Chapter 2

828 12 0
                                    

CHAPTER TWO

AUDREY felt very proud looking at her masterpiece. It was a four-tiered cake with a topper that she hand molded herself. Apat na araw na trabaho iyon para sa kanya. She was a perfectionist when it came to her cakes. Themed cake iyon, para sa inaanak ng kanyang kaibigan. Disney princess ang theme. Mismong siya ang naghulma ng pumpkin carriage ni Cinderella na siyang nasa tuktok ng cake na pink at periwinkle blue.
"Did you make that? All by yourself?"
Napalingon si Audrey sa pintuan at napangiti nang makita ang kanyang kaibigan na si Criselle. Nasa bahay siya nito, ipinahiram sa kanya ang tahanan para sa buong apat na araw na kinailangan niya para gawin ang kanyang obra maestra.
Umirap si Audrey. "Of course I made this myself. Do you see little helper elves anywhere?"
"You are so good. You are making my wedding cake, you hear?"
Agad na natawa si Audrey. "Nasaan ang groom?"
Umirap si Criselle at umupo sa isang stool. "Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong magtago para gumawa ng ganyan kagandang cake. I'm sure your father will support you when you show him this cake! I mean, this means big money. How much will a baker normally charge for a cake like this?"
"It depends on the baker. Hayaan mo na si Papa. I have never impressed him." Lihim na napabuntong-hininga si Audrey. Hindi na siya sumusubok pang matuwa sa kanya ang ama sapagkat parang lahat ng gawin niya ay hindi sapat sa matanda. Noon pa mang bata siya, siya na ang weakest link ng pamilya. Aminado si Audrey na hindi siya mahusay sa akademia, isang bagay na nagdulot ng pasakit sa kanyang ama. One time, the old man even told her she was stupid, like she did not come from him. It hurt. It still hurt. Ngunit ang pinakamasakit na pangyayari marahil ay nang bumagsak siya sa board exam ng CPA may ilang taon na ang nakararaan. Pinauwi siya ng kanyang ama sa probinsiya at pinatulong na lang sa kanilang farm.
Kung may kagandahan ang pangyayari, iyon ay ang katotohanang nagawa niyang perpektuhin ang kanyang mga recipe. Gayunman ay mag-isa lang siya madalas sa farm. Ang kanyang mga kapatid ay nasa Maynila, gayundin ang kanyang mga magulang na abala sa kanilang family business. Hindi na kailangang sabihin ng kanyang ama na ikinahihiya siya nito, nadarama niya iyon. Damang-dama.
Nang bumagsak si Audrey sa board exams ay nangako siya sa amang mas pagbubutihin pa sa susunod. Ang sabi pa nito, "There will be no next time! Kahit pasang-awa hindi ka nakapasok! Do you honestly expect me to give you another chance after this humiliation?"
At ganoon na lang ay pinaalis na siya sa buhay ng mga Esparza. Oo at madalas sabihin kay Audrey ng kanyang ina na hindi raw sa pinaalis siya sa buhay ng pamilya, kundi nais lang daw ng kanyang ama na maging productive siya sa kanyang sarili. Mas makatutulong daw siya sa pamilya kung pamamahalaan niya ang kanilang farm. Ang totoo, walang makitang dahilan si Audrey kung bakit kailangan pa niyang magtungo sa farm gayong maayos iyong tumatakbo sa pamumuno ng isang katiwala. Sa katunayan, ni hindi siya makapagdesisyon tungkol sa farm nang hindi sinasabi sa kanyang ama.
Audrey felt so useless, but when she was baking, she was happy. Nabanggit na niya sa kanyang ina ang pagnanais na magtayo ng bakery. Ngunit wala raw panahon ang kanyang ama upang pag-usapan iyon. Kailangan ni Audrey ang pahintulot at puhunan na magmumula sa ama. Wala siyang sariling savings maliban sa naipon niya mula sa kanyang allowance. Ang share niya sa kompanya ay hawak ng kanyang ama. Ang allowance niya ay karaniwang nauubos sa mga binibiling gamit na pam-bake at mahal ang mga gamit. Halos araw-araw siyang nagbe-bake sa farm at kapag mayroong okasyon ang mga tauhan, parati nang mayroon siyang regalong cake.
