ARIYA ELLA

3 1 0
                                    

[ ARIYA ELLA ]

Do you believe in a ghost, or something like that?

My name is Roge. I came from province and I moved here in Manila for my studies.

Maliit lang ang kinuha kong apartment since ako lang din naman mag-isa.

Walking distance lang ang pinapasukan kong school mula sa tinutuluyan ko. Sinadya ko talaga para less gastos.

First day ko sa school no’n kaya inagahan ko ang pasok.

Mula sa tinutuluyan kong apartment ay may shortcut na daanan papunta sa school, pero sabi nung may ari ng apartment 'wag daw akong dumaan doon hanggat maari.

Hindi n’ya nabanggit ang dahilan dahil hindi ko naman na tinanong pa.

Lalampasan ko na sana yung daanan na sinabi n’yang shortcut nang mapa hinto ako.

Walang kakaiba doon.

Napansin ko lang ang maliit at sementong bahay na may malaking puno ng mangga sa tabi nito. Maraming bunga iyon at ang ibang hinog ay nahulog na.

Siguro’y wala ang may-ari dahil nagkalat din ang mga tuyong dahon na halatang matagal ng hindi nawawalis.

Sa punong ’yon ay may naka dikit na upuan na gawa sa kahoy.

Hindi ko alam pero parang may nagsasabi sa’kin na doon ako dumaan, kaya ginawa ko.

Wala naman akong naramdamang kakaiba nung dumaan ako kaya nang umuwi ako ay doon ulit ako dumaan.

Malayo pa ay tanaw na tanaw ko na ang isang babaeng naka upo sa upuang kahoy na nando'n.

Tahimik itong naka tingala sa puno.

Hapon na noon kaya mabilis ang lakad ko.

Nalampasan ko ito nang hindi man lang nag-abalang lingunin ako.

Hindi ko nakita ang mukha n’ya dahil nga naka tingala s’ya.

Ang mahaba at maitim nitong buhok ay malayang isinasayaw ng hangin. Bakas ang dumi sa laylayan ng puti nitong bestida.

Ang ipinagtaka ko, wala itong sapin sa paa ngunit ganoon na lang ang linis no'n.

Sa sumunod na araw ay doon parin ako dumaan.

Tahimik nung umaga at wala akong nakitang kahit na isang tao.

Pagdating ng hapon, habang naglalakad ako ay nakita ko nanaman yung babae.

Katulad nung nagdaang araw, nakatingala parin ito sa puno.

Suot parin nito ang puting bestida na s’yang suot n’ya rin nung una ko s’yang makita.

Tahimik ko ulit itong nilampasan.

Sa sumunod na araw ay nandoon parin s’ya.

Ang ipinagtataka ko ay tuwing hapon ko lang ito nakikita. Gano'n parin ang posisyon nito. Hindi ba sya nangangalay?

This time ay hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita.

“E-excuse me.  A-anong tinitingnan mo d’yan?” Nag-aalinlangan kong tanong.

Mula sa taas ng puno ay kitang-kita ko ang pagbaba nang tingin nito papunta sa’kin.

Napalunok ako nang tuluyang makita ang mukha n’ya.

Ang ganda n’ya.

“Anong pangalan mo?”  Naka ngiti, ’yon agad ang sabi nya.

Kung anong iginanda ng mukha n’ya, ganon din ang boses n’ya.

 ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now