Chapter 10

582 10 1
                                    

CHAPTER TEN

"GAEL..." sambit ni Audrey. Nagtaas-baba ang kanyang dibdib at tila siya nahahapo. Muli ay kay daling malunod sa mga labi nito. Dahil ba nabura na ang inisyal niyang galit? Bakit kay daling mabura niyon? Was it because she owed him for their ruined wedding?
Hindi nagsalita si Gael, sa halip ay muli siyang hinagkan nito. His lips were hotter this time, tasting her thoroughly. Kung bakit ang preskong kamalig ay tila biglang uminit. His lips moved down to her neck. Mariin niyang naipikit ang mga mata sa pagsambulat ng mga banyagang sensasyon. Naipatong niya ang kamay sa mesa para lang mapahawak sa cake. Doon siya natulala, saka naitulak palayo ang binata. Unfortunately, the hand she used was filled with frosting.
"Naku, ano ba 'yan?" sambit ni Audrey, nakatingin sa cake. Nakalubog na ang isang panig niyon, nawasak nang dahil sa kanya. "Look what you've done! It's ruined."
Tumawa si Gael. "Personally, I would like to lick the icing off you but I think the moment has passed."
Nag-init ang kanyang mukha. "You've got frosting on your shirt. Sorry."
"It's all right."
"Halika." Sinamahan ni Audrey si Gael sa banyo. Naghugas siya ng kamay at kumuha ng T-shirt sa silid. Ang pinakamalaki niyang T-shirt ay pantulog na may Disney Princesses na disenyo sa gitna. She had had that shirt since she was sixteen. Kasama ang isang tuwalya ay ipinatong niya ang damit sa isang silyang iniwan sa tapat ng pinto ng banyo. "Here's a fresh shirt, also a towel."
"Thank you, honey."
Napaismid na lang si Audrey bagaman napangiti. Iniligpit niya ang kalat sa mesa at napabungisngis nang mapatingin kay Gael, suot na ang kanyang pantulog na eksakto lang sa lalaki ang laki.
Kumunot ang noo ni Gael, napatingin sa damit, saka napailing sa kanya. "You don't have a manlier shirt, huh?"
Parang kinikiliti si Audrey sa pagtawa. Hayun si Cinderella sa gitna, katabi sina Snow White at Belle. "I will need that shirt back, of course. It's my favorite."
"It smells of you, I'm keeping it."
"I want it back, Gael, I'm serious," aniya kahit bahagyang nag-init ang kanyang mukha. What he said sounded very intimate. Nag-slice na lang siya ng cake at inabutan ito ng isang platito. "See if you like it. It's red velvet."
Sumubo ito. "'Tastes wonderful. Just like you."
Her taste and her scent... The man was tickling her with his words. Hindi niya maiwasang mapatingin sa braso nito. Halos kalahating dangkal lang ang naabot ng manggas ng kanyang pantulog sa bahaging iyon ng katawan ni Gael. His biceps were lean, muscled. Bigla siyang napalunok nang maunawaang nais niyang haplusin ang balat nito. Marahil, mas maganda pa ngang itago na ng binata ang damit. She will never be able to look at it the same wholesome way again.
"You have clients?" anang lalaki mayamaya, nakatingin sa refrigerator kung saan may nakasabit na maliit na whiteboard. Nakalista roon ang mga cake na order at kung kailan ang delivery date.
"Yes. I'm very excited."
"Why not open a café? Hire bakers. You can make pastries every day."
"Iyon ang usapan namin ni Ryan. Maybe we'll open a café soon. Nahihiya lang ako sa kanya kasi wala naman akong puhunan."
"I can give you—"
"Gael, please."
"All right. All right. I won't insist."
"Thank you. Now, eat your cake."
Gael did. He finished three big slices. Sapat na iyon kay Audrey upang mapangiti, kahit hindi na nawala ang kaba sa puso niya sa presensiya ng binata. Tuwing titingin ito sa kanya, parang mayroong naghahabulang mga daga sa kanyang dibdib.
Alas-siyete ng gabi nang magpaalam ang lalaki.
"How much do I owe the lovely lady for the cake?"
"It's a gift."
"Very bad business decision." Ngumiti si Gael at ipinatong sa mesa ang isang sobre. "I think I'm your first client. Please accept the payment."
"No, no, Gael. Really, it's all right. I enjoyed making your cake. It's my birthday gift to you."
"Hindi magandang buena mano ang libre."
"All right. Thank you."
"I'll be back soon."
"You don't need to."
"Not even to order cake?"
Biglang napangiti si Audrey. "That you can do, of course."