"Hindi ko alam kung ano ang problema ng papa mo, sa totoo lang," ani Criselle.
"He wants an accountant daughter, he got a baker."
"Why not open a bakery anyway?"
Napangiti si Audrey. "Actually, I receive orders every now and then. Sa probinsiya kasi, walang matinong bakery at nasa kabilang bayan pa ang franchise ng bakeshop. At alam mo naman na hindi magaganda ang designs nila. Maraming nagpapakasal sa resort doon, at sa akin sila nag-o-order ng cake. I have already made three. Word of mouth lang. Of course, Papa doesn't know."
"So why not open a business? Meron naman palang market sa probinsiya."
"Magagalit si Papa. Isa pa, ang sabi ni Mama, baka raw pumayag si Papa na mag-board uli ako."
"Pati pagkuha mo ng board kailangan niyang payagan?"
"Of course. I need to review again. Dalawang taon na ang lumipas, marami na akong nalimutan. But God..." Napabuntong-hininga si Audrey. "Ayoko nang kumuha uli ng board. Alam mo namang ayoko ng course ko. I hate numbers and they hate me right back double. 'Buti ka pa."
Umismid si Criselle. "Mabuti pa ako, ano? Pumasa sa board? Isang point na lang, bagsak na rin?"
"At least you passed!"
"Well, if it's any consolation I don't use my degree most of the time. Iniwan na ako rito ni Mommy para maglakwatsa sila sa ibang bansa ni Daddy. Ang main agenda ko ngayon, asikasuhin ang mga business namin. Girl, you know both of us are only twenty-three. Ayokong tumanda agad sa stress pero ano ang magagawa ko kung sa akin na pinaaasikaso lahat?"
Napatingin si Audrey sa relo at nabigla. Alas-dose na ng tanghali. "Oh, I need to go, Criselle. Malayo ang biyahe, alam mong tumakas lang ako."
"Apat na araw kang nawala sa inyo, sigurado kang hindi ka nila mapapansin?"
"Of course. I live in a faraway land, remember? Pero kailangan ko nang bumalik dahil tumatawag minsan sa farm si Mommy kapag weekend. You take care of this cake. Keep this place cool and dry. Happy birthday sa inaanak mo."
"How much do I owe the artist?"
"You bought the ingredients, no need to pay the artist."
"Seriously, Audrey. This is hard work."
"And I love you so I won't charge you. I have to go now though."
Pagkatapos ang tila walang katapusang pasasalamat ni Criselle ay nagawa na ring makaalis ni Audrey. Mahigit limang oras ang biyahe pabalik sa probinsiya at anong kaba niya nang makitang nakaparada ang SUV ng kapatid sa tapat ng bahay. Ang hula niya, kasama ng kanyang kuya ang papa nila. May isa pang sasakyan na katabi ang SUV, sasakyang hindi kilala ni Audrey.
Kinuha niya ang cell phone ngunit natuklasang na-drain na pala ang battery niyon. Hindi siya magkandaugaga sa pagbaba at nang makapasok sa loob ng bahay ay nakahinga nang maluwag nang makitang wala roon ang kanyang ama. Mayroon ding bisita ang pamilya. Parang nabuhay ang dugo ni Audrey nang makitang ang bisita ay walang iba kundi ang dalawang paborito niyang tao sa mundo—sina Tito Gaspar at ang anak nitong si Ryan.
"Tito Gaspar, Ryan!" bulalas ni Audrey, saka tumingin sa kapatid. "Kuya, hindi mo sinabi na parating kayo! Sana nakauwi ako agad!"
