Chapter 5

549 12 0
                                    

CHAPTER FIVE

"KUNG maiiyak ako, Audrey, hindi dahil ang ganda-ganda mo sa wedding dress na 'yan—kahit pa maganda ka talaga. Maiiyak ako dahil pinipilit mo ang sarili mong magpakasal sa lalaking 'yon. I told you, I saw him leave the bar two nights ago with another woman."
Hindi umimik si Audrey sa sinabi ni Criselle. Hindi siya masyadong nagkukuwento sa kaibigan tungkol sa sitwasyon ni Gael, maliban sa inamin niya sa kaibigan noon pa na arranged marriage ang mangyayari. Hindi na kailangan pang malaman ni Criselle na mayroon silang usapan ni Gael tungkol sa magiging sistema ng kanilang samahan.
Habang umaandar ang mga araw ay nagiging abala si Audrey sa preparasyon ng kasal, inilagay sa likod ng isip ang mga mangyayari sa hinaharap. She was good at that now, escaping her reality.
"Are you even listening to me, Audrey? Hindi pa kayo naikakasal, nambababae na siya! Will you look at me? Will you please just look at me, Audrey?"
Tumingin siya sa kaibigan, bagaman hindi masalubong ang mga mata nito. "Criselle, it's all right. We've already talked about it."
"About him womanizing?!"
"About the situation. Alam mong corporate marriage ito. It's not like we're in love."
"I know but why are you letting him do this?"
"Hindi mo naman alam kung talagang babae niya 'yon. What if it's a friend?"
"You don't know your fiancé at all then."
"I will talk to him."
"That's the least you can do."
Humarap si Audrey sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Hindi siya ang pumili ng traje de boda kung hindi ang kanyang ina. Kadarating lang niyon mula sa Amerika. It was a Monique Lhuillier creation. Bagay sa kanya ang gown, simple at elegante. Hindi pa man ay may nag-e-e-mail na sa kanyang magazine na nais itampok ang kanyang kasal. It seemed ridiculous to her.
Nagtungo si Audrey sa intercom, tinawagan ang ina sa sala. "Mama, I'm ready."
"Oh, hija, just come down. Magandang masubukan mong ilakad ang traje kahit dito man lang sa bahay nang makita mo kung paano mo 'yan dadalhin sa araw ng kasal mo. I'm very excited! Come down, come down. I will wait for you."
Humarap siya kay Criselle. "She said she wants me to walk around the house wearing this dress."
Tumirik ang mga mata ng kaibigan. "Don't come near her though. She might throw up on you. She smelled of alcohol earlier."
Napabuntong-hininga si Audrey. "Iyon nga ang isa ko pang pinoproblema. Nakausap ko na si Papa noon. Sabi ni Papa wala naman daw problema si Mama. But who are we kidding? She's an alcoholic. She keeps her stash in the basement."
"She does?"
Tumango si Audrey. Nakita niya ang ilang kahon ng alak sa basement nila. Kaya pala kahit itinatapon na niya ang laman ng mga bote ng alak sa bar ay parati pa ring nare-replenish ang mga iyon.
"My father doesn't want to send her to a rehab facility. Minsan ko lang nabanggit, nasigawan pa ako. He keeps insisting everything is okay. Everything is a mess in this house! And my brothers both pretend everything's okay. Maybe I can ask Gael to do something about this."
"Ask Gael?"
"Something tells me they will listen to that man." Kailangang aminin ni Audrey ang bagay na iyon. Para bang magkakatinig lang siya sa kanilang tahanan kapag nagpakasal na sila ni Gael. It was a truth that hurt but it was something that she was too tired to ignore. Kung may mabuting maidudulot ang kasal nila ni Gael, iyon ay ang kaalamang makikinig na ang mga magulang sa kanya.
Lumabas na si Audrey ng silid at sa bukana ng hagdan ay natigilan siya nang makitang hindi lang ang kanyang ina ang naghihintay sa kanya sa ibaba. Naroon din si Gael. The man was looking at her intimately. Their eyes met. Kumabog ang dibdib ni Audrey. Hindi na naalis sa kanyang isip ang kanilang halik. It never happened again, of course, but the memory alone was enough to give her the shivers.
Marahan siyang humakbang pababa ng hagdan, habang si Criselle ang siyang may hawak sa train ng gown. Nang ganap na siyang makababa ay hindi niya nagawang hindi pansinin ang nakalahad na kamay ni Gael. She took it. He kissed her hand and it made her heart pound in her ears. "Lovely. You look very lovely."
"My Audrey is all grown up," sambit ng kanyang ina, namamasa ang mga mata, marahil sa pinaghalong epekto ng alak at emosyon.
"Thank y-you," sambit ng dalaga.
"Isn't this bad luck?" singit ni Criselle sa tipikal nitong mataray na tono.
"Nonsense!" Ang ina ni Audrey.
"I think that is perfect for the dress," wika ni Gael, itinuro ang isang paper bag sa coffee table na kinuha nito at inilabas ang laman. It was a jewelry case. Nang buksan iyon ng lalaki ay muntik nang mapasinghap si Audrey. It was a set of diamond jewelry—necklace and earrings.
"Is that for me?" tanong ni Audrey.
"Of course."
"Try them on, my dear." Ang ina ni Audrey, kinuha ang mga hikaw at sinimulang ikabit ang alahas sa kanya. Gael took the necklace. Nagtungo ito sa kanyang likuran. Halos mapapitlag si Audrey nang lumapat ang malamig na alahas sa kanyang balat. Ngunit hindi iyon epekto ng alahas, kundi ni Gael. His presence was too powerful and how she hated it. Bakit ganoon siya katinding maapektuhan ng lalaking kinaiinisan niya?
Tila nanunudyong dumampi ang palad ni Gael sa kanyang balat. Wala itong pakialam kahit mayroong mga tao sa paligid. Hinaplos ni Gael ang kanyang mga balikat kahit naikabit na nito ang kuwintas.
"It's perfect on your skin, honey," he said and planted a soft kiss on the side of her neck. Muntik nang naipikit ni Audrey ang mga mata upang pigilan ang kiliting nanulay sa kanyang katawan. How dare he! Gayunman, disimulado ang ginawa ng lalaki nang lumayo na ito upang titigan siya. He smiled and said, "Lovely. Just lovely."
"Thank y-you." Naiinis na si Audrey sa sarili. Bakit parati siyang nauutal sa lalaki? He was nothing but a bastard! Kailangan niyang tandaan na hindi siya tulad ng mga babaeng balita niya ay nagkukumahog sa lalaking ito. She was going to be the wife. The decent, headstrong wife. She was going to be everything he did not expect so he had better brace himself or suffer the consequences. "What are you doing here anyway?"
"I invited him over," wika ng kanyang ina. "Well, you better change now. Alam ni Manang kung paano itatago nang maayos ang dress na 'yan bago ang kasal. I will send her to your room."
Agad na nag-about face si Audrey, walang balak magtagal sa pagtitig ni Gael. Nang makarating sa silid ay napansin niyang nakataas ang kilay ni Criselle.
"What?" eksasperadong tanong niya.
"Geez, Audrey, that man is practically stripping in front of you, seducing you, and you are falling for it."
"That's not true," nalilitong sambit niya. Noon may kumatok sa pinto at si Criselle ang nagbukas. It was Gael.
"I would like to have a private word with my fiancée, if that's all right."
Tumingin si Criselle sa kanya, saka tumango at lumabas ng pintuan. Gael closed the door and smiled. "You look beautiful."
"Hindi ba makakapaghintay ang sasabihin mo? I'm still wearing this dress and I need my friend to help me remove this thing." Sinadya niyang lakipan ng kawalang-interes ang pagpapatungkol sa traje de boda.
"Let me help you."
"What? Hey, wait...!" Audrey panicked. But Gael's hand was already on her back. Napasinghap siya nang madama ang init ng kamay nito sa kanyang likod. Ni wala siyang ideya bago ang sandaling iyon na ganoon kasensitibo ang kanyang likod. He planted a soft kiss on her nape. Mukhang nasasanay na ang lalaki sa paghalik sa kanya! "Gael..."
Inabot ni Gael ang kanyang kamay at doon ay isinuot ang isang singsing. "This is your engagement ring."
Halos nakangangang pinagmasdan ni Audrey ang singsing. The diamond on it was at least two carats. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya nakabawi. "You really needn't bother."
"No fiancée of mine will not have a ring."
"I need to dress up, G-Gael. And I really don't appreciate you unzipping me." Sinalubong niya ang mga mata ng lalaki para lang muling yumuko. She was sure he saw her goose bumps.
"Fine." May gumuhit na ngisi sa mga labi nito. "We'll have dinner later."
"We'll have dinner later?" Ayaw sanang makipagtalo ni Audrey habang nakabukas ang likod ng kanyang traje de boda ngunit hindi niya natiis. Hinagip na lang niya ang isang roba at isinuot. "You have to ask me and not tell me."
