THERE'S NO ALWAYS A SECOND CHANCE

7 1 0
                                    

[ THERE’S NO ALWAYS A SECOND CHANCE ]

“Ah, miss! Sayo ’ata ’to,” pinakita ko ang napulot kong ID.

“Ay, oo, haha. Thank you, ah!”

“You’re welcome, Ynaree . . .”

That’s how everything started.

Nang mabasa ko palang ang pangalan nito sa id na napulot ko ay naging interesado na’ko.

Kaya ang ginawa ko, lagi ko na itong palihim na sinusundan hanggangang sa naging magkaibigan kami.

“May good news ako!”

“May sasabihin ako!”

Sabay pa naming sabi noon, ilang linggo makalipas ang final exam  bago ang high school graduation namin.

“Sige, sabay na lang tayo,” nakangiting sabi ko.

“I got the highest score in our class!” bakas ang tuwa, sabay ulit naming sabi.

Yna, is the ideal. Bukod sa matalino ito ay masipag din ito sa lahat ng bagay. Maganda at talentado. Mapagmahal sa pamilya at pursigido sa lahat ng bagay na gusto niya.

Habang lumalalim ang pagkakaibigan namin ay hindi ko namamalayang  unti-unti na rin pala akong  nahuhulog sa kanya.

“Happy graduation to us, Carl!”

Nang matapos ang program ay agad ako nitong pinuntahan. Bahagya pa akong nagulat nang yakapin niya ako sa gitna ng maraming tao.

Hindi ako manhid. Alam kong may nararamdaman din ito sa’kin kaya bago ang pasukan, bilang senior high, umamin na ako sa kanya.

Sobrang saya ko noon matapos malamang gusto niya rin ako. Walang ligawang naganap dahil naging kami agad ng araw na iyon.

“Happy birthday, love!”

Ang sarap lang pakinggan sa tuwing binabanggit niya ang tawagan naming iyon.

From Carl to love. Yung dating inaasar-asar at pinangarap ko lang, ngayon matatawag ko ng akin.

“I love you. Thank you so much!”

Simpleng surprise lang niya iyon sa’kin pero sobrang napasaya na niya ako. Isipin palang na nasa harap ko siya sa araw ng birthday ko ay malaking bagay na para sa’kin.

Akala ko tuloy-tuloy na yung gano'ng relasyon namin. Na hindi kami magkakaproblema kasi kabisado na namin ang isa’t isa. Pero siguro nga, normal na sa relasyon ang magkaroon ng pagsubok.

College na kami noong sunod-sunod ang naging problema namin.

“Bumawi ka na lang next sem, love. ’Wag mo na masyadong isipin ’yon,” pagpapagaan ko sa loob niya matapos niyang ibalita na bumababa raw ang grades niya.

“Nag-aral naman ako . . . p-pero bakit gano’n?”

Naiintindihan ko kung bakit niya iniiyakan ang gano’ng bagay. Nasanay itong nangunguna sa klase kaya siguro ay dinamdam nito ang nangyayare sa kanya.

Sa mga panahong ’yon, nararamdaman kong may hindi siya sinasabi sakin, pero sa tuwing magtatanong ako ay palagi siyang umiiwas.

“Nasaan ka?”

Pinilit kong ikalma ang sarili matapos kong malaman na absent siya ng hindi ipinapaalam sakin. Kung hindi ko lang ito pinuntahan sa class room nila, hindi ko pa malalaman.

“M-mamaya na lang tayo mag-usap. Tawagan na lang kita.” Anito bago ibaba ang tawag dahilan ng mas lalo kong pagkainis.

Hindi ko maintindihan ang pagbabago nito. Dati naman kapag may problema ay talagang sinasabi niya sa akin. Ngayon pakiramdam ko ay tinataguan na niya ako.

 ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now