"And where have you been, little sis?" anang kanyang Kuya Emil. Ang dalawang kapatid na lalaki ni Audrey ay isinunod sa pangalan ng kanyang ama na Emilio: Emil at Emiliano.
"Nasa Manila ako. Oh, Tito!" Agad niyang niyakap ang paboritong kaibigan ng ama, saka binalingan si Ryan na niyakap din niya. Matagal niyang hindi nakita ang dalawa. Si Ryan ay nag-aral sa Amerika at si Tito Gaspar naman ay sumunod sa anak, kasama ang asawa. Nagretiro na sa propesyon si Tito Gaspar, hindi na ito tumatanggap ng kaso, bagaman ang matandang lalaki pa rin ang namumuno sa law firm nito.
"You look great, Audrey!" ani Tito Gaspar.
"You, too!" aniya, saka binalingan si Ryan. "And you! You've grown!"
Tumawa si Ryan, lalong naging cute ang binata. Noong mga bata pa sila ay madalas silang magkasama dahil tuwing pupunta sa kanilang bahay ang mag-ama ay kadalasang sila ni Ryan ang naiiwang magkalaro o magkausap. May puntong naisip niyang may crush siya sa lalaki, ngunit nakalakhan na niya iyon. Maybe it was not really a crush but fondness. Noon kasing mga bata sila ay wala siya masyadong kaibigan. Kakampi niya si Ryan at kaklase noong kolehiyo. Maraming naitulong ang lalaki sa kanya pagdating sa pag-aaral, una na roon ang libreng tutorial. Mahusay sa numero si Ryan.
"I'm serious! Ano ang kinakain mo sa States?" patuloy ni Audrey, namamangha na ang lanky na kaibigan ay nagkalaman na rin sa wakas, bagaman tulad noon, makapal ang salamin nito sa mga mata at hindi matatawag na fashionable kung manamit. Hindi sila masyadong nagkakausap ng kaibigan nang nakaraang tatlong taon dahil na rin sa mabagal na Internet connection sa farm. Isa pa, kahit makita niyang online si Ryan ay hindi ito naglalagay ng mga larawan sa social networking sites.
"I just realized I had muscles, Audrey," biro ni Ryan.
Natawa at masaya siya. Masayang-masaya. Nang umalis ang pamilya Castellejos sa Pilipinas, aminado si Audrey na ilang linggo siyang malungkot na malungkot. Para bang nawalan siya ng braso o kamay. Support group niya ang pamilya Castellejos mula pa noon. Ngunit natuto siyang mapag-isa at panaka-naka ay si Criselle ang kanyang takbuhan sa mga sentimyento sa buhay.
"Audrey," si Kuya Emil. "Madadalas dito si Ryan. Papa sold them half the land. Hindi na kasi natin maasikaso."
Natigilan si Audrey. Ilang ulit na niyang isinuhestiyon sa ama na magandang maglagay ng organic farm sa malaking bahagi ng lupaing hindi mapakinabangan, ngunit parating sinasabi ng matanda na hindi raw nito iyon maaasikaso. Ang unang ginawa ni Audrey ay ang mag-seminar tungkol sa organic farming, handang kumuha ng ilang units para mas mapahusay ang trabaho, ngunit tumanggi ang kanyang ama. At ngayon ay ibinenta na lang nito ang lupa kahit na kaya sana niya iyong asikasuhin. Ibinenta ang lupa nang hindi man lang siya tinanong kung maganda iyong ideya. Ang akala niya ay siya ang "manager" ng farm?
"Who's going to be a farmer then?" nakangiting tanong ni Audrey. Isang konsolasyon na ang pamilya Castellejos ang magiging kapitbahay niya.
"I guess that will be me and your Tita, Audrey," ani Tito Gaspar. "Matagal na naming napag-usapan ng tita mo na bumili ng farm. Fortunately, your father offered us this land."
"That's great! I have many ideas to share. Oh, wait, I have a yummy cake in the fridge! Please, sit down, all of you!"