"Fine. Will you have dinner with me tonight?"
Naalala ni Audrey ang sinabi ni Criselle. Maaari niyang sabihin iyon kay Gael ngayon pa lang ngunit suot pa niya ang traje de boda. "Fine. What time are you picking me up?"
"Six."
Tumango siya, ayaw tumingin sa mapapangasawa. Lumapit si Gael sa kanya, napaatras siya. "What are you doing?"
"Are you scared of me, my lovely?"
"Of course not!" Hinarap niya si Gael, itinaas ang mukha. "I just don't like to be touched, that's all."
"Then I suppose you will hate me more because I'm going to kiss you."
Napasinghap na lang si Audrey nang kabigin siya ni Gael at hagkan sa mga labi. She was lost. Hopelessly lost. Marahil totoong ang unang halik ay mayroong kakaibang tamis, may magic. Or maybe since it was their second kiss, kisses were always magical. Natagpuan ni Audrey ang sariling tumutugon sa halik, mabilis na natutong sumabay sa bawat galaw ng mga labi ni Gael. Soon, his tongue gently explored her mouth. It was a very intimate experience that Audrey stiffened. Naalala niyang bigla na hindi niya gusto ang lahat ng ito at naunawaan niyang nakakapit siya sa mapapangasawa na para bang nasa isang romantikong pelikula sila.
"How dare you!" Audrey said, embarrassment sinking in quickly. Nag-init ang kanyang buong mukha, agad na naunawaang tunog-ipokrita ang kanyang nasabi. "Please, Gael, stop kissing me, for God's sake."
"Why? I love kissing you. And you have to admit, you love, it too."
Paano maitatanggi ni Audrey ang isang bagay na batid niyang maglalantad ng kanyang kasinungalingan kung gagawin niya? "I'll see you later, Gael."
Dinampian nito ng halik ang gilid ng kanyang mga labi. Napapitlag siya sa kuryenteng hatid niyon. Wala nang sinabi ang lalaki, pumihit na at lumabas ng silid. Pabagsak na umupo si Audrey sa kama, napabuntong-hininga, saka natutop ang mga labi. It felt thick, almost swollen. How long did they kiss? Long enough for her to lose her senses, apparently.
Pumasok nang muli si Criselle at tinulungan siyang makapagbihis. Nagpaalam na rin ang kaibigan, kung mayroon mang isipin tungkol kay Gael ay sinarili na lang at hindi sinabi sa kanya. Si Manang na ang nag-ayos ng traje de boda. It was four in the afternoon. Binuksan ni Audrey ang kanyang closet at naghanap ng magandang isusuot para sa dinner nila ni Gael.
I can't believe I'm doing this, sa isip-isip niya. Bakit pinaghahandaan niyang maigi bigla ang pagkikita nila? Isa lang iyong hapunan! Sa huli ay isang emerald dress ang kanyang napili. Sleeveless iyon, mababa ang neckline. She wore her stilletos. Alas-sais impunto, nasa bahay na nila si Gael. Lumakad na sila. May driver ang lalaki.
"You look great," komento nito.
"Thank you."
"I would like to kiss you."
Bigla napapihit si Audrey kay Gael, bahagyang umisod sa upuan. "Oh, shut up!"
He roared with laughter. "How long can you resist me, hmm, Audrey?"
Hindi siya umimik. Naging isang hamon pa yata kay Gael ang lahat. Muling nakadama ng inis si Audrey. He was teasing her when he was also dating other women. Mamaya sa restaurant ay titiyakin niyang mapapahiya ang lalaki. Hindi siya makapapayag na mapahiya sa ganoong paraan. Ilang socialite ba ang narinig niyang nagsilbi na lang doormat sa mga asawang babaero, pinag-uusapan ng mga kaibigan at kakilala? She will never allow that to happen to her.
Nang makarating sa isang deluxe restaurant ay pinabayaan ni Audrey na alalayan siya ni Gael papasok. Sa isang tagong puwesto sila umupo. Pagkatapos nilang um-order ay sinabi na ni Audrey kay Gael ang laman ng kanyang isip.
"My friend saw you in Mandingo two nights ago," tukoy niya sa isang kilalang bar ng mga elitista. "She saw you leave the place with a woman in tow."
"Ah... Yes, she's a friend."
