KEEP ME, FOREVER

20 1 0
                                    

[ KEEP ME, FOREVER ]

They say, true love is rare to find at the young age. Hence, when you have it, keep it.

What if you already have it, keeping it all the way but you are running out of time?

My name is Cloe. I met him, Renzo, when I was 16, and he's 18.

Everything between us started, 27th day of July, 2018. Noong nagkayayaan ang mga kaibigan kong maligo sa hidden falls 'di kalayuan sa barangay namin.

I was almost drawned that time when all of a sudden, he came and saved me.

Tulad namin, nasa lugar din siya kasama ang mga kaibigan niya.

"Next time mag-ingat ka . . ." that was the first word I heared from him.

Hindi ako naka sagot noon dahil sa matinding kabang naramdaman.

Nalaman kong same school pala kami noong pareho kaming natanggap sa audition ng banda sa school, at dahil doon naging magkaibigan kami.

After the audition, napadalas ang practice namin dahil sa sunod-sunod na event ng school, kaya mas naging malapit kami sa isa't isa, hanggang sa sobrang naging close kami.

"P’wede ba kitang ligawan?" hinding hindi ko malilimutan ang araw nang itanong niya iyon sa akin.

Hindi ako nagdalawang isip na pumayag dahil unang kita ko palang sa kanya noon, alam kong gusto ko na siya.

After a month, from being friends, we became lovers. Naging madali sa amin ang lahat dahil nagsimula kami bilang magkaibigan.

Yung relationship na meron kami, hindi lang puro sweetness kaya rin siguro hindi kami nape-pressure.

Pinili naming huwag maglihim at tinanggap namin ang kahinaan ng bawat isa sa amin.

Sa araw ng 18th birthday ko, yun din ang araw na pinakilala namin ang isa't isa sa pamilya namin. Masasabi kong swerte kami dahil suportado nila ang relasyong meron kami.

Kasali siya sa 18 escort ko at siya rin ang pinaka huling nagbigay ng message sa akin.

Niregaluhan niya ako ng guitara, with his initials. No word could define how happy I am that day.

After 3 precious years of being together, napansin namin ang kakaibang pagbabago nito.

Gano'n na lang kadali kung magalit ito kahit sa maliliit na bagay. Madalas nitong makalimutan kung saan niya nailalagay ang mga gamit niya. Even special dates, nalilimutan niya madalas.

Akala namin normal lang ang lahat ng 'yon kaya minabuti na lang namin na intindihin at huwag nang patulan everytime na nagkakagano'n siya.

One time, nag-chat ito sa akin na susunduin daw niya ako sa school after class since magka-iba na kami ng school na pinapasukan no'ng nag-college na kami.

Ginabi na ako sa paghihintay sa kanya pero ni anino nito ay walang dumating. Tinawagan ko siya at nalaman kong nasa bahay namin siya, hinihintay daw ako.

Gusto kong umiyak sa inis kasi wala raw siyang maalalang sinabi niyang susunduin niya ako. Ilang oras akong naghintay. Umulan pa no'ng saktong gumabi.

Hanggang sa dumating yung araw na hindi ko inaasahan. Sa kalagitnaan ng exam ko, paulit-ulit nagba-vibrate ang cellphone ko. Bawal 'yon kaya kailangan ko pang makiusap sa prof namin masagot lang ang tawag.

"C-Cloe, n-nak . . . Si R-Renzo . . . Tinawagan ako ng kaibagan niya, sinugod d-daw nila sa hospital . . .  A-ang daming dugo sa ilong niya . . . Sabi niya k-kanina masakit daw ang ulo niya . . ." my world literally stoped the moment I heared his mom's trenbling voice.

Umiyak at halos lumuhod ako sa prof ko noon payagan lang akong lumiban sa exam. Nawalan ako nang pakealam sa paligid kahit halos lahat ay nasa akin ang paningin. Tinakasan ako nang lakas sa katawan pero pinilit ko ang sarili mapuntahan lang siya nang araw na 'yon.

Kung akala ko ay masakit na ang marinig na nasa hospital ito, nalaman kong may mas hihigit pa pala sa sakit na 'yon nang i-anunsyo ng doktor na may brain tumor ito. Kaya pala gano'n na lang ang pagbabago niya. The worst is, malala na raw ang kundisyon nito dahil hindi naagapan.

