Chapter 7

526 11 1
                                    

CHAPTER SEVEN

"DON'T tell me he's outside, waiting for you?"
Napairap si Audrey sa sinabi ni Criselle. Ang tinutukoy ng kaibigan ay walang iba kundi si Gael. Pagkatapos umalis sa bachelorette party ay bumalik din siya upang yayain ang mga kaibigan na lumabas. Ilang minuto sila sa itaas, inaayos ang kailangang ayusin bago umalis. Pagbaba nila, mayroon nang dalawang sasakyang naghihintay sa kanila, may mga driver na kasama. Gael simply said, "I arranged a place for you ladies to enjoy the rest of the night. Desserts and wine are ready."
Bakas sa mukha ng kanyang mga bisita ang labis na pagkaaliw. Ang mga propesorang matandang dalaga ni Audrey ay parang nais pang mag-swoon. Si Criselle lang ang parang nainis. Obligasyon daw nito bilang maid of honor iyon na inako ni Gael.
"He's not going to wait outside," tugon ni Audrey.
Umismid si Criselle. "Of course not. You don't let Gael Belmonte wait."
Natawa si Audrey, saka isinandal ang likod sa couch na may velvet cover. The place was grand. Noon lang siya nakarating sa lugar. Pag-aari ng isang kilalang chef na binubuksan lang sa mga VIP na mayroong reservation sa lugar. Nasa loob iyon ng isang malaking compound sa Quezon City, sa kaparehong compound kung saan naroon ang bahay ng chef at ang malaking kitchen ng bakeshop nito.
The place was cold and had a faint aroma of vanilla. Malalaki ang mga couch at kumportableng upuan. Okupado ng kanilang grupo ang isang section ng venue. May mangilan-ngilang parokyano rin na makikita sa di-kalayuan.
"How did he manage to make a reservation here on such short notice?" tanong ng isang kaibigan ni Audrey. "The last time I tried to book this place, I was put on the waiting list. A four month waiting list."
Nakadama ng pagmamalaki si Audrey. Napangiti siya. Humirit si Criselle. "Well, I still think everyone would enjoy the stripper more!"
Ang lakas ng tawanan ng lahat. Napagsabihan na niya ang kaibigan at sinabi ni Criselle na munting kasiyahan lang daw sana ang plano nito. Binilinan daw nito ang stripper na huwag itodo ang paghuhubad at paglapit sa kanya.
"I will never understand you," hirit ni Criselle. "It wasn't as if the stipper was going to touch you!"
"Yes, but it was a little gross. Ilang tao na ba ang dumaan sa kamay ng lalaking 'yon?" wika ng isang konserbatibong propesora niya. "I mean, I will look but not come too close!"
"No wonder you're still single, Miss Laudato!"
Muli ay nagtawanan ang grupo. Umaapaw ang mga cake, pastry, alak, at non-alcoholic cocktails. It was a wonderful experience to drink exclusive creations—cake-flavored cocktails, and shakes made from organic fruits and vegetables. Audrey had to admit, this was her idea of a girls' night out. Mukhang kahit si Criselle ay nakumbinsi na rin.
Pinatunog ng kaibigan ang isang kutsarita sa isang baso, "Hear, hear!" ani Criselle. "This is for my best friend who's marrying a man I'm not fond of but am willing to learn to like." Umismid ang babae, saka agad na ngumiti. "I wish you all the happiness in the world, honey. You deserve it."
Nagpalakpakan ang lahat. Bigla, nais mapaluha ni Audrey. Bigla niyang naitanong sa sarili kung ilan pa kaya sa labing-isang kababaihan doon ang naiisip ang magiging kalagayan niya? Marahil, tanging si Criselle lang. The rest didn't know what was going on in her life. Ang ibang nasa grupong iyon ay hindi masasabing ganoon kalapit sa kanya. In fact, she only had two best friends in the world—Ryan and Criselle.
Inianunsiyo ni Criselle na magsisimula na raw ang mga games na hindi nila nagawa kanina. Nagkasiyahan ang buong grupo. Nagsimula ang lahat sa mga naughty questions. Kung sino ang pinakamahusay ang pagsagot ang siyang mananalo base sa palakpakan.
"Okay, question number one—that's not really a question. Here it goes—Complete the sentence: My blank has a big blank. Miss Laudato, you go!"
"My, my," anang propesora. "Let's see... My mother has a big heart. O, o, 'wag sabihing ang corny ko! Alam ninyong no boyfriend since birth ako!"
