I MET HER AFTER YEARS

5 2 0
                                    

[ I MET HER AFTER YEARS ]

“Teo?” napalingon ako nang may tumawag sa'kin.

“Monica . . .” wala sa sariling bigkas ko ng makita ang babaeng minsan ko ng minahal.

“Kamusta na?” tanong nito na may pag-aalinlangang ngiti.

“Mabuti naman,” sagot ko at tuluyang humarap sa kan’ya.

“Anong ginagawa mo dito?” muling tanong nito na tila ba nagtataka kung bakit nasa labas ako ng pinto ng womens comfort room.

“May hinihintay lang,” isinenyas ko pa ang pinto. “Ikaw, kamusta na?” naka ngiti kong tanong.

“Doing great! Tagal na nating ’di nagkita, ”

Mapait akong ngumiti matapos marinig ’yon mula sa kaniya. Ibang-iba na ito kumpara sa dating Monica, na nakilala ko.

Mas gumanda at elegante itong nasa harap ko. Ngalang ay wala akong nakikitang saya sa mga mata nito na s’yang meron ang dating Monica.

“Talaga, babe!? Magiging daddy na ’ko?” tuwang-tuwang paniniguro ko matapos nitong ibalita noon na buntis s’ya.

“H-hindi ako ready, Teo. H-hindi ko p’wedeng ituloy ’to,” parang gumuho ang mundo ko matapos marinig ’yon mula sa kanya.

“A-ano bang sinasabi mo?” hindi maka paniwalang tanong ko.

“Ipapalaglag ko ’to—”

“Nasisiraan ka na ba? Hindi mo p’wedeng gawin ’yan!” pagputol ko sa sasabihin n’ya.

“Alam mo naman yung tungkol sa trabahong in-offer ni Tita sa ibang bansa ’di ba? Hindi ko p’wedeng palampasin yun, Teo!” anito na may namumuong luha sa mga mata.

“Pa’no ang anak natin? Kaya mo s’yang ipag palit sa oportunity na’yon?" hindi ko narin napigilan ang luha.

“Sige. Ipapanganak ko ang bata pero pagkatapos no’n, aalis na’ko.”

Naki usap ako. Umiyak sa harap n’ya. Umaasang maaawa s’ya at hindi na ituloy ang balak pero  nabigo ako.

Katulad nang sinabi n’ya. Umalis s’ya pagkatapos n’yang isilang ang anak namin.

Hindi naging madali sa’kin ang lahat. Pinag sabay ko ang pag-aaral at pagiging ama sa anak namin.

May mga pag kakataon na iiyak na lang ako sa gabi kapag naaalala ang pang-iiwan n’ya sa’min. Kasi kung ako, hindi ko kaya. Mas pipiliin ko nang maghirap, makasama lang sila.

Pero sa kabila ng lahat. Pinili kong kayanin.

“Daddy, tapos na po ako!” napalingon ako sa batang lumabas galing sa pinto ng womens comfort room.

Bakas ang gulat sa mukha ni Monica nang mapalingon din ito.

“Very good naman ng baby girl na’yan!” inayos ko ang buhok ng anak ko bago ito hawakan sa kamay.

“S-S’ya na ba ang a-anak nati—” agad kong pinutol ang kung ano mang sasabihin nito.

“Anak ko.” pagdidiin ko. “Simula nung nagpasya kang iwan kami, naputol na rin lahat kung sino ka man sa kan’ya,” huminga ako nang malalim.

Siguro tama na rin na nagkita kami ngayon para masabi ko na sa kan’ya lahat ng gusto kong sabihin.

“Alam mo ba, nung una palang kitang nakita noon, pinangarap ko ng maging karugtong ng pangalan mong Monica ang apelyedo ko . . .” sabi ko nang may mapait na ngiti sa mga labi habang inaalala ang nakaraan.

“T-Teo . . .” nanginig ang boses nito.

Mula sa kan’yang mga mata ay kita ko ang pamumuo ng mga luha.

“Her name is Monica Dela Cruz. Hindi mo man tinupad sa pangalan mo, tinupad naman ng anak ko sa pangalan n’ya . . .” matapos kong sabihin ’yon ay tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha nito na kanina pa pinipigil.

“U-Umalis ako . . . p-pero hindi ko naman s-sinabi na hindi ko k-kayo babalikan,” anito sa gitna ng pagluha.

“You’re too late, Monica.” binuhat ko ang anak ko bago muling humarap sa kan’ya.

“Salamat sa pang-iiwan mo dahil nahanap ko ang sarili ko. Kung ibabalik man ang nakaraan? Hindi ko na gagawing pigilan ka sa pag-alis kasi dahil doon, nakilala ko yung taong kaya akong panindigan at kaya akong samahan kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan namin.”

Matapos sabihin ’yon ay para bang may nawalang mabigat na pakiramdam sa puso ko na matagal ko ng dinadala.

“Oh, tapos na bang umihi ang baby girl?”

Ngumiti ako sa babaeng may buhat na isang taong gulang na batang lalake na s’yang papalapit sa’min.

“Yes, mommy! Tapos na po!” nakangiting sagot agad ng anak ko.

“Pabalik na rin sana kami sa table natin, love . . .” malambing na sabi ko sa asawa ko bago lumingon kay Monica.

Bakas ang pagkagulat mula sa kan’ya. Pasimple pa itong nagpunas ng luha.

“Kailangan na naming umalis. It’s nice to see you again, Monica.” tanging pagtango lang ang nagawa nito bago kami umalis.

I smiled. Matapos kong pagdaanan lahat ng iyon, masasabi kong may dahilan talaga ang diyos kung bakit inilalayo n’ya tayo minsan sa mga taong mahal natin. In my case. Inilayo n’ya sakin si Monica, noon. Siguro, para makilala ko ang asawa ko ngayon. Para makilala ko talaga yung totoong para sa akin.

@Kwinpen Stories
Plagiarism is a crime

 ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now