Galit ako sa sarili ko dahil pa'no ko nagawang ipagsawalang bahala yung mga bagay na napapansin kong pagbabago niya. Anong klaseng girlfriend ako?

Hindi kami nawalan ng pag-asa. Ipinagamot namin si Renzo. Sa ilang buwan ay parang ginawa na naming bahay ang kuwarto nito sa hospital kung saan siya na confine.

Sa bawat araw na lumilipas ay palala nang palala ang kundisyon nito. Umabot na sa puntong ayoko na lang mag-aral at manatili na lang sa tabi niya dahil may mga times na kapag aalis ako, pagbalik ko hindi ako nito naaalala. Kailangan pa siyang patulugin tapos makaka-alala na lang kapag nagising ulit.

Paano kung tuluyan na nga niya akong makalimutan? Naiisip pa lang ay hindi ko na kaya.

Sa kalagitnaan ng pagtulog ay naramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko dahilan upang magising ako.

"Love . . . May problema ba? Masakit na naman ba ang ulo mo?" I gave him a worried look.

"Gusto ko lang panoorin kang matulog." ngumuti ito na para bang walang iniindang sakit.

"Magpahinga ka na . . ."

"I want to sing a song for you . . . Can I?" bago ko pa ito masagot ay inabot na niya ang guitara sa tabi ng hospital bed nito.

He started strumming the guitar. Kita kong hirap na ito but he's tryng. Ganoon na lang ang pagsikip ng dibdib ko nang simulan nito ang pagkanta. Kasabay nang malamig na boses nito ay walang katapusang pagbalik ng mga masasayang alaala namin. I cried. We both cried that night.

Mahigpit ko itong niyakap.

"N-natatakot ako . . . A-ayokong matulog b-baka p-paggising ko h-hindi na kita maalala . . . Your name is my s-strength, l-love . . . A-ayokong makalimutan ang Cloe . . . I'm k-keeping myself up because I want to stare at your face all the time. I want to memorize every inch of it, so it could be hard for my brain to forget you." umiiyak na anito, bakas ang hirap sa boses dahilan upang mas lalo akong maiyak.

"Shh . . . K-kakayanin natin. Kung s-sakaling makalimutan mo ako . . . Hinding-hindi ako mapapagod na ipaalala ang sarili ko sayo."

"I'm s-sorry kung pabigat ako sayo—" I cut him off.

"No. You're not. Don't say that again, please." I let go from the hug bago punasan ang mga luha nito. "Matulog ka na. You have to rest." I added.

"Can I have a kiss for my good night?" kahit anong pilit nitong ngumiti ay bakas parin ang paghihirap at kalungkutan sa mga mata nito.

Sobrang hirap para sa akin na makita siya sa ganoong kalagayan. Kung puwede lang na hatian ito sa sakit na nararamdaman niya ay ginawa ko na sa simula pa lang.

"I love you." I said after giving him a peck into his lips.

"I love you. Good night, love." muli itong ngumiti bago tuluyang pumikit.

Kinabukasan. Yun na siguro ang pinaka masakit na araw sa buong buhay ko.

I hate sunrise because it always reminds me the day he left us.

Kung alam ko lang na iyon na pala ang huli, sana sinulit ko na. Sana hindi ko muna siya pinatulog nang gabing iyon.

Years had passed. Pero yung sakit sobra parin. Hindi ko parin matanggap at hindi ko alam kung kailan ko matatanggap.

Today is the day we're supposed to celebrate our 5th anniversary. I silently sat beside his grave's headstone and trace each letter of his name in it.

I can feel the breeze of the cold air on my skin as I strum my favorite guitar, the one he gave me at my 18th birthday with his initials engraved in it. I slowly sing our favorite song that we used to sing when he's still alive.

I know you're now in a safest place, love. No more pain.

If reincarnation really exist, I wish to meet you in our next life, so we can be together again.

For now, thank you for all the memories that I can keep, forever.

——

written by : Tres Nosus
Open for criticism.

 ONE SHOT STORIES Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum