SWEETEST PAIN

7 1 0
                                    

[ SWEETEST PAIN ]

"Cookies for my love!" anunsyo ko pagdating sa dorm ng kaibigan kong si Criz.

"Na naman?" walang ganang salubong nito dahilan upang malukot ang mukha ko.

"E, 'di wag! Bigay ko nalang 'to sa iba," pagtatampo ko.

"Joke lang! Akin na nga 'yan, d-dramahan mo na naman ako, eh!" agad nitong kinuha ang box sa akin bago ako gawaran ng halik sa magkabilang pisngi tulad ng nakasanayan.

"Thanks for this, love. Buti nalang hindi ka nagsasawang ipag- bake ako." dagdag nito.

"Because I love you, and you know that, right?" paghamon ko at matamis na ngumiti.

"Of coures, and I love you more." Nakagat ko ang loob ng magkabila kong pisngi upang pigilan ang ngiting gustong kumawala.

Pero ang sayang nararamdaman ko ay biglang naglaho nang makita ang lalaking lumabas mula sa kuwarto nito.

Criz is my bestfriend, my long time crush. Alam nitong may gusto ako sa kanya dahil high school palang kami ay nag-confess na ako nang feelings ko towards him.

He's gay, pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Madalas ko siyang landiin sa pag-aakalang may chance pa itong magkagusto sa babae.

That day when I saw, Luke, comeout from Criz, room. Inamin nila sa'kin na sila na. I felt so much pain in my heart pero pinilit kong itago iyon at huwag ipahalata.

Matagal na nitong gusto si Luke, at bilang isang kaibigan kailangan kong maging masaya para sa kanya.

"That ash*le! I s-saw him... kissing one of his classmates!" Iyak nito isang gabi, matapos akong papuntahin sa dorm niya.

"S-sabi niya... kaibigan lang niya t-tapos..." hindi nito matapos ang sasabihin dahil sa pag-iyak at sobrang kalasingan.

Nang gabing iyon ay ginawa ko ang lahat upang pagaanin ang loob niya. Hindi ko mapigilang titigan ang may luha nitong mukha at napagtanto kong wala paring pinag bago ang lahat.

I still like- no, I still love him.

"Anong ginawa mo?" mabibigat ang hininga nitong lumabas sa kuwarto kinaumagahan.

"Good morning, l-love!" pinilit kong pasiglahin ang boses sa kabila nang kabang nararamdaman.

"Mafey, anong ginawa mo?!" sigaw nito. Sinubukan kong huliin ang mga kamay nito pero agad niyang iniwas.

"I did that for you, love... Luke, deserve to be hurt too after hurting you-" agad nitong pinutol ang sasabihin ko.

"By sending those photos? Pinalabas mong may nangyare sa atin kagabi para masaktan siya? Bakit mo naisip 'yon? Siya lang 'yung may kasalanan pero dahil sa ginawa mo pati tayo naging masama!" para akong sinampal nang marinig iyon mula sa kanya.

For the first time, nagawa niya akong sigawan.

Kasalanan ko. Nagpadala ako ng pictures kay Luke at pinalabas na may nagyare samin.

"G-ginawa ko lang naman 'yun kasi-" muli, pinutol nito ang sasabihin ko.

"Dahil mahal mo ako! Ginawa ko ang lahat para hindi kita masaktan! Alam ko naman, e. Naniniwala naman akong mahal mo ako! Anong magagawa ko kung bakla ako? Gusto mo akong magpaka lalaki para masuklian 'yung pagmamahal mo? Kaya ko! Pero hanggang kailan? Ayokong umasa ka at masaktan kita sa huli kaya noong una palang tinanggihan na kita!"

"We can t-try it, Criz... I promise I won't hurt you like how Luke did to you. I l-love you..." nakikiusap, halos hindi ko makilala ang sariling boses.

"Mahal din naman kita..." mahinahon nitong sabi habang pareho na kaming umiiyak.

"Kaya nga love ang tawagan natin 'di ba? Pero iba 'yung pagmamahal ko kay Luke, sa pagmamahal ko sayo..." he added while we're both crying.

After hearing those words, alam kona sa sarili kong wala na talagang pag-asa.
__

"Happy birthday, Criza!"

"Thank you for the gift, Ninang Mafey!" pagbe-baby talk ni luke, buhat ang cute na cute na batang si Criza.

"Girl, baka cookies na naman ang laman nito, ah!" pagbibiro ni Criz, na siyang nasa tabi ko.

"Hindi na 'no, syempre ikaw lang pinagbe-bake ko ng cookies!" sabi ko dahilan ng sabay-sabay naming pagtawa.

Criz and Luke, are one of the strongest couple I know. Sa limang taon nilang pagsasama ay naisip nilang mag-adopt upang bumuo ng sarili nilang pamilya.

Siguro, may mga naging problema kami dati, mga nakaraan na siyang nagturo sa akin kung paano tumanggap at maging masaya nalang para sa taong mahal ko.

Nasaktan ako and I've learned from it.

Hindi man nito masuklian ang pagmamahal ko para sa kanya, hindi naman naging dahilan iyon para tumigil ako sa pagmamahal sa kanya ng walang hinihinging kapalit.

True love is indeed not selfish.

_
Visit my timeline for more stories!
@Kwinpen Stories
Plagiarism is a crime.

 ONE SHOT STORIES Donde viven las historias. Descúbrelo ahora