Chapter 8

503 12 1
                                    

CHAPTER EIGHT

"I THINK that's enough," saway ni Gael sa photographer na buong umaga nang walang ginawa kundi ang kunan siya ng larawan. Hindi siya ang tipo ng taong natutuwa makunan ng larawan. Kung hindi lang niya naisip na marahil nais ni Audrey ang isang magandang wedding album ay marahil hindi man lang nakalapit kay Gael ang photographer. Naisip niya, kung ang mumunting preparasyon ay pinagkaabalahan ng dalaga, marahil mahalaga rito ang kasal nila.
And Gael had to admit he was getting excited. It was not something that he was expecting at all. Kagabi ay halos hindi niya nagawang makatulog sa pananabik. Hindi lang para sa honeymoon na matagal nang gumugulo sa kanyang isip, kundi maging sa mismong selebrasyon.
He kept visualizing Audrey in her wedding gown, walking towards him, beautiful, and blushing. Sapagkat mayroong ganoong katangian ang babae, ang pamumula ng mga pisngi sa kaunting dahilan lang. It made her lovelier.
Would she like his surprise for her? Kung pinaghandaan nito ang kanilang kasal ay pinaghandaan naman niya ang regalo para sa babae. Every single detail of the surprise was well-thought of. Iyon ang isa pa niyang kinakapanabikan. He was imagining Audrey smiling at him, or maybe giving him a big hug. Kung kailan siya natutong mag-isip ng ganoon tungkol sa isang babae ay natitiyak niyang ngayon lang. Kay Audrey lang.
And she was going to be his wife. His lovely wife.
Napangiti si Gael. Marahil maganda rin ang ganoong uri ng pananabik kahit hindi niya iyon inasahan. It was new to him and made him feel refreshed, like he was a machine whose battery had just been freshly charged. At ngayon, wala siyang nais gawin kundi ang magtungo na sa simbahan ngunit hindi pa oras ng kanyang kasal. Bihis na siya kanina pa, dalawang oras bago ang kasal. A lot of people might find that funny.
Sinipat niya ang relo. Kalahating oras bago ang kasal. Wala pang sampung minuto ay nasa simbahan na siya dahil ang preparasyon ay ginanap sa bahay ng kanyang mga magulang sa Forbes Park.
"Hijo, are you ready?" tanong ng kanyang inang sumilip sa pintuan.
Nginitian niya ang ina. "I am."
Pumasok ito sa loob ng silid. "Well, look at you... a man now, soon to be a husband. I hope you know what a good husband is by now."
Saglit na natigilan si Gael, nabigla sa sinabi ng ina na kailanman ay walang sinabing negatibo tungkol sa asawa. Every time his father would hit him or her, the woman would just say that everything was going to be all right. Marahil ang dahilan kung bakit kailanman ay hindi nagtanim ng galit si Gael sa ina ay ang katotohanang tinangka nitong gawin ang lahat upang proteksiyunan siya. Lamang ay walang pader na sapat ang taas para sa isang Blas Belmonte. Ang pinakamalaking regalo ng ina sa kanya ay ang pagtulak sa kanyang umalis sa tahanang iyon noong siya ay nasa kolehiyo. His father was against it, but his mother stood her ground and said he must be pushed out of the nest.
In truth, the woman was trying to push him towards safety. Kung bakit ito nagtiyaga nang ganoon katagal sa piling ng asawang mabigat ang kamay ay tanging ang ina lang ang nakakaalam. Gael asked and asked and never got an answer. Kaya ganoon na lang ang pagkabigla niya sa sinasabi ng ina ngayon.
"Mama, why did you stay with him?" tanong ni Gael. Was he nineteen when he last asked her the question?
"He robbed you of everything, Gael, and it would've been unfair to leave without getting everything."
Lalong nabigla si Gael. Ngumiti ang ina, inayos ang kanyang lapel. "He signed the papers this morning. He thought I didn't see it. But I did. The company is yours now. All of it."
"Mama, you did not need to stay with him for my benefit."
"Yes, I did. Now, you're marrying a very delicate woman. Take care of her and treat her well. Let's go."
Marami pang nais sabihin si Gael sa ina ngunit mas pinili niyang tumahimik sa pagkakataong iyon. It was his wedding day, after all.
Nang makababa sila ng hagdan ay nalaman niyang nauna na sa simbahan ang kanyang ama. Sa kung anong dahilan ay mas ikinatuwa niya iyon. He wanted only his mother on this special occasion.
Nang makarating sa simbahan ay marami nang tao. Ang unang hinanap ng mga mata ni Gael ay ang bridal car, ngunit hindi niya iyon makita.