Ngumiti si Gael at hinagkan ang kanyang pisngi. He left, leaving the barn feeling bigger and empty. Naglinis siya ng katawan at nang nakahiga na ay naalala ang naganap kanina. Nakatulog siyang tutop ang mga labing tila mainit pa mula sa mga halik ng binata. Kinabukasan niya naalala ang sobre sa sala. Binuksan niya iyon at nakita ang halagang sampung ulit na mas malaki kaysa sa presyo ng cake.
"Fine. You paid for a year's worth of cakes, I'll take it," sambit niya, saka napangiti.

"WHAT are you doing, Audrey?"
Napatingin si Audrey sa kapatid. Binisita siya nito, mukhang problemado. Malalaki ang eye bags ng lalaki, halatang matagal na ring hindi nakakapagpagupit. "Kuya Emil, alam mo kung bakit ko ito ginawa."
Bumuntong-hininga ang nakatatandang kapatid. "Papa is furious."
"He's always like that. At least with me. Hindi ka lang sanay dahil mula pagkabata, ako ang napapagalitan." Kailangan nang maging matapat ni Audrey. "I love you, but I will not accept blame this time, Kuya. Nagsawa na siguro ako."
Matagal bago uli ito nakapagsalita. "The company is slowly crumbling, Audrey. We need you to marry Gael."
"Kahit kailan, hindi ako naging bahagi ng kompanya, Kuya Emil. Hindi ba sumubok naman ako? Parating sinasabi ni Papa na hindi ako para sa kompanya. Ngayon, buhay ko ang kalapit? I don't think that's fair. Sell the company while you still can. Start anew. Hindi ganoon kahirap gawin, Kuya."
Muli, hindi nakapagsalita ang lalaki at sa huli ay niyakap siya. "I'm sorry, Audrey. Of course I understand you. I'm sorry I was never there for you. Nagkataon lang na masyadong malaki ang agwat ng edad natin. I love you, you hear me?"
Napaluha si Audrey, saka tumango. "I love you, too. How's Mama?"
"Still the same."
Nag-usap pa sila hanggang sa huli ay magpaalam na rin ang kapatid. Umandar ang dalawa pang araw at nasorpresa siyang makita ang kanyang ina. The woman was carrying her luggage. Agad niya itong tinakbo at niyakap.
"Mama! You look... like... well, different."
"I haven't had any alcohol in two days. Let me in, I'm cranky." Agad niya itong pinatuloy sa loob ng kamalig. "I left your father, honey. I finally left him!" Bigla itong humagulhol.
Agad niyakap ni Audrey ang ina. "What happened?"
"I just left him. Naisip kong tama na noong inutusan niya akong pauwiin ka. He had been yelling at me for the past weeks, blaming me for what happened. So I left. I had to be sober. But I can't stay sober, honey. You will have to check me into a facility. I'm ready now."
Pinagpahinga ni Audrey ang ina at naghanap ng pasilidad kung saan ito matutulungan. Nakakita siya ng isang pribadong rehabilitation center na malapit lang sa farm. It was exclusive and pricey but her mother said she was willing to sell her jewelry for that. Kinabukasan din, dinala niya roon ang ina. Tatlumpung araw itong kailangang manatili sa pasilidad at hindi maaaring bisitahin.
Audrey left her mother looking at peace. Naging sapat na iyon upang mapanatag siya. She went home feeling fulfilled and happy. Nang makarating sa barn ay naabutan niya si Gael sa labas, nakaupo sa isang bangkito. Her heart thumped upon seeing him.
"W-what are you doing here?"
"Don't you get tired of asking me that?"
"'Wag mong sabihing birthday mo uli?"
"I do believe it's yours."
Natigilan si Audrey, saka biglang napatutop sa noo. "Oh, yeah! Oo nga, 'no? It totally slipped my mind!" Agad niyang kinuha ang cell phone. Kagabi pa naka-silent iyon sa pag-aalala niyang siya ang agad tawagan ng kanyang ama sa pag-alis ng kanyang ina. There were missed calls and twenty messages.
"Come on in," ani Audrey, napangiti kay Gael. "I have some cake. It's three days old but still good, I think. Come in, please."
Tumuloy na sila sa loob. Pinabayaan siya ni Gael na mag-reply sa mga nag-text sa kanya. Maging ang kanyang kapatid ay sinabihan niya kung saan naroon ang kanilang ina, bagaman mahigpit ang biling huwag ipapaalam sa kanilang ama. Kailangan ng ina ng tulong, isang bagay na hindi matanggap ng kanilang ama dahil sa kahihiyan.
Pinadalhan din ni Audrey ng text message si Ryan na kanina pa pala tumatawag sa kanya at nagtungo rin sa barn habang kasama niya ang ina. Inimbitahan niya ang lalaking magtungo sa kamalig.
