Chapter 15

569 10 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

"WALA pang customer?" tanong ni Audrey sa cashier nang makapasok sa office. Nakangiti siya. Alas-dos ng hapon at sa ilang linggong pag-o-operate ng Audrey's ay kalimitan nang alas-kuwatro sila dinadagsa ng mga parokyano. Higit pa sa inasahan niya ang naging pagtangkilik sa Audrey's. Bukod doon, na-feature agad sila sa isang sikat na morning show. Ilang sikat na blogger din ang nagbalita sa Internet na isa sila sa may pinakamasarap na dessert sa buong Kamaynilaan.
"Isa pa lang, Ma'am. Ang guwapo!"
Natawa si Audrey, saka iniabot ang pera mula sa kahera. Pinalitan niya iyon ng baryang panukli. "Guwapo ba talaga?"
"Super! Parang si Sir Ryan pero barako. Ganoon ang mga gusto ko, Ma'am, 'yong parang suplado."
"Baka naman puro regular coffee lang ang gusto at puro refill? Alukin mo ng cake."
"Ay, inalok ko na, Ma'am. Nag-take out. Lahat ng mini-cakes."
"Talaga? Bigyan mo ng free macaroons."
Nakangiting tumango ang kahera saka lumabas. Tinapos na ni Audrey ang market list, saka nagpasyang lumabas. Anong pagkabigla niya nang makitang nag-iisa nga ang customer at iyon ay walang iba kundi si Gael. He was sitting on a couch, reading a magazine. The man was wearing a suit. Marahil galing ito sa opisina. Parang tinambol ang kanyang dibdib sa sobrang kaba.
"Ma'am, natulala kayo? Sabi ko sa inyo guwapo, eh!" bulong ng kahera, kinikilig.
"A-anong oras siya dumating?"
"May isang oras na siya rito, Ma'am. Sana naman walang hinihintay na ka-date!"
"Hindi nagtatanong tungkol..." Hindi naituloy ni Audrey ang sasabihin dahil tumingin sa kanya si Gael. Their eyes met. Nang tumango ang lalaki sa kanya nang may tipid na ngiti sa mga labi ay napatango na rin siya. She uttered a silent "Hello."
Bakit kailangan pang magpunta roon ni Gael upang guluhin ang kanyang mundo? Back to zero na naman siya pagkakita pa lang sa binata. Parang nawala ang puhunan niya. Inakala niyang nakaka-recover na siya, ngunit isang sulyap pa lang kay Gael, nanumbalik na ang lahat ng damdaming inakala niyang kahit paano ay nakakalimutan na niya.
Tumayo si Gael at naglakad papunta sa kanya. Natensiyon si Audrey, hindi malaman kung ano ang ikikilos. Nang ganap nang makalapit sa kanya ang binata ay muli itong ngumiti nang tipid at nagtanong. "How are you?"
"I-I'm g-great. You?"
"I'm okay."
"Are you waiting for s-someone?"
"No. I just need to pass the time. I hope you don't mind if I stay?"
"No. Not at all. P-please. Coffee's on the house."
Sa isang sulok ng puso ni Audrey ay para siyang tinutusok ng aspile. Ganito na ba talaga kalawak ang agwat nila ni Gael? It was as if they did not share something great. It was as if what happened to them a few months ago was only a dream. Didn't she melt in his arms? Didn't their bodies become one? Didn't she give him access to learn about her intimate details? Now they were strangers. And it was killing her.
"Thank you."
"Oh!" bulalas niya. "I almost forgot. I'll be right back." May pagmamadali siyang pumihit at halos mabangga ang kaherang hindi pala umalis sa kanyang tabi at nakatitig kay Gael. Hindi na lang niya pinansin ang babae at tumuloy sa opisina, kinuha ang kahitang naiwan ni Gael nang huli itong nagpunta roon. Itinago niya ang card, ngunit iniwan ang singsing sa lalagyan.
Nang lumabas siya ay nakabalik na si Gael sa couch kaya doon siya nagpunta. Ipinatong niya ang kahita sa coffee table. "You left this the last time you were here. Pasensiya na kung hindi ko agad naibalik."
Tumango si Gael, kinuha ang kahita at inilagay sa bulsa ng amerikana. "Thank you. Would you like to sit down?"
"No. N-not really. Did you come from the office?"
"Yes."
"In Makati?" Medyo malayo na ang main office ng kompanya ng pamilya Belmonte sa kinaroroonan ng coffee shop. Nasa Tomas Morato ang Audrey's.