Lumakas ang tawanan. Umikot ang mga tanong hanggang sa makarating iyon kay Audrey. Halos mapanganga siya nang makitang lahat ay nag-aabang nang husto sa kanyang isasagot. Kahit si Criselle ay tila nais marinig ang kanyang sasabihin. She knew they wanted to know about Gael. Biglang nag-init ang kanyang mukha. Maybe even Criselle was curious if she had done it with Gael. Alam nitong malihim siya pagdating sa mga ganoong bagay, sa katunayan ay "manang" ang taguri nito sa kanya noon.
"Well, Miss Bride? Gael has a big what?" untag ng isa pang kaibigan nila.
"Does it have to be Gael?" reklamo ni Audrey, nag-iinit pa rin ang mukha.
Nagsimulang magsiungulan ang lahat, tila handang mangantiyaw kapag hindi niya napagbigyan. Nagpasya siyang pasayahin ang mga kasama. Ano ang masama? After all, she was marrying Gael. "All right, all right. My fiancé, Gael, has a big... penis."
Naghiyawan ang mga babae ngunit inawat niya ang mga kasama. "Dot, dot, dot... at least I think he does, exclamation point."
Kinantiyawan na si Audrey ng mga kasama, halatang hindi naniniwala. Kunsabagay ay hindi rin iyon ang katotohanan. She had seen Gael's penis accidentally. Ngunit hindi counted ang split-second. Well, who would believe her that she had not seen it yet? Gael, who apparently had been attracting the attention of almost every single hot-blooded female in the country for over ten years, had a reputation. They said he was elusive but wild. It was almost as if her friends were congratulating her for bagging someone as mysterious as Gael. It was insane. Ganoon ba talaga ang dating ni Gael sa mga babae?
"Excuse me for a while, ladies," ani Audrey at tumayo. Pagpihit ay nakita niyang nakatayo ilang dipa mula sa kanila ang isang babae, nakahalukipkip at tila nag-oobserba, ngunit agad din itong lumayo. Hindi na niya pinansin ang babae at nagtuloy na sa restroom. Pumasok siya sa isang cubicle at nang lumabas ay nakita niya sa tapat ng salamin ang babae. Bahagya siyang nagtaka dahil nakatingin lang ito sa kanya.
"Do I know you?" tanong ni Audrey.
"No. I don't think so." Ngumisi ito, pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa, saka ngumisi. "I just overheard what you said earlier, I'm sorry."
Hindi maunawaan ni Audrey kung saan pupunta ang kanilang usapan. Maybe this lady was some weirdo, or maybe took some party drug or something. Nag-retouch siya ng makeup nang mailang sa hantarang pagmamasid ng babae sa kanya. Pinagmasdan din niya ito. The woman was beautiful and looked worldly.
"Do you need anything?" ani Audrey.
Ngumiti ang babae. "So you think Gael's penis is big, huh? Honey, it's huge. And I believe you though your friends seem to think you're a liar." Bumaling na ito sa salamin, nag-apply ng lipstick. Hindi makapagsalita si Audrey sa labis na pagkabigla. "I think you were telling the truth because..." Pinaglapat nito ang mga labing nilagyan ng lipstick, saka marahang pinahid ng tissue ang lumagpas sa lipline, tila walang pagmamadali sa paglalahad. "Because just earlier I was with him. And yesterday we met in Luxe Suites. Apparently, you're not giving him what he wants."
Hindi sanay si Audrey sa ganoong klase ng usapan. Hindi niya magawang magsalita sa labis na pagkabigla. Sa huli, nanaig ang galit niya. "It must be very sad for you then, that you allow yourself to be used by a man who's already getting married."
"Sad? Honey, my closet is filled with wonderful gifts from your husband-to-be. See this Loius Vuitton? I got this earlier."
Nanginig ang kamay ni Audrey sa labis na galit, ngunit naisip agad niya na hindi siya bababa sa lebel ng isang babaeng tulad ng kanyang kausap. Pumihit na siya at akmang lalabas na ng banyo nang muling magsalita ang babae. "It's Shanice, by the way, soon-to-be Mrs. Belmonte, in case you want to ask Gael."
Hindi pinansin ni Audrey ang babae kahit parang uusok ang kanyang mga tainga sa matinding galit. Nang makabalik sa kanyang grupo ay nais na niyang magpaalam, tuluyan nang nasira ang masayang mood niya kanina.
"Is anything wrong?" Si Criselle.
"Nothing. I'm just tired." Ayaw niyang sabihin sa kaibigan ang lahat. May mga bagay na kahit sa best friend ay hindi na dapat sabihin pa. Besides, Criselle will only make her feel more stressed out. Pinilit niyang makipagkasiyahan pa sa mga kasama hanggang sa lumalim na ang gabi at nagpasya na rin silang umalis. Inihatid ng mga driver ang iba, habang si Criselle ay may sariling sasakyan. Si Audrey ay inihatid naman ng kanyang driver sa bahay.
