APARTMENT

6 2 0
                                    

Apartment

Tagaktak ang pawis ko noon matapos ayusin ang mga gamit sa bagong apartment na nilipatan ko.

"Hi! Magandang hapon. Ikaw ba ang bagong lipat dito?"

Tanong ng babaeng sa tingin koy kaunti lang ang itinanda saakin, pag bukas ko ng pinto.

"Good afternoon. Oo. I'm Jessi." ngumiti ako bago makipag kamay.

"Ah. I'm Monic. Ako ang owner ng bahay na kasunod sayo. If you need something or may itatanong ka, you can knock on my door anytime, ha."

Ilang minuto rin kaming nag usap ni Monic bago ito nag paalam. Naligo ako pag katapos noon. Habang nasa cr ay nakakarinig ako ng boses ng nag kukulitang mga bata sa sala. Baka mga anak ng kapit bahay ko.

Pag labas ko ng cr ay agad nangunot ang noo ko. Walang tao doon. Malinis ang gamit at katulad parin ng iwan ko.

Hindi ako nabahala noon dahil naisip ko na baka pinag titripan lang nila ako dahil alam nilang bagong lipat ako. Siniguro ko nalang na laging naka lock ang pinto ko.

Nag luluto ako noon ng pang hapunan ng muli na naman akong maka rinig ng hagikhikan sa sala. Hindi ko mapigilang mainis. Hindi dapat sila pumapasok basta- basta sa bahay ng may bahay. Hindi ba sila pinag sasabihan ng mga magulang nila? Gabi na pero hindi parin sila nag uuwian. Handa na akong sitahin ang kung sino mang naririnig ko ng matigilan ako.

Walang mga batang nandoon. Pero sigurado akong doon ko naririnig ang mga boses. Ipinag kibit balikat ko iyon at bumalik sa ginagawa.

Sa sumunod na mga araw ay maraming beses pang naulit ang ganoong pangyayare na s'yang ipinag taka ko.

Hanggang isang gabi. Saktong pababa ako ng makita ko sa lamesa ang isang batang lalakeng sa tingin ko ay limang taong gulang. Tahimik nitong kinakain ang grapes na nasa lamesa ko.

"Huli! Akala n'yo, ah. Nasaan ang mga kasama mo?"

Wala itong ka emo-emosyon. Blangko ang mukha nito habang naka titig sa'kin. Hindi s'ya sumagot.

"Saan ka naka tira?" muli kong tanong.

Itinuro nito ang pader kung saan ang kabila nito'y bahay ni Monic.

Tumango ako. "So, anak ka ni Monic?"

Bigla ako nitong tinalikuran at tinungo ang pinto. Walang pasabing lumabas. Hindi manlang nabanggit ni Monic na may suplado pala s'yang anak na lalake.

The next day. Nasa kwarto ako habang nag tuturo online class. Dahil sa tunog ng bola sa sahig ay nadidistract ako. Pumasok na naman siguro ang mga bata.

Agad akong bumaba. Nakita ko iyong batang lalake at sa pagkakataong 'yun ay may kasama s'yang isa pang bata na kamukhang-kamukha n'ya. Pareho rin sila ng damit at sapatos. Iyon din ang soot n'ya noong nakita ko s'yang kinakain ang grapes ko. Tama ang hinala ko. Nag lalaro sila ng bola. I can't help but to smile. They are twins!

"Kids, pwede bang sa labas muna kayo mag laro? May klase pa kasi ako, eh. Balik nalang kayo mamaya, please..." paki usap ko na s'yang sinuklian lang nung isa ng masamang tingin.

Hinila na nung isa ang kapatid n'yang may matalim na tingin sa'kin. Buti naman at mabait yung may hawak ng bola. Sino kaya sa kanila 'yung nakita kong kumakain ng grapes? Nanayo ang balahibo ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Kinagabihan. Paakyat na sana ako para matulog ng muntikan na akong mapatalon sa gulat. Bigla nalang sumulpot sa harapan ko ang kambal. Bakit hindi ko narinig ang pag pasok nila?

"Oh. Bumalik talaga kayo? Bawal ng mag laro, eh. Gabing-gabi na baka hanapin kayo ng mama n'yo..."

"Wala kaming mama dito kami matutulog." Deretsong sabi ng isa.

"Ha? May pinuntahan ba ang mama n'yo?"

Sinilip ko ang bahay ni Monic. Walang ilaw doon. Baka may pinuntahan talaga s'ya. Paano naman n'ya nakakayang iwan ang mga anak n'ya?

"Bakit hindi manlang n'ya kayo hinabilin? Hay, ang mama n'yo talaga. Madalas ba n'ya kayong iwan?"

Lumuhod ako para magka pantay kami pero pasimple akong napa atras dahil sa kakaibang amoy nila. Talaga bang ganoon na kung pabayaan ni Monic ang mga anak n'ya?