"No. I came from my new office, just a few blocks away."
"Oh, really? Where?"
"Imperial Building. You know the place?" Tumayo si Gael, marahil nailang na nanatili siyang nakatayo. He was a gentleman.
"Please, sit down. Yes, I know the place." Naupo na rin si Audrey upang umupo ito. "Sa mismong Imperial Building? Hindi ko alam na nabili na ninyo 'yon."
"No." Bahagya itong ngumiti, kasabay ng isang banayad na pag-iling. "I leased the fifteenth to twentieth floors."
Nabigla si Audrey. "Lease? How come?"
Noon tumunog ang wind chime ng pinto at paglingon ni Audrey ay nakita niya si Ryan. Ngumiti ang lalaki sa kanya, bagaman nabura din iyon nang makita si Gael. Ryan did not like Gael. Parati raw siyang pinaiiyak ng lalaki. Agad tumayo si Audrey at nagpaalam na sa binata. "Thanks for having coffee here."
"You're welcome, Audrey."
Tumuloy na siya sa opisina, kasama si Ryan. Agad itong nagtanong. "May kailangan daw ba siya?"
"Wala naman daw."
"I wish he would just let you be."
"Nagpapalipas lang daw siya ng oras."
"Sa lahat ng lugar na puwedeng paglipasan ng oras ay dito pa siya nagpunta."
"Maayos naman ang usapan namin."
"And how do you feel now?"
Napalunok si Audrey. How did she feel? Miserable. Kung maaari lang ay nais niyang burahin ang kanyang alaala at alisin na roon si Gael nang sa gayon ay hindi na siya mangulila sa binata. O marahil mas maganda kung mabubura niya ang isang bahagi ng isip ng lalaki, ang bahagi kung saan nais nitong gamitin siya sa pagganti sa ama. Ngunit ang bagay na iyon ay imposibleng mangyari. "I'm okay. Are you hungry?"
"Yes."
"Let's go into the kitchen."
Lumabas silang muli ng opisina at nang mapasulyap sa puwesto ni Gael ay nakita niyang wala na roon ang lalaki. Napatingin siya sa kahera nang sabihing, "Wow, isang libo ang tip na iniwan, Ma'am. Friend pala ninyo si Sir Guwapo. Big tipper, Ma'am. Sana araw-araw siya pumunta rito!"
Sa loob-loob ni Audrey, nahiling niyang sana nga. Dahil nais pa niyang makitang muli ang lalaking minsan ay tinakbuhan sa simbahan.

ILANG minuto bago mag-closing, kung kailan nagbibilang na ng sales si Audrey, ay saka pumasok sa kanyang opisina ang kahera. "Ma'am, kapapasok lang po ni Sir Gael!"
"Nandiyan siya?" Agad siyang napatayo. Alam na nito, maging ng lahat ng tauhan sa Audrey's, kung sino si Gael sa buhay niya. Isa sa mga kusinera niya ay alam ang kanyang kuwento mula sa pagbabasa ng magazine.
"Opo, Ma'am! Ang guwapo talaga!"
"Hinanap ba ako?"
"Hindi naman po."
Bahagyang tumango si Audrey at muling umupo. Gustong-gusto niyang lumabas ngunit nangangamba siyang baka iba ang maging ipakahulugan ni Gael. Kung nag-oobserba ito ay tiyak na nakita ng binata na pumasok sa kanyang opisina ang kahera. Nahiling niyang sana ay mayroong one-way mirror ang opisina, nang sa gayon ay maaari niyang titigan si Gael hanggang gusto niya.
Nagpalipas si Audrey ng ilang minuto saka lumabas. Napatingin siya kay Gael na noon ay nagbabasa ng magazine. Nahiling niyang sana ay mapatingin ito sa kanya, nang sa gayon ay may dahilan siya upang lumapit. Ngunit nanatili itong nagbabasa.
Look at me and smile, invite me over. Please?
Tila narinig ng lalaki ang kanyang pakiusap sapagkat lumingon ito at tumayo. "Hello," he said, with a small smile on his lips.
"Hi." Ganoon na lang ang pagbilis ng pagtibok ng kanyang puso. Mabilis ang naging paghakbang niya papunta sa binata. How she missed him. "How are you?"
"I'm okay. You?"
"I'm okay."
Marahil isang minuto lang silang nanatiling nakatingin sa isa't isa. "Please, sit down. Or are you busy?"