Nasa sasakyan pa lang ay nagri-ring na ang kanyang cell phone. Gael was calling. Muntik na niyang maibato ang aparato palabas ng bintana. Ayaw sana niyang sagutin ang tawag ngunit pinangunahan siya ng galit. "Hello?"
"My driver called and said the party's over. How are you?"
"Well, I would've enjoyed the party if the slut you slept with earlier this evening hadn't told me you gave her a Louis Vuitton."
"Excuse me?"
"You heard me!" singhal niya, taas-baba ang dibdib. "If you plan to sleep with other women, you make sure they're discreet! Shanice, that's her name! Or don't you remember?"
Bumuntong-hininga si Gael. "I'm sorry. I didn't know she was going to be there."
Lalo nang parang sasabog ang ulo ni Audrey. The man did not even bother to deny it. Suddenly, Audrey realized this was never going to end. And she was supposed to feel okay about it. "I'm tired, Gael. Goodnight."
"Audrey, I'm sorry."
"For what?"
"You know."
"For sleeping with her or for not making sure one of your slut friends will not confront me?"
"She came to my house earlier. I didn't know she was coming. I wasn't planning on bringing anyone into the house again. We already talked about that. But she came and I guess it's my fault I didn't tell the new security guard to not let any woman in, except you, of course."
"Of course," sarkastikong turan ni Audrey. Marahil totoo ang sinasabi ni Gael, ngunit nanatili ang simpleng katotohanan—na nakikipagkita pa rin ito sa mga babae. Maaaring hindi sa bahay na pag-aari nito, kundi sa mga hotel at sa kung saan-saan pang lugar. "I am really tired, Gael."
"All right. You sleep tight. Don't worry about Shanice. I'll take care of it. I'll see you tomorrow."
Whatever the hell that means, sa isip-isip ni Audrey, saka tinapos na ang tawag. Nang makauwi ay naabutan niya ang ina sa sala, nakatulog na sa sofa. Bigla ay sumakmal ang matinding kaba sa puso ni Audrey. Sa mga sandaling iyon ay halos natitiyak niyang magiging tulad siya ng ina. Her mother was very unhappy. Kahit noong bata siya, nasa ilalim ito ng kamay ng kanyang ama.
Anong klaseng buhay ang kahaharapin niya? Mararanasan din ba niya ang katulad ng naranasan ng kanyang ina?Ang pagpipilit sa sariling makatulog sa tulong ng alak, ang marahil ay pagkalimot sa mga problema sa tulong pa rin ng nakalalasing na likido. Gaano katagal siyang magtitiis sa isang samahan na hindi nabuo sa pagmamahalan? Kaya ba niya talaga?
"Mama," sambit ni Audrey, nilapitan ang babae na tulad pa rin ng dati ay amoy-alak. "Mama, please wake up. You need to wake up and go to your room."
Pupungas-pungas ang ina nang humawak sa noo. "What time is it, honey?"
"Three in the morning. Kanina ka pa ba rito? Hindi ka pinaakyat ni Papa?"
"Oh, he left at around seven tonight, emergency meeting in Macau tomorrow morning, he said. Who cares?" Pinagmasdan siya ng ina na tila noon lang siya nakitang maigi. "Are you all right, Audrey?"
"Y-yes, Mama." Ipinatong niya ang braso nito sa kanyang mga balikat.
"You were out tonight. Your bridal shower, right?"
"Right. Up we go." Inalalayan ni Audrey na makatayo ang ina. "You should stop drinking."
Hindi ito umimik, bagaman nang tingnan ni Audrey ay mukha namang nabawasan na ang kalasingan ng ina. Ilang oras ang hihintayin nito bago muling maghanap ng alak? "Mama, I can help you if you will let me. There are good programs in the US, great clinics with thirty-day programs. No one needs to know. Even Papa doesn't need to know."
Hindi pa rin umimik ang ina hanggang sa makarating na sila sa silid. Maingat na inalalayan ni Audrey ang ina pahiga sa kama. She tucked her into bed. Hinaplos niya ang noo nito. "Mama, I constantly worry about you."
"I know," sambit nito. "And I worry about you. I worry all the time."
"Me? Why? I can handle this."
"No. You can't." Biglang namasa ang mga mata nito. "I have dreaded this day. Sa hinaba-haba ng panahon, Audrey, anak, sinasabi ko sa papa mong tigilan na ang pagmamando sa 'yo. I told him, he's going to lose his daughter because he's forcing you to marry Gael. Hindi siya nakinig sa akin. Bakit nga ba niya ako pakikinggan? He never did."