Nag habulan ang dalawa paakyat. Naabutan ko silang naka higa na sa kama at hindi manlang inalis ang mga sapatos. Aalisin ko na sana ang mga iyon ng pigilan nila ako. Aalisin ko nalang pag tulog na sila. Balak ko sana silang paliguan pero mukhang pagod na pagod ang mga ito kaya hinayaan ko nalang.

Sa baba ng kama ako natulog dahil hindi na kami kakasya sa kama. Pang isahang tao lang kasi 'yon.

Mahimbing ang tulog ko ng bigla akong nakaramdam ng paninikip ng hininga. Pakiramdam ko ay may naka dagan sa akin at may mahigpit na pumupulupot sa leeg ko. Minulat ko ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang mukha ng isa sa kambal. Naka dagan saakin at ang kamay nito ay nasa seeg ko. Sinubukan ko itong itulak ngunit hindi ko mapantayan ang nakas nito. Nahagip ng mata ko ang kapatid n'yang naka upo sa kama habang pumapalakpak sa tuwa.

"Gusto ka naming maging mama! Sumama ka sa'min!" paulit ulit nitong sigaw na s'yang  nag paramdam sakin ng kilabot at takot.

"Ahh-" hindi ako makapag salita. Pakiramdam ko ay malalagutan na ako ng hininga dahil sa higpit ng pagkaka sakal nito saakin. Ang tanging nagawa ko nalang ay ang mag dasal sa isip.

Biglaan akong napa bangon. Pawis na pawis at habol ang hininga. Panaginip lang pala. Bakit pakiramdam ko ay totoo? Ramdam ko parin ang kamay nito sa leeg ko.

Nang lingunin ko ang kama ay wala ng tao doon. Mataas narin ang sikat ng araw. Baka umuwi na sila. Pag sasabihan ko si Monic. Kawawa ang mga anak n'ya, dapat ay hindi s'ya basta-basta umaalis.

"Goodmorning, Jessi!" pag bukas ko ng pinto ay masiglang mukha ni Monic ang sumalubong saakin.

Binati ko rin ito pabalik. Inimbita ako nito ng breakfast sa bahay n'ya. Siguro ay pag papasalamat sa pag papatulog ko sa mga anak n'ya. Tinanggap ko iyon para makausap ko narin s'ya.

"Nasaan 'yung kambal?" tanong ko ng wala akong makitang kasama n'ya sa bahay.

"Sinong kambal?"

"Yung mga anak mo."

Sumeryoso ang mukha nito at ibinigay saakin ang buong atensyon.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Iniwan mo sila kagabi kaya saakin sila natulog. Anak mo 'yung dalawang batang lalake na kambal 'diba? Monic, hindi sa pinapakealaman kita pero masyado pa silang mga bata para iwan mo basta-basta..."

"Ano bang pinag sasasabi mo? Mag isa lang akong naka tira dito. At mas lalong wala akong anak, Jessi." seryoso ang mukha nito.

Ganoon nalang ang pag gapang ng kilabot sa buo kong katawan dahil sa ninabi n'ya. Kung ganoon kaninong anak 'yung kasama ko kagabi? Nag salita itong muli dahilan ng mas lalong paninindig ng balahibo ko.

"Alam mo bang dating bahay ampunan ang naka tayo dito bago pa ang mga bahay natin? Nasunog daw iyon at hanggang ngayon hindi pa alam ang pinag mulan. May nakaligtas daw pero mas marami ang namatay. Nag paparamdam daw sila sa mga bagong lipat dito na hindi alam ang tungkol sa nangyare noon. Jessi, lahat ng kapit bahay natin puro binata't dalaga na ang mga anak..."

Takot at kilabot ang tanging naramdaman ko sa mga oras na iyon. 'Yung panaginip ko, hindi kaya totoo talaga 'yon?

Nang maalala ko lahat ng kakaibang nangyare sakin sa lumipas na araw na pamamalagi ko sa apartment nayon ay halos maiyak ako. Hindi ko nagawang matulog doon kina gabihan. Nakitulog ako sa kakilala at nag pasama sa sumunod na araw para kunin ang mga gamit. Agad akong lumipat kung saan walang history ng mga nag mumulto.

Napatunayan kong totoo ang kinuwento ni Monic dahil hinanap ko iyon sa internet. Yung batang kambal daw, dapat ay may mag aapon na pero sa kasamaang palad ay nasunog ang bahay ampunan kina gabihan. Hindi ko maiwasang malungkot para sa kanila. Sa panaginip ko ay sinabi nitong gusto nila akong maging mama.

Nabalitaan kong matapos kong umalis ay umalis narin daw si Monic.

@Kwinpen Stories
Plagiarism is a crime

 ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now