"I'm not busy. Have you tried our latest specialty?"
"No. Not yet." Nanatiling nakatingin sa kanyang mukha ang lalaki, hindi nagbaling ng tingin sa counter kundi nanatili lang ang mga mata sa kanya. Bahagya siyang nailang. "What is it?"
"It's called Chocolate Soufflé Perfection. Does it sound corny?"
Nabahiran ng ngiti ang mga labi ng lalaki. "Not at all. I would like to try it."
"It takes forty-five minutes to make though. It's fresh."
Sinipat ni Gael ang relo. "You close by eleven, right? It's eleven-five."
"If you want to try it, we can make it for you." Please don't leave yet. Damn me for reminding him of the time.
"Are you sure?" kunot-noong tanong ng binata habang nakatingin sa mga unipormadong cook na nagpalit na ng pang-itaas bagaman ang pang-ibaba ay nanatiling checkered black and white pants. Walang pakisama ang mga cook niya.
"I can make you one," ani Audrey. Umasa siyang hindi masyadong halata ang pagnanais niyang manatili ang binata. "But if you're busy—"
"No. Of course not. Let me help you make it."
Noon nagpaalam ang kanyang mga tauhan. Maging ang kahera ay nagpaalam na rin. Pinatay niya ang ilang ilaw sa café, bagaman iniwang nakabukas ang malamlam na liwanag sa tapat ng puwesto ni Gael. Hinila na pababa ng tauhan ang roll-up door sa labas, bagaman iniwan ang isang section na tumatakip sa pintuan.
Nagpunta na sila ni Gael sa kusina. Kung malalaman lang ng binata kung gaano katindi ang kanyang pananabik, marahil ay matatawa ito. She sent him away and yet here she was, almost dying for just a moment with him.
Naglabas ng ramekin si Audrey at ipinatong iyon sa sheet pan. May soufflé work station siya kaya hindi na mahirap ang proseso. Pinahiran niya ng butter ang sisidlan, saka iyon nilagyan ng asukal. Nagsimula siyang magbasag ng itlog at salain ang egg whites. Bigla, parang nais niyang maluha. Hindi siya tumitingin kay Gael dahil nangangamba siyang baka nakakunot na ang noo nito. Hindi nagsasalita ang lalaki na nakadagdag sa tensiyong kanyang nadarama.
"Are you all right?" tanong nito mayamaya.
"Yes. Of... of course. Why?"
"Your hands are trembling."
"Pasmado lang."
Patuloy si Audrey sa paggawa ng soufflé hanggang sa kinailangan na niyang tunawin sa double boiler ang tsokolate. "So... how have you been, Gael? Naalala kong sinabi mo noong nakaraan na nasa Imperial Building ang bago ninyong office? Ano 'yon, bagong office? Maybe a satellite office?"
"No. It's a new office. I left the old one."
Nagtaka si Audrey. Higit na malaki ang gusaling pag-aari ng mga Belmonte sa Makati, kompara sa Imperial Building. At limang palapag lang noon ang nirerentahan ni Gael. Hindi kaya at nalugi na rin ang negosyo ng mga Belmonte? Maybe they wanted the merger to save their company as well? O baka biglang nag-crash ang stocks ng pamilya Belmonte? "I hope everything's all right?"
"Everything's fine, Audrey."
"Are you sure?"
"Yes."
Para siyang nakahinga nang maluwag. Kung ganoon, sa Imperial Building na talaga mag-oopisina ang lalaki? Nagtanong siyang muli. "Araw-araw kang nasa Imperial Building?"
"Yes. But I think I'm going on a vacation. I'll be gone for a while."
"I see." Gustong-gustong itanong ni Audrey kung kailan ito babalik, nang sa gayon ay hindi na siya dadaan sa Imperial Building tuwing umaga. Higit na malayo ang iniikutan niya araw-araw mula nang malaman niyang doon na nag-oopisina si Gael. She knew it was foolish, but to her heart it was not. Nahiling niyang sana ay higit pang impormasyon ang sabihin ni Gael.
Nagpatuloy si Audrey sa paggawa ng soufflé hanggang sa maisalang na iyon. It will be ready in fifteen minutes. "So... when will you be back from this vacation?"
"I'm still not sure, actually."
"What do you mean? Hindi ba kailangan ka sa kompanya?" Hindi na nakatiis si Audrey. Gaano katagal itong mawawala? Bakit parang binalot ng kaba ang puso niya? Sa paraan ng pagsasalita ni Gael ay parang taon ang bibilangin bago ito uuwi ng bansa. "Is it going to be a business vacation or...?"