"I don't care who that woman is, but I'd appreciate it if you don't do it again. Ayokong pag-usapan ako ng mga tao sa ganoong paraan, Gael. Am I making myself clear?" Kung sana malalaman lang ng lalaki na ganoon na lang ang tibok ng kanyang puso. There was something about the way he stared at her that unnerved her. Tila ba nagagawa ng lalaking basahin ang kasulok-sulukan ng kanyang isip.
"I'd appreciate it if you'd stop listening to other people and believe me when I tell you someone's just a friend," deretsong tugon ni Gael.
"People think she's, you know, your girl," giit ni Audrey.
"I've never lived my life to please other people, Audrey. It's not my fault if they think I'm fooling around just because they saw me leave a bar with a woman. It's hard to live your life walking on eggshells just because you're afraid people might talk behind your back. I'm telling you now, Audrey, I will not even try to please any uninvited audience. Please do not insist that I do."
Napalunok si Audrey. May punto si Gael. Gayunman ay kailangan niyang igiit, "I will insist, however, on discretion. If in case you plan to... you know."
"Agreed."
Wala man lang pagdadalawang-isip, ni hindi nagtangkang magkaila ng lalaki. Sa loob-loob ni Audrey ay nais niyang sumigaw ngunit talo siya kung gagawin niya iyon. Kailangan niyang matutunang tanggapin ang katotohanang iba ang magiging sitwasyon nila. Kailangan niyang tingnan ang positibong mga bagay na dulot ng pagpapakasal sa lalaki.
"I want to open a bakeshop, cake shop, or café when we're married," aniya, hindi na nagpatumpik-tumpik. Parang may kumurot sa isang sulok na bahagi ng kanyang puso—na kailangan niya ang isang tulad ni Gael upang maituloy ang kanyang plano.
"A bakeshop?"
"Yes. I'm a good baker."
"We'll talk about that after our wedding."
Halos mapanganga si Audrey kay Gael. Aminado siyang hindi niya iyon inaasahan. "It's not a big deal. I will not ask anything of you, except a loan."
"A loan? How much?"
"I don't know. Maybe three million pesos will be enough."
Noon dumating ang kanilang in-order. Nakatingin lang siya sa mapapangasawa. Blangko ang mukha nito at mayamaya ay sinabi, "We'll talk about it when after our wedding, Audrey."
Bastard! she thought. She was so mad she wanted to cry. Gasino lang ba ang tatlong milyon para sa isang tulad ni Gael? It was nothing, nothing at all! Baka bonus lang iyon ng isang executive ng binata! And yet he was denying her of it?! Wala ba siyang halaga sa lalaki, tulad ng kanyang ama na parating pag-uusapan daw ang nais niya kapag may oras na. Ilang taon na ang lumipas, ngunit wala pa ring oras para makinig sa kanya ang ama!
Napahiya si Audrey. Umasa siyang mapagbibigyan siya ni Gael. After all, it was a very small amount and it will not hurt their so-called would-be marriage. But no, he had to refuse; he had to place her small request in the back burner. Just like her father.
"Why can't we talk about it now?" giit ni Audrey, hinahamon ang lalaki.
"Because I don't want you to be too preoccupied by the idea right now. Ilang buwan na lang, ikakasal na tayo. After the wedding, we'll talk about it."
Naiba lang ang bihis ng alibi pero alibi pa rin iyon katulad ng sa ama. Sa sandaling iyon naunawaan ni Audrey na ipapasa niya ang buhay sa isang tulad din ng kanyang ama at wala siyang magagawa kailanman upang mabago ang katotohanan. Marahil pagkalipas lang ng ilang taon, tulad na rin siya ng kanyang ina na walang ginawa sa araw-araw kundi ang uminom ng alak.
"Do you like Paris?" tanong ni Gael.
"Yes," wala sa loob na wika ni Audrey.
"Then we'll go there for our honeymoon. Would you like that?" Ngumiti si Gael, isang ngiting noon lang nakita ni Audrey sa lalaki. The fondness in that smile seemed genuine. Dahil ba tumahimik na siya sa paggiit tungkol sa bakeshop? Maybe.
"Yes, Gael. I would like that."
"Maybe we can stay for two months there."
"That will be perfect," sambit ni Audrey, ngunit sa isip ay agad nagkuwenta ng gagastusin nito sa dalawang buwan nila sa Paris. If they flew first class—which they would, obviously—and stayed in deluxe hotels, it was going to be worth more than three million pesos. What a jerk.
"Cheer up. We'll discuss the bakeshop after the wedding, I promise you."
"Thank you," ani Audrey. Same old promise, different person.

Gael Belmonte's Runaway Bride - VanessaWhere stories live. Discover now