"What a day. I do believe I received a wonderful present though."
"My present?" anang binata.
Itinirik ni Audrey ang mga mata. "You wish. I can whip up something to eat. You can stay right there." Binuksan niya ang refrigerator, naglabas ng timpladong manok na agad isinalang sa oven, kasabay ng baby back ribs na luto na at iinitin na lang.
"Do you need any help? Kisses perhaps?"
Inirapan ni Audrey si Gael, bagaman sumasal ang kanyang dibdib. Noon dumating si Ryan, kasama ang mga magulang na lahat ay ngiting-ngiti. May dalang mga lobo si Ryan, habang ang mag-asawang Castellejos ay may dala namang mga pagkain. Bumati sa kanya ang lahat ng miyembro ng pamilya ng kaibigan.
"You really shouldn't have bothered, Tito," sabi ni Audrey nang iabot sa kanya ng matandang lalaki ang isang regalo.
"It's our pleasure, hija. Happy birthday!"
Parang sasabog ang puso ni Audrey sa saya. Kinausap ni Tito Gaspar at ng asawa nito si Gael, habang si Ryan naman ay tinulungan siyang maghanda. "You invited Gael?"
"No. Naabutan ko siya rito. Alam kong busy ka kaya hindi ko na nasabing dumating si Mama kahapon. I checked her into a rehab facility this morning. Nawala sa isip ko na birthday ko pala. Alam mo kung gaano katagal ko nang hinihintay si Mama na magkusa. I'm so happy, Ryan. Alam kong hindi ako dapat maging ganito kasaya dahil iniwan niya ang Papa pero masaya ako para sa kanya."
"That's good news, actually. Very good news."
Nginitian ni Audrey si Ryan. Mukhang lahat ng bagay sa buhay niya ay unti-unti nang naaayos kahit paano. Nilingon niya si Gael, kausap pa rin nito ang mga magulang ni Ryan. She was glad the family came. Ayaw na niyang maulit ang naganap noong nakaraan. Napakakomplikado ng lahat, lalo na ngayon.
In her heart she knew Gael will always be just a guy she will never fully know. Somehow that made the distance between them seem so wide to cross. She will not try, though in her heart she wanted to. Wala siyang panahon para pag-isipan pa kung bakit dahil sa huli, mananatili ang katotohanang may ginawang mali ang kanyang ama at ang presensiya ni Gael ay mawawala rin. It was only a matter of time.
"Is Tita going to be all right?"
"Huh?" Napatingin si Audrey kay Ryan. "Oh. Of course, she will be all right. Stop staring at me. What?"
"You've been looking at him."
"At who? Shut up and just help me with the coffee!"

RYAN had been secretly in love with Audrey for years. Ang dalaga ang siyang naging inspirasyon niya sa napakaraming taong lumipas. Ilang ulit niyang ninais na sabihin kay Audrey ang kanyang damdamin ngunit palibhasa ay isinilang na mahiyain, hindi kailanman naging sapat ang kanyang lakas ng loob.
And now he was mad at himself. Bakit kinailangan niyang maghintay sa loob ng napakahabang panahon para ipabatid sa babae ang damdamin niya? Hindi iyon pera sa bangko na kapag itinago ay magkakaroon ng interes paglaon. Sa katunayan, sa nakaraang mga taon ay lumabo nang lumabo ang pag-asa niya, mula nang sabihin nitong nakatakda na itong magpakasal.
Dumating ang punto kung saan tinanggap na ni Ryan ang lahat. Maybe they were not meant to be together. Hindi lahat ng pag-ibig ay natutugunan. Hindi iyon isang bagay na kapag hiniling ay parating may katugon. If it were the case, he guessed the term "heartbroken" will never exist.
Ilang ulit na pinayuhan ni Ryan si Audrey, sinabing sana ay isaalang-alang nito ang sarili. Sa bahaging iyon, ang nais lang niya ay ang mapabuti ang buhay ng dalaga sa hinaharap, ang matuto itong bumuo ng pasya base sa sariling kagustuhan at hindi base sa nais ng mga magulang. Sa likod ng isip ni Ryan, batid niyang hindi magkakasundo ang isang tulad ni Audrey sa isang tulad ni Gael.
He knew Gael. Magkakilala ang kanilang mga magulang bagaman hindi siya malapit sa pamilya ng lalaki. Kailanman ay hindi niya nakausap si Gael, ngunit mula nang malaman niya ang tungkol sa nakatakdang pagpapakasal ni Audrey sa lalaki, sinimulan niyang alamin kung sino ba talaga ito.