"Are you nervous?" Nakakunot ang noo ng ina ni Gael sa pagtingin sa kanya. "You look nervous, son."
"Will you laugh if I told you that I actually am nervous, 'Ma?"
Lumuwang ang pagkakangiti ng ina. "Will I laugh when my son finally shows me that he is normal? I knew Audrey was the one for you. I just knew it. Come now, let's not make the guests wait."
Bumaba na sila ng sasakyan. Sinalubong si Gael ng kanyang ama na kausap ang ama ni Audrey. Marahil walang taong mag-aakalang sa ordinaryong tangkad ng kanyang ama at sa ordinaryong sukat ng katawan nito ay may bahid ng dugo nilang mag-ina ang mga kamaong ginagamit nito ngayon sa pagkamay sa mga tao, habang nakangiti at tila may magandang pagbating nakahanda para sa lahat.
Bahagyang nanikip ang dibdib ni Gael nang maunawaang ang kasal na ito ang nagbigay sa kanya ng lahat ng matagal na niyang hinihintay. It was the beginning of the destruction of Blas Belmonte. After all these years, revenge, finally.
Ginampanan ni Gael ang hinihiling sa kanya ng sitwasyon—nakipagkamay sa mga business associates, binati ang mga ninong at ninang, kinamayan ang mamanugangin. Limang minuto bago ang takdang pagsisimula ng kasal ay may kakaiba nang pakiramdam sa kanyang dibdib.
Everything seemed fine. Si Criselle ay naroon na pati na ang iba pang mga abay. Ang tanging nawawala ay ang bride at mother-of-the-bride. Tinawagan na ng ama ni Audrey ang asawa na hindi raw sumasagot ng phone. Manggagaling ang mag-ina sa The Peninsula Manila, kung saan din gaganapin ang wedding reception mamaya.
Tinawagan na rin ni Gael si Audrey. Naka-off ang cell phone ng babae. Nang sumapit na ang takdang oras at wala pa rin ang mapapangasawa ay kinausap na ni Gael ang wedding coordinator. "Where is my wife?" he asked.
"Sir, I am waiting for my crew assigned to the bride. She will call me any second." Noon tumunog ang cell phone ng babae na agad nitong sinagot. "It's her. Hello? Yes? What do you mean? Are you sure—"
"Do you mind?" ani Gael, nakalahad ang kamay. Inabot sa kanya ng babae ang cell phone. "This is Gael. Where is Audrey?"
"I'm here in the bride's room, Sir, but she is not here! Nandito ang Mama niya, Sir, pero lasing. Ang sabi ng tauhan ng hotel na nakausap ko, umalis daw po si Ma'am Audrey kaninang after breakfast—"
"Can I speak with my mother-in-law?"
"Yes, Sir," wika ng babae sa kabilang linya, saka pumailanlang ang langong tinig ng kanyang magiging biyenan. "Hello?"
"Mama, this is Gael."
"Oh, hijo! Audrey is not here! I didn't know! I didn't notice she had left because I was asleep! Nagulat na lang ako nang gisingin ako ng wedding coordinator! I'm afraid I had a few drinks early this morning. Oh, but there's a note. I'm on my way, Gael! I'm on my way to the church right now!"
Nawala na ang ginang sa linya. Tensiyonado ang paligid. Sinabi niya sa kanyang mga magulang ang pangyayari. Si Mr. Castellejos ay hindi na rin mapakali. The minutes dragged on like a knife. Nilapitan ni Gael si Criselle.
"Do you know what's going on?"
"Don't worry. She will come. Nahuli lang siguro."
Madaling makitang hindi nagsisinungaling ang babae. Malinaw na wala itong alam. Pilit sinabi ni Gael sa sarili na isa lang iyong hindi pagkakaunawaan. Mayamaya ay natanawan na niya ang bridal car na pumarada sa tapat ng simbahan. Lumabas mula roon ang ina ni Audrey. The woman reminded Gael of a crumpled piece of paper. Gusot ang damit nito, magulo rin ang buhok. Agad itong nilapitan ng asawa na hindi pinansin ng ginang upang lumapit kay Gael.
"Is everything all right?" tanong ni Gael sa matandang babae.
"No. Audrey left!" bulalas nito, malakas ang tinig. At bigla, parang tinakpan ng higanteng kamay ang bibig ng mga bisita. "Audrey just left and she's not coming back! That's what her letter to me said. She said she's not going to marry you! I'm sorry! She left this though." Isang maliit na envelope ang inabot ng ginang sa kanya.
