LOVE WAITS

3 2 0
                                    

Love waits

"Hindi kaba nag sasawang tingnan ang frame na'yan, Avi? Araw-araw mo nalang tinitingnan 'yan, ah."

"Kamusta na kaya s'ya, Ate? Kailan kaya s'ya babalik?"

"Kung ako sa'yo, kakalimutan ko nalang para hindi kana nalulungkot tulad ngayon. Kung bumalik naman, e, 'di mas mabuti!"

Kung sana gano'n kadaling kalimutan ang taong nakasanayan simula pagkabata. Walang araw na hindi ko s'ya naaalala. Pina sabit ko panga kay mama ang picture frame namin sa pader  para araw-araw ko s'yang nakikita.

"Manong, bakit po nililinis n'yo ang bahay? Babalik na po ba ang may ari?" tanong ko ng minsang may madaanang mga tao sa bahay nila.

"Ay, hindi ko po alam... Inutos lang sa'min na linisin ang bahay."

Tulad ng dati, maraming beses na akong nabigo dahil sa pag aakalang uuwi nanga sila Gavin. Ang childhood bestfriend ko. Gano'n paman ay hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil alam ko tutuparin nito ang pangako n'ya bago umalis.

13 years old ako ng mga panahong kinailangan nilang umalis at s'ya naman ay 14. Nag karoon ito ng sakit. Hindi pangkaraniwang bukol sa ulo na konektado sa ugat ng mata n'ya. Hirap ang mga doktor sa kundisyon n'ya kaya napilitan silang mangibang bansa upang doon mag pagamot.

"Kailan ka kaya magpapakilala ng boyfriend sa'kin, Avi?"

"Ma, sinabi ko naman po sa inyong busy ako sa pag-aaral. Wala po akong time mag-boyfriend..."

"Sus. Ang sabihin mo, wala kang time sa iba dahil busy ka kakahintay doon sa bestfriend mong walang planong balikan ka!"

Kapag sinasabi ni Ate ang tungkol doon ay hindi ko maiwasang masaktan. Ilang taon na ang lumipas. Kung balak n'ya talagang bumalik ay bakit hindi manlang s'ya nag paparamdam sa'kin? Tuloy ay nag tatalo ang asip at puso ko kung papaniwalaan ba ang Ate ko.

Hindi ko rin alam kung 'yun ba ang dahilan kung ba't hanggang ngayon ay hindi ko parin nararanasang makipag relasyon. Ang tanging alam ko lang ay pinanghahawakan ko parin ang sinabi nito bago s'ya umalis. Mag papagamot lang s'ya at babalikan na n'ya ako.

"Avi! May nag hahanap sa'yo!" Sigaw na tawag ni ate mula sa gate namin.

"Rico..." gulat ako ng makita sa labas namin ang isa sa mga kaklase ko. "Anong ginagawa mo dito?"

"Hi. Ahm. Gusto ko lang sanang ibigay 'to sayo..."

Hindi 'yon ang unang pag kakataon na may biglang bumisitang lalake sa'min para bigyan ako ng kung ano mang bagay pero tulad ng mga nauna. Lagi akong tumatanggi. Hindi sa namimili ako pero sadyang hindi ko lang maramdaman 'yung mga bagay na gusto kong maramdaman.

"Avi! May magandang balita ako sa'yo!" tili ni Ate pag pasok palang ng bahay.

"Siguraduhin mo lang na maganda 'yan, ha!"

"Sa susunod na linggo, uuwi na daw ang pamilya ni Gavin!"

Iyon na siguro ang pinaka matagal na linggo sa buhay ko. Sa bawat araw na lumipas ay parang hindi normal ang pag hinga ko.

Dumating ang araw na 'yon na akala ko'y makikita ko na s'ya, pag katapos ng ilang taon. Ngunit gano'n nalang ang panlulumo ko matapos malaman na pamilya n'ya lang pala ang umuwi. Bigong-bigo ako ng araw na 'yon. Hindi ko napigil ang sariling umiyak. Hindi ko iyon pinahalata kila mama dahil ayokong mag alala pa sila.

Kung kailan nawalan na ako ng pag asa, saka ko naman maririnig ang  balitang matagal ko ng gustong marinig.

"Avi! Avi!" hinihingal na tawag ni Ate. Kanina pa ito nagmamadali.

 ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now