"'Yan ang kanina ko pa hinihintay, Audrey," ani Ryan, bahagyang nakasimangot na halatang nagbibiro. Si Ryan ang numero uno niyang fan pagdating sa mga ibini-bake. Nag-mental note siyang ipag-bake ng cannoli ang binata na siyang paborito nito. Ilang cannoli ang "isinuhol" niya noon para sa tutorial session nila.
Nakangiting nagtuloy na si Audrey sa kusina at inihanda ang cake na tinernuhan niya ng black coffee para kina Tito Gaspar at Kuya Emil at hot chocolate para Ryan. Ryan had such a sweet tooth. Magkasundo sila sa bagay na iyon.
Nang magbalik siya ay sinabi ni Ryan na nasa labas ang dalawang lalaki. "So how have you been? Are you still enjoying the farm?"
"A lot." Ngumiti si Audrey. "Mas gusto ko rito."
"I will be staying here, too."
Umingos si Audrey. "'Yan ang gusto ko sa business mo, eh, kahit saan ka magpunta okay lang." Sabihin ng mayroong law firm si Tito Gaspar, kailanman ay hindi hiniling ng matanda sa anak na mag-abogasya. Hindi rin iyon ang nais ni Ryan. Ilang ulit na bang nahiling ni Audrey na sana ay si Tito Gaspar na lang ang naging ama niya? Napakaraming pagkakataon na. Marahil, kung naging ama niya ang matanda ay malaki na ang bakeshop niya ngayon.
"I know. Naglalambing sina Mama. Ang sabi gusto raw akong makasama. Sa States ako nag-dorm at parating nagse-seminar kaya wala ring oras para makasama sila."
Hanggang ngayon, kung minsan ay nahihirapan pa rin si Audrey na isipin kung gaano katindi ang suportang maaaring ibigay ng mga magulang sa anak. Kung wala si Ryan, marahil, hindi niya maiisip na mayroong mga magulang na tulad ni Tito Gaspar na walang hanggan ang pagmamahal.
"How are your folks anyway?" tanong ni Ryan.
"Still the same." Hindi naglilihim si Audrey sa kaibigan. Alam nito ang mga nangyayari sa kanyang buhay at mahirap ding ikaila sapagkat saksi ang binata sa ilang pagkakataong iniyakan niya ang mga sentimyento sa amang diktador at sa inang sunod-sunuran.
"Are you all right?"
"Yeah. I guess. Well, eat up!"
Nakangiting tumalima si Ryan at tulad noon, nais ni Audrey na kunan ng larawan ang reaksiyon nito nang matikman ang cake. "How I missed this, Audrey. And I've missed you, actually."
"Hmp! Parang hindi naman. You only call me during the holidays."
"And on your birthday, too!"
"Ah, of course." Matamis ang iginawad na ngiti niya kay Ryan. Marahil, kahit kailan ay hindi siya magkakaroon ng tampo sa lalaki. He will forever be the beacon in her life. Siguro, iyon ang nangibabaw sa kanya kaya ang childhood crush niya sa lalaki ay naunawaan niyang matinding fondness, isang uri ng pasasalamat at pagmamahal para sa isang napakabuting tao.
"Bukas daw uuwi ang parents mo rito. We're staying until tomorrow."
"That's great!" Parang lumobo ang puso ni Audrey. Hindi niya alam na ganito katindi ang naging pangungulila niya para sa mag-ama. "What about Tita?"
"Susunod na lang siya bukas, kasabay ng parents mo."
Hanggang gumabi ay kasama ni Audrey si Ryan. Nagpahanda siya sa mga kawaksi ng lulutuin para bukas. Sa isang banda, pagdating sa lutuan at handaan ay siya ang takbuhan ng pamilya. It was what she did best. Alas-dose na natulog si Audrey nang gabing iyon at kinabukasan, alas-kuwatro pa lang ng madaling-araw ay laman na siya ng kusina.