"Why do you let him do this to you, Mama?"
"Why are you letting him do this to you, Audrey?"
Natigilan siya. Matagal bago siya nakatugon. "It's for the family."
"It is not for the family, it is for your father."
"Will it be so wrong to please him, Mama?"
"You can never please a monster."
Labis na nabigla si Audrey sa tinuran ng ina. Noon lang niya ito narinig na nagsalita nang ganoon. Mula nang bata pa siya, wala itong ginawa kundi ang sumang-ayon sa asawa. "Mama, you're drunk."
"No, I'm not. The alcohol makes me speak up. I've been speaking up these past few years. Not as strongly as I had hoped, but I think I sent the message across clearly. Sadyang hindi lang nakikinig ang papa mo. Now, listen, I want to ask you something and you had better answer me honestly, Audrey." Kabado man ay tumango siya bilang tugon. Nagpatuloy ang kanyang ina. "Do you want to marry Gael?"
"I... I..." Kinapa ni Audrey ang dibdib at kung noong una niyang malaman ang tungkol sa kasal ay naging labis ang kanyang pagtutol, ngayon ay natagpuan niya ang sariling nagtatanong kung bakit hindi kaagad niya sinabi na hindi niya gustong pakasalan ang lalaki. Sa kabila ng mga pangyayari, parang mayroong isang bahagi ng kanyang sistema ang... Ano nga ba ang tawag sa kanyang damdamin ngayon tungkol kay Gael? Curiosity? Pag-asa?
Oo, sa kabila ng lahat ng agam-agam ni Audrey, may nabuhay na positibong damdamin sa kanyang sistema tungkol sa lalaki. She also had to admit she thought about him often. Ngunit batid niyang sa likod ng superpisyal na damdaming iyon ay naroon ang katotohanang napakalaki ng kapalit sa pagpapakasal nila—the rest of her life.
"No, Mama..." sa wakas ay nasambit ni Audrey. "I don't want to be Mrs. Gael Belmonte."
"Then you don't have to be. Audrey, you don't have to be."
"But we're getting married, Mama. I've already made the sugar flowers."
"I can't believe you're worrying about your sugar flowers!"
Biglang napabungisngis si Audrey sa kabila ng kaseryosuhan ng lahat. Natawa rin ang kanyang ina saka siya nito niyakap. "I have some money saved. Alam mo bang kinuha sa akin ng papa mo ang lahat ng savings ko? Hindi niya sinasabi sa akin pero nararamdaman kong ilang taon nang naghihirap ang kompanya."
"No!"
"Yes. I don't think Gael knows. Your father is covering it up. He had falsified documents to cover up the losses. It's illegal. Nag-aalala akong kapag naikasal ka kay Gael, ikaw ang mapagbalingan ng mga Belmonte. Gael's father is a ruthless man."
Parang piniga ang puso ni Audrey. Handa ang kanyang ama na isugal siya para sa kompanya? "How did you find out, Mama?"
"I've been checking your father's computer. Kahit ang trust fund mo ay wala nang laman, anak. He falsified everything to get more money and throw it into that bottomless pit of a company. Now, I have a little saved, a very small amount of money. And I want you to have it."
"Oh, Mama."
Hinaplos ng ina ang kanyang mukha. "It's time you found your own way, little girl. Be brave, you hear?"
Tumango si Audrey, nag-uunahan ang mga luha sa pagpatak. "When do I leave?"
"On your wedding day."
Labis siyang nabigla. "On my wedding day? On the day itself?"
"Of course. That way no one will announce that the wedding has just been postponed and find a way to bring you back. No one can cover up a scandal as big as that, hija. And I think Gael will not want to marry you after being humiliated like that."
"But it seems..." Tila lumubog ang puso ni Audrey. "It just seems too cruel, Mama."
"Don't be too nice in a world filled with monsters or they will eat you alive. Gumising ka, Audrey. Gael is no saint. He's a shark in the business industry. While everyone is busy with the wedding, you and I are going to plan your escape."
Pinagmasdan ni Audrey ang ina. Labis-labis ang takot at pangamba sa kanyang puso—bukod pa sa hindi maalis sa kanyang isip ang mukha ni Gael—ngunit batid niyang kailangan niyang magtiwala sa kanyang ina.
"Yes, Mama. Let's d-do that." Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Kung bakit parang nais niyang makausap si Gael sa sandaling iyon mismo ay hindi niya alam.

Gael Belmonte's Runaway Bride - VanessaWhere stories live. Discover now