Sa puntong iyon ay tila sinakmal ang puso at lalamunan ni Gael. He could not breathe, his chest felt constricted. Inabot niya ang envelope at binuksan. In it was a piece of thick paper the size of a business card. On it was Audrey's handwritten note that said: Gael, I'm sorry. —Audrey
Gael swallowed hard. Marahan siyang pumihit upang magpunta sa bukana ng simbahan, kung saan ay makikita siya at maririnig ng lahat. He said, "The wedding is postponed indefinitely. Thank you all for coming. Dinner will still be served at The Manila Pen."
He gritted his teeth. He was going to marry Audrey come hell or high water.

"YOU WILL never be welcome in our family again if you don't come back and clean up the mess you created! You can't stay here if you're not marrying Gael! I'm giving you a week to come back to Manila or leave this place forever!"
Iyon ang mga huling salitang iniwan kay Audrey ng kanyang ama. It was an ugly confrontation, one Audrey had anticipated anyway. Umuwi siya sa farm sa mismong araw ng kanyang kasal, sa tulong ni Ryan. Aminado siyang ilang ulit niyang ninais na bumalik sa pinagsama-samang takot, pagkapahiya, at pag-asang baka sakaling maging maayos ang lahat. But she figured she was doing the right thing. For once in her life, she was doing the right thing.
Sawa na si Audrey na maipit sa pagitan ng mga bagay na hindi niya kayang kontrolin. And Gael? She did not know him. He was a jerk. And although she wanted to believe that he may change, what guarantee did she have that was going to happen? At kung hindi, nakatali na siya sa lalaki habang-buhay. Ni hindi ito willing ibigay sa kanya ang katuparan ng kanyang mga pangarap.
Audrey felt free while Ryan drove on the open road back to the farm. Ang mga pangarap na kay tagal niyang ipinanlimos sa kanyang ama, sa wakas ay masisimulan na niya. Gayunman, aminado siyang mabigat ang kanyang kalooban. Marahil sadyang ganoon ang kanyang madarama sapagkat mayroong mga taong nasaktan—Gael, his family, her family. But she had to do this.
At ngayon, ineempake na ni Audrey ang mga kagamitan niya sa pagbe-bake. Aalis siya sa farm, tulad ng nais ng kanyang ama. Maliit lang ang perang mayroon siya ngunit sa tulong ni Ryan ay nagawa niyang makahanap ng matutuluyan. Sa katunayan, hindi siya lalayo sa farm kundi lilipat lang sa katabing farm na pag-aari nina Ryan. Nag-usap silang magkaibigan at sinabi nitong walang kaso kahit pa doon siya tumuloy. Gayunman ay sinabi niyang sa abandonadong kamalig na lang niya ililipat ang mga gamit.
Ryan refused, of course, but Audrey insisted. Isang linggo nang ginagawa ang kamalig para sa kanya. Tipikal na kamalig lang iyon, mayroong loft na siyang magiging silid niya. Ang ibaba, na dating imbakan ng mga pananim at supplies, ang siyang magiging sala, kusina, at banyo. It was huge. But best of all, the barn had a brick oven. Balak sana niyang gamitin iyon dati para sa mga paso ngunit hindi natuloy. Kaunting linis lang, mayroon na siyang brick oven. It was a dream come true.
Nang maikarga na ang lahat ng gamit sa pickup truck na biniling secondhand ay napangiti si Audrey, sabay punas ng pawis sa noo. Sino ang nagsabing wala siyang kayang gawin sa buhay gayong kakaanunsiyo lang niya na tatanggap na siya ng cake orders ay dinagsa na siya ng mga parokyano? Sa susunod na linggo, magsisimula na siya. Five wedding cakes right away!
Papasakay na si Audrey sa pickup truck nang matanawan ang isang pamilyar na SUV na palapit sa kanya. Kumabog ang dibdib niya. Aminado siyang pinaghandaan niya ang pag-uusap nilang mag-ama ngunit hindi na sumagi sa isip na magkakausap pa sila ni Gael. Ang hula niya noon, magiging labis ang galit ng lalaki sa kanya na hindi na siya magagawang kausapin pa.
Humimpil ang SUV ilang hakbang mula sa kinaroroonan ni Audrey. Bakit hindi ako nagsuot ng mas maganda? She was wearing a pair of denim jeans, sneakers, and a cotton blouse. Pawisan pa siya. Umibis mula sa SUV si Gael. Nahigit niya ang hininga. The man looked gorgeous as always. He was wearing a pair of sunglasses, jeans, and a white shirt.
Inalis ni Gael ang antipara at tumingin sa kanya. Madilim ang mukha. "Going somewhere, my dear wife?"
"I am n-not your wife, Gael."
"Obviously. If you were you wouldn't look so tired. So you think I don't deserve any explanation at all?"