Alas-onse impunto ay luto na ang masaganang pananghalian. Pagkaraan ng mahigit isang oras ay dumating na ang kanyang mga magulang, kasama ang ina ni Ryan. Isang masayang reunion ang naganap. Buong maghapon ay masayang-masaya si Audrey at nang magpaalam na ang mga Castellejos ay parang nais niyang pigilan ang pamilya. Gayunman, naalala niyang hindi na aalis ng bansa ang pamilya Castellejos. Sa katunayan ay magiging kapitbahay pa niya sina Ryan!
"Mama, I was wondering about the board exam?" ani Audrey sa ina habang nasa sala sila. "Sinabi mo ba kay Papa na kukuha uli ako?"
"Oh, yes, I have mentioned it."
"And?"
"Well, he said he has another plan for you, darling. Don't worry, everything is going to be fine. Would you fill this glass, darling?"
Tumango si Audrey, nagtungo sa bar at nagtimpla ng martini para sa ina. Ilang taon na bang ganoon ang ina? Halos walong taon na rin. Noong una ay occasional drinker lang ito, ngunit may walong taon na rin mula nang maging araw-araw ang pag-inom ng ina. Ilang ulit na rin niyang nakausap ang ama tungkol doon, ngunit sinasabi nitong walang problema ang kanilang pamilya, na ang kanyang ina ay mahilig lang talagang uminom upang madaling makatulog. Huwag daw niya iyong bigyan ng malalim na kahulugan.
"Do you still drink martinis in the morning, Mama?"
"No. Of course not."
"I worry about you all the time." Inabot ni Audrey ang baso sa ina.
"Don't worry, my darling. I'm okay. There's nothing to worry about. This is my second glass for the day. You know this cures my insomnia."
Alam ni Audrey na hindi totoo ang sinasabi ng ina. Dumating itong amoy-alak na. "Why don't you stay here with me for a while, Mama?"
"Your father won't allow it. Speaking of which, he intends to..." Sininok ang ina, pinunasan ng table napkin ang bibig, saka nagpatuloy. "He intends to have you marry that Belmonte boy. You know, the tall, dark, and handsome boy."
Napanganga si Audrey. Matagal bago siya nakapagsalita. "W-what?"
"Oh, he will tell you. That's the reason we came here."
"M-Mama, are you serious?"
Tumango lang ang ina. Maayos itong tingnan ngunit ang mga mata ay nagpapahiwatig ng pagkalango. Ganoon na lang ang kaba sa dibdib ni Audrey ngunit agad na naisip na marahil nga, lango lang ang ina. Hindi gagawin ng kanyang ama ang basta na lang siya ipakasal. Isa pa, napakabata pa niya para lumagay sa tahimik. Wala pa siyang napapatunayan sa buhay. She did not want to be that man's wife, for goodness sake!
Kilala ni Audrey ang tinutukoy na lalaki ng ina. Isang lalaking mas matanda lang nang marahil apat na taon sa kanya. He was a humorless man. Even as a child, that Gael was not a very pleasant person to talk to. Hindi nagkaroon ng pagkakataon si Audrey na makilala nang lubos ang lalaki kahit pa kaibigan ng kanyang ama ang ama nito sapagkat para bang may pader na nakapalibot kay Gael. Parang ni hindi maalala ni Audrey kung nakita na ba niyang nakangiti ang lalaki.
"Mama, you can't be serious. Besides, you're drunk."
"I am not drunk. I never get drunk. Now, wait for your father. He's just talking to some people. Wait here and he will tell you."
Muling kinabahan si Audrey ngunit hindi na umimik. Pinagmasdan niya ang inang tumayo at nagtungo sa bar. Isang shaker ang pinuno nito ng cocktail, na dinala sa sala. Nagpasya siyang kausapin ang mga kapatid bukas at ipaalam ang sitwasyon ng ina.
"Oh, here he is." Itinaas ng ina ang kamay na may hawak na martini glass, itinuro ng hintuturo ang asawang pababa ng hagdan. "Honey, tell your daughter about your brilliant plan."
