng sasakyan mula sa labas. Agad siyang napaigtad. Maliwanag na ang kapaligiran. Sinulyapan niya ang relo at natuklasang alas-nuwebe na ng umaga. At nakatulog siya sa bisig ni Gael. Nagising na rin ang lalaki.
"Are you all right?"
Tumango si Audrey, biglang nag-init ang mukha. Tumindig siya at sumilip sa bintana, para makita ang ama na paparating. Agad niyang binuksan ang pinto.
"Papa!"
"Where did you take your mother?! Answer me!"
"She's not here, Papa."
"Saan mo siya dinala? Hindi ka pa masayang sinira mo ang plano ng pamilya? Hindi ka pa masaya na ipinahiya mo kaming lahat, kailangan mo pang kunsintihin ang mama mo. Gusto mo akong lumuhod sa 'yo para sabihin sa akin kung nasaan ang mama mo? Do you want to see this family totally ruined by your insolence? Alam mo ba kung ano'ng mangyayari kung hindi mo pakakasalan si Gael? The company will crumble and I might go to jail! But you don't care! You don't care at all! Ang mahalaga lang sa 'yo ay ang sarili mo. At ngayon, pati ang mama mo ay itinago mo na sa akin. You ungrateful brat!"
Napasinghap si Audrey nang makitang tumaas ang kamay ng matanda upang sampalin siya ngunit natigilan ito nang marinig ang tinig ni Gael.
"I will rethink that, if I were you, Mr. Esparza."
"G-Gael!" Agad ibinaba ng ama ang kamay. "I didn't know you were here."
"Is it true that you need our company? From the papers you gave us, your company seems to be doing well. It also checked out okay. Did you falsify the public documents?"
"G-Gael, hijo, mainit lang ang ulo ko. Bakit hindi tayo mag-usap sa loob? Audrey, anak, bakit hindi ka maghanda ng makakain?"
"I'm afraid I'm going to ask you to leave Audrey alone, Mr. Esparza. I really don't have much patience for men who hit women."
Nanigas ang likod ni Audrey. Noon lang siya naging saksi sa ganoong uri ng usapan, lalo na at ang kanyang ama ang nasa kabilang dulo, ang tumanggap ng babala, mula kay Gael na bigla ay parang binalot ng kakaibang emosyon: malamig, seryoso, hindi nagbabanta sa halip ay tila nagpapahayag lang ng katotohanan. It chilled her to the bone.
Mukhang ganoon din ang naging epekto niyon sa kanyang ama. "I'm sorry, Gael. I didn't mean it. I've never hurt her before. Ask her. Nagkataon lang na dumaranas ang pamilya ngayon ng matinding problema. My wife, she's gone."
"You heard what Audrey said. Your wife is not here. You may leave now."
Saglit na katahimikan ang namagitan bago tumalikod ang kanyang ama. Nang makalayo na ang sasakyan nito ay napatingin si Audrey kay Gael. "G-Gael... I don't know what to say."
"Is it true what he said about the company?"
Wala nang dahilan upang ikaila pa ang bagay na iyon. Hindi si Gael ang tipo ng taong kayang paglalangan pagkatapos ng mga narinig nito. "Y-yes."
"Give me your phone."
"Why?"
"Just trust me."
Napilitan si Audrey na iabot sa lalaki ang cell phone na pagkatapos nitong pindutin ay tumunog naman ang cell phone nito. Lumabas ang lalaki sa kamalig at walang nagawa si Audrey kundi ang maghintay. Hindi nakalagay sa business card na ibinigay niya kay Gael ang personal niyang numero.
"I'll leave now, Audrey. You take care," sabi nito nang bumalik sa loob ng kamalig.
Saan ka pupunta? Hindi ka na babalik? Ngayong nalaman mo na, hindi ka na babalik?
Ang lahat ng nais ni Audrey na sabihin ay hindi na lumabas sa kanyang mga labi. Naglakad si Gael patungo sa sasakyang nakaparada malayo sa kamalig dahilan marahil kung bakit hindi napansin ng ama ni Audrey na naroon ang binata. Nakamasid lang siya habang paliit nang paliit ang sasakyan ni Gael hanggang sa tuluyan na iyong mawala sa kanyang paningin.
Parang may bumara sa kanyang lalamunan. Ganoon nga lang pala talaga kabilis itulak palayo si Gael. Ni hindi masasabing itinulak ito, si Gael ang kusang umalis. At bakit nabibigla pa siya gayong mula simula ay batid na niya iyon?
Noon natanawan ni Audrey ang Vespa ni Ryan. Nang makababa ang lalaki ay agad na lumapit ito sa kanya. "Is everything all right? Gael called and told me to make sure you'll be safe."
She wanted to weep, but alas, she had an order to fill. "I hate my life, Ryan. I just hate my stupid life."

Gael Belmonte's Runaway Bride - VanessaWhere stories live. Discover now