Sa kung anong dahilan ay parang tinundo ang puso ni Audrey. Ninais niyang kausapin si Gael at magpaliwanag, ngunit sa huli ay naisip niyang lalo lang magiging komplikado ang lahat. Bukod doon ay hindi niya tiyak kung nanaisin pa nitong kausapin siya. Ano ang sasabihin nila sa isa't isa? Naisip niyang marahil aandar ang mga taon bago niya magagawang kausapin ang lalaki tungkol sa kasal.
"I'm sorry, Gael."
"Are you ready to go back? Come."
Naguluhan si Audrey. Sa loob ng ilang sandali ay naitanong niya sa sarili kung nakasabay ba si Gael sa takbo ng kanilang usapan. Hanggang sa maunawaan niyang para sa lalaki, ang puntahan siya nito sa probinsiya ay magiging sapat na para magbago ang kanyang isip. The nerve of the man! Biglang nag-init ang kanyang ulo ngunit nagpasya siyang maging mahinahon.
"I'm sure glad I didn't marry you."
"You've proven your point, now get in." Itinuro nito ang sasakyan.
"I don't think you understand, Gael. There's a reason I didn't marry you. We are never going to get along. I have my dreams to fulfill. It's not something that you'd understand."
"You want a bakeshop? Fine. I'm giving you one. Just get inside the car. Now."
Parang sasabog ang ulo ni Audrey sa labis na galit. Sa pagsasalita ng lalaki, para bang lumalabas na ganoon siya kababaw—na lahat ng iyon ay nakasalalay lang sa kanyang bakery. Para siyang isang bata na nag-tantrums at sa wakas ay nais na nitong ibigay ang hinihingi niya.
"How dare you!" singhal niya. "You come here with your luxury car and tell me to come with you like it's a done deal, like it's something that I should be thankful for! I am not an object you can just put wherever the hell you please! I thought I made that clear when I ran away on the day of our wedding?" Nilapitan niya ang lalaki saka muling nagsalita. "I have never been more sure that I have made the right decision. Thank you for making it even clearer."
Tatalikod na sana si Audrey nang hapitin siya ni Gael. Napasinghap siya. Agad niyang pinaigkas ang kamay papunta sa pisngi ng lalaki. Hindi pa nakontento ay inulit niya iyon. This time, the diamond on her ring scraped his skin. Nagdugo iyon. Agad siyang pinakawalan ng lalaki.
Parang itinulos si Audrey sa kinatatayuan. Gael was bleeding. Alam niyang masakit ang sugat ngunit tila hindi iyon alintana ng lalaki. Hinawakan nito ang pisngi at tiningnan ang dugo sa daliri.
"I'm s-sorry," sambit ni Audrey. "I'm sorry, Gael. But you... you shouldn't have!"
"What will make you come back to the city and marry me?" tanong nito. Again, his businesslike tone and manner got on Audrey's nerves. Sadya bang may lalaking nagagawang maging ganoon kalamig sa kabila ng sitwasyon?
"You don't want to marry me."
"Says who?"
"Alam nating pareho na kailangan lang nating gawin. Pero hindi rin 'yon totoo, Gael. Don't you see? Life is not about getting everything you desire, especially when you already have a lot. Sometimes, life teaches you that the most important thing is to be happy. I'm chasing my happiness, Gael. And no one can stop me. Not even you." Lumulan na siya sa sasakyan ngunit bago iyon pasibadin ay naalala niya ang singsing sa kanyang daliri. Hinubad niya iyon at ibinigay kay Gael. "I think some other girl will be happy to have that."
Bumuntong-hininga si Gael, bagaman nanatiling nakamasid sa kanya. Naglakad ito patungo sa SUV, humarap sa kanya at biglang nagtanong. "So where are you headed?"
"Somewhere."
"Just tell me, Audrey. I'd find out anyway."
Napabuntong-hininga siya, saka napangiti. Ryan printed a business card for her. Kumuha siya ng card at inabot iyon sa lalaki. "If you need cakes or pastries or anything with sugar, give me a call."
Kunot-noong binasa lang ni Gael ang tarheta. And then he smiled. Hayun ang puso ni Audrey, parang binayo. Naglakad na ito palayo, nakatingin pa rin sa tarheta, nang pumihit ito. "Can you make me a cake? Similar to the groom cake you drew before."
"Sure," tugon ni Audrey, parang nahihimigan na niya na nais lang mang-uyam ng lalaki. "When do you need it?"
"How about tomorrow?"
"Right. For what?"
"For my birthday."

Gael Belmonte's Runaway Bride - VanessaWhere stories live. Discover now