"Nope. I just want to take some time off to relax, I guess."
"That's... that's always good." Humanap siya ng ibang taktita. "Too bad the company requires you to be in the office every day. So, baka mamaya, isang araw ka pa lang na nagbabakasyon may tumawag na sa 'yo at pinababalik ka na." Hopefully? Please?
Tipid na ngumiti si Gael, isang ngiting tila nagpapahiwatig ng kapaguran. "I don't think so, no. I can handle my company from afar now. There's the Internet to help me with that. I also hired a trusted fellow, and my mother is going to be working there, too."
"Your mother?" Bagaman ilang ulit nang nakaharap ni Audrey si Mrs. Belmonte ay batid niyang hindi ito ang uri ng magulang na pang-opisina. "You father allowed her to work in your office?"
"She doesn't need my father's approval. She used to work for my father before they got married so she knows a lot about office work. I'm hoping it wouldn't be too taxing for her. She doesn't need to go there everyday though. Ang sabi ko sa kanya, 'wag na siyang magpakapagod pa at sumama na lang sa bakasyon ko, pero sabi niya na-miss daw niyang magtrabaho. So there you go."
"Is everything all right?"
"Yes. Of course."
"Ang sinasabi mo, may posibilidad na baka taon kang mawawala, ganoon ba?" tumatawang tanong ni Audrey upang pagtakpan ang biglang paglubog ng puso. "Parang hindi realistic, Gael. Kilala kita. Workaholic ka."
"It will be refreshing to work in front of a beach, I imagine."
Oh, God! Talagang balak nitong umalis nang matagal! Nag-panic si Audrey, hindi malaman kung ano ang sasabihin. Bakit bigla-bigla naman yata ang plano nito? Dahil pa rin ba sa naging pagtatalo nito at ng ama?
"You're doing very well. I'm glad," ani Gael. "This is a nice kitchen, similar to the one you had in the farm."
"Yeah. Siguro ilang buwan pa, puwede na rin akong magbakasyon na tulad mo. Wala kang idea kung saan ka pupunta? Puwede akong magrekomenda ng lugar. Why not try Palawan?"
"My mother gave me tickets to go on a Carribean cruise."
Lalo nang nanlumo si Audrey. Carribean cruise, napakalayo at hindi maaaring basta puntahan. Hindi maaaring lumapag ang eroplano sa gitna ng laot para masalubong niya ang cruise ship na kinaroroonan ni Gael. Ngunit bakit niya naman gagawin iyon?
"Mag-isa k-ka lang?"
"Yes. Listen, can I ask you something?"
"Sure."
"Are you happy?"
"W-what?"
"Is Ryan making you happy?"
"Y-yes. Why?"
Tumunog ang timer ng oven ngunit hindi iyon pinansin ni Audrey, nanatiling nakatingin sa mga mata ni Gael.
"Kailangan ko lang marinig. I think the soufflé is ready."
"What? Oh." Tulirong binuksan ni Audrey ang oven at inilabas ang dalawang ramekin. Perpekto ang pagkakatindig ng soufflé. "It's done."
"Puwede bang iuwi ko na lang? Mag-eempake pa kasi ako."
"O-of course." Kumuha si Audrey ng paper bag at maayos na inilagay doon ang dalawang ramekin. "It's on the house."
Lumuwang ang pagkakangiti ni Gael. "Paano ka kikita kung parating libre ang paninda mo?"
I can make a thousand soufflés for you, Gael. Maybe even a million.
"A lecture from one of the best businessmen in Asia. I will keep that in mind. 'Yan na ang huling libre mo sa akin."
"Then I'll take it. You take care now, Audrey. It's been a pleasure knowing you."
"The pleasure's all m-mine."
Matagal na nagtama ang kanilang mga mata hanggang sa abutin ni Gael ang kanyang kamay, pinisil, saka marahang hinagkan. "You're the most beautiful person I was fortunate enough to know."
Pinakawalan ni Gael ang kanyang kamay saka pumihit. Naipon sa lalamunan ni Audrey ang mga salita na hindi na lumabas sa kanyang mga labi hanggang sa tuluyan nang makalabas ang binata. Pinagbigyan niya ang sariling umiyak, hungkag na hungkag ang kanyang dibdib.

Gael Belmonte's Runaway Bride - VanessaWhere stories live. Discover now