Napatingin si Audrey sa ama na tumikhim at umupo sa sofa. "What did your mother tell you?"
Ang kanyang ina ang tumugon. "I told her you intend to have her marry that Belmonte boy. There's no need to make her wait. She needs to know now."
Naghintay lang si Audrey, nasanay sa loob ng ilang taon na huwag magsalita hangga't hindi binibigyang permiso ng ama. Tumango ang matanda at sinabi, "I guess it's all out in the open now, Audrey. Yes, that's what Blas and I talked about." Ngumiti ang ama. "It will be very beneficial to both our families."
Sa loob ng ilang sandali ay nanatili lang nakatingin si Audrey sa ama, hindi malaman kung ano ang sasabihin. Sa isang banda, sinasabi ng isip niyang hindi totoo ang lahat ng iyon; sa kabila naman ay ibinubulong ng kanyang puso na sumigaw at ilabas ang lahat ng sama ng loob.
"Y-you want me to marry Gael?" sambit niya, tinraidor ng hina ng tinig ang nag-uumalpas na galit sa dibdib.
"Yes. It will be for the best. You will be a homemaker and will never want for anything. Gael can provide you with whatever you need. This way, you can help this family go to higher places. The Belmontes will take us there."
Ang kanyang ina ang sunod na nagsalita. "Wala ka naman kasing naitulong sa pamilya, sabi ng papa mo. Ito raw ang magagawa mo para kahit paano, makapagbigay ka ng kontribusyon sa pamilya, hija. For once, make your father proud."
Napatingin si Audrey sa ama na hindi tinutulan ang sinabi ng asawa bagaman sinabing, "This is for your own good, Audrey. Gael is a very bright young fellow. No need to worry. The wedding will take place five years from now. Matagal pang panahon, hija. Gael must prove he's worthy of my daughter first, of course. Ang sabi ko kay balae, kapag CEO na si Gael, saka kayo magpakasal."
Matagal bago nakatugon si Audrey. "A-and he's okay with that?"
"Well, yes. Ito ang pinakamabuti para sa dalawang pamilya. We join our businesses and our families as well. We will build a more solid foundation, you see."
At my expense, Papa? At my expense?! How could you do this to me? Anak mo ba talaga ako o baka ampon lang? Bakit hindi pa sapat sa 'yo kung ano ang mayroon tayo? Bakit kailangan mo pa sila? At bakit handa kang isuko ako na para bang isa akong tuta na kapag hiningi sa 'yo, ibibigay mo na lang. O baka nga ikaw pa ang nagboluntaryong isuko ako sa kanila. Nang ganoon na lang, Papa. Hindi mo man lang ako tinanong kung gusto ko bang gawin ito. Hindi mo ako isinaalang-alang. And you're making me feel guilty for not being good enough.
Why can't this family need or love me just the way I am? Kailangan ko ba talagang magsakripisyo para lang matanggap ninyo ako?
Ang lahat ng iyon ay hindi na naisatinig ni Audrey sapagkat nangibabaw sa kanya ang pagnanais na makatanggap ng kahit na munting tapik sa likod, ng isang "good job" mula sa ama. It was weird because she was starting to hate her father and yet she wanted him to tell her she was important to the family. Nais niyang ipagmalaki siya ng ama, nais niyang dumating ang araw na sasabihin nitong malayo ang narating ng pamilya sa tulong niya—ang anak na hindi inaasahang makakatulong kailanman, ang anak na parang pabigat sa pamilya.
"Okay, Papa, I will marry him," sambit ni Audrey.
Ngumiti ang matandang lalaki. "That's my girl."
Tatlong salita lang iyon mula sa ama ngunit parang nais umapaw ng tuwa sa kanyang puso, kung hindi lang tila hinihila pababa iyon ng katotohanang magpapakasal siya sa isang taong halos hindi niya kilala pagkalipas ng limang taon.

Gael Belmonte's Runaway Bride - VanessaWhere stories live. Discover now