What he found out disappointed him. Gael seemed to be a very cold man. And Audrey needed a warm person to be with because she was a ball of sunshine, leaving a certain glow wherever she passed. Si Audrey din ang tipo ng babaeng kailangang gumalaw sa isang mundong malaya nitong gawin ang mga bagay na nais. Most of those things were simple, sweet, and just nice. Because she was a perfect girl, with a heart so pure it pained Ryan to know that she was marrying Gael. An angel marrying a devil.
Kaya nang humingi ng tulong sa kanya ang kaibigan sa gagawin nitong pagtakas sa kasal ay agad siyang umoo. Siya ang sumalubong kay Audrey sa isang gas station. At marahil, kung may iba lang pagpipilian ay hindi siya tatawagan ng dalaga. Ngunit hindi nito nagawang dalhin ang sariling sasakyan dahil makakahalata ang ama nito. She left the hotel, made sure that no wedding coordinator will bother her inside the bridal suite for the next three hours, and hailed a cab to get to the gas station where Ryan was waiting.
Anong pananabik ang dumaklot sa puso ni Ryan nang mga sandaling iyon. Pakiwari niya ay naging kabilang siya sa isang napakaimportanteng pangyayari. He felt like a knight in shining armor, trying to save the princess. And he had actually saved her.
Ngunit ngayon, ilang ulit na niyang napansin ang pagsulyap ni Audrey kay Gael. Sa isang bahagi ng kanyang puso ay nais niyang itanong sa dalaga kung bakit, kung ano ang nakikita nito kay Gael. Why couldn't she look at him that way, too?
Logically, Ryan knew Audrey would want to be with someone like him. Ngunit kailan pa nauso ang pag-iisip sa lohikal na paraan pagdating sa bagay na iyon? Kung naging lohikal siya, noon pa sana siya nakatagpo ng nobya. Ngunit paano niya sasabihin sa puso na tigilan na ang pangangarap kay Audrey? His stupid heart would not listen. At ngayon, ang binging puso ay nais nang magtampo sa kabila ng ginawang pagtakas ni Audrey kay Gael ay hayun ang dalaga, tumitingin sa lalaki nang may halong interes. Isang uri ng interes na hindi niya kailanman nakita sa mga mata nito.
Was it superficial, the attraction she felt for Gael? Marahil. At ipinangako ni Ryan sa sarili na hindi na niya pakakawalang muli ang pagkakataon pagdating kay Audrey. Too bad for Gael, he let her go. It was the good guy's turn now.
"Kailan natin bibisitahin si Tita?" tanong ni Ryan na ang tinutukoy ay ang ina ni Audrey.
"Hindi siya puwedeng bisitahin sa first thirty days, part of the program. At the end of thirty days, we'll find out if she's ready to leave. If not, she will stay longer. Sa part na 'yon, we can visit. But, Ryan..." Hinawakan ni Audrey ang kanyang mga kamay, pinisil. "I know Mama can do it. I just know it."
Iyon ang isa sa mga katangian ni Audrey—the woman had so much hope in her. Para bang walang masamang tinapay sa dalaga. Lahat ay may pagkakataon, lahat ay may pag-asang magbago. It was what made her so beautiful, her passion for hope and love. She was one of the very few people who were real, who possessed a heart of gold, whose soul was true and pure.
"Of course she can," ani Ryan. He smiled at her, she smiled her sweet, lovely smile.
Katulad noon, may dulot na gaan at init ang ngiti sa puso ni Ryan. He was so in love with her he was willing to do anything for her. If only she would let him.
"My gift is outside, by the way," ani Ryan.
"Oh, you needn't have bothered!"
"Check it out."
Agad silang lumabas at pagdaan sa harap ni Gael ay agad napansin ni Ryan na dumilim nang bahagya ang mukha ng lalaki. He did not mind him at all. Ginugulo nito ang tahimik nang mundo ngayon ni Audrey. Why can't he just give way?
"Open it," wika ni Ryan nang makalabas na sila. Nakapatong sa isang upuan ang malaking box.
Agad iyong binuksan ni Audrey at napanganga. "You didn't!"
Anong kasiyahan sa puso ni Ryan ang naging reaksiyon ng dalaga. He was willing to pay millions for that, though he did not have to. And for that alone, he was glad.
"Oh! These cutters are just... Oh!" Kulang na lang ay yakapin ng dalaga ang mga panghulma ng fondant. She was teary-eyed. "Ryan, you wonderful, wonderful man! Do you have any idea how much I need these things? These will make my life easier! Thank you so much!" Binitiwan ni Audrey ang mga gamit at yumakap sa kanya. "Thank you!"
This was heaven. Just heaven.

Gael Belmonte's Runaway Bride - VanessaWhere stories live. Discover now