KABANATA 07 - INLOVE

15 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula labas ng pinto. It's 6:00 in the evening, napasarap yata ang tulog ko. Napahikab ako bago buksan ito.

"Magandang gabi, binibini." bungad nito at ngumiti.

Nagulat ito nang isinara ko ulit ang pinto at tumakbo patungong kusina para magmumog. Baka amoy panis ang hininga ko. Nakailang katok pa ito bago ko buksan ulit. Nagtatanong na mukha ang tumampad sa akin.

"May problema ba binibini?" tanong nito. Umiling lang ako at pinapasok siya.

"Hindi mo dapat ikinakahiya ang taglay mong ganda. You know what, mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sayo tuwing nakikita ko ang natural mong kagandahan." napalunok ako ng sariling laway nang sabihin niya 'yon.

Wala sa katinuan kong isinara ang pinto nang makapasok siya at nilapag nito ang dalang paper bag na sigurado akong pagkaen ang laman nito.

"Maupo ka." alok ko na siya namang sinunod nito.

"May dala akong pagkain, madalas kitang nakikita sa cafeteria at nalaman kong healthy food ang binibili mo. Kaya naman pinagluto kita." may ngiti sa labing sabi nito at inilabas ang tuperware na may laman na salad which is gawa sa gulay like cabbage at may slice na prutas pa itong kasama.

"If you want to eat rice, meron rin akong dala with adobo." dugtong nito at inilabas ang laman ng isang paper bag.

"T-thank you!" tanging salita na lumabas sa bibig ko. Tatayo na sana ako para kumuha ng plato, pero nauna na itong kumuha at nilapag sa harap ko.

"Eat first, then we can talk." sabi nito na hindi mawawala sa ang ngiti sa labi nito.

****
May pagkailang na kumakain ang dalag. Dahil maliban sa titig ng binata na kulang nalang matutunaw siya, panay ngiti ito na para bang hindi nangangalay ang panga nito sa kakangiti.

"Hmm...h-hindi kaba kakain?" nahihiyang tanong niya rito.

"If you feed me, kakain ako. But actually makita lang kitang nasasarapan sa luto ko busog na ako." napaubo ako dahil nalunok ko ang pagkain na nasa bibig ko.

"Sorry my fault." hinging tawad nito at binigay sa'kin ang baso na may laman na tubig.

"Like what i said. I want you to feed me. Can you do it for me? Please!" napanganga ako nang ulitin nito ang sinabi. Akala ko nagbibiro lang ito but I'm wrong.

"Pagbigyan muna ako please.." sabi nito at ako naman na walang magawa sinubuan ko ito.

"Para siyang bata." kausap ko sa'king sarili.

"Tila may sinasabi ka Bb?" nagtatanong na sabi nito. Pumikit ako saglit bago magsalita.

"Sabi ko ang guwapo mo." mabilis kong tinakpan ang sariling bibig nang madulas ito.

"It's not what I mean, iba dapat ang sasabihin ko." saway ng dalaga sa sarili.

Samantalang mabilis pa sa orasang tumayo at tumalikod ang binata, ramdam nito ang pamumula ng pisngi at ang mabilis na pagtibok ng puso nito. Binalot ng katahimikan ang loob ng bahay, ni walang umimik sa kanilang dalawa. Mabuti nalang umingay ang doorbell.

"A-ko n-na bu-bukas." utal-utal na saad ng binata at tumungo sa pinto.

Hindi alam ng binata kung paano niya haharapin ang dalaga. Dahil hanggang ngayon umiinit parin ang pisngi nito. Hindi naman bago ang salitang binatawan ng dalaga dahil naririnig niya rin ito sa ibang babae. But it's different when it comes to the woman he loves. Para bang isang musika 'yun na paulit-ulit niyang pakikinggan.

"Happy Valentine's Day sir!" the rider said at binigay ang isang bouquet na red roses sa binata. Bago ito pumunta sa bahay ng dalaga dumaan muna ito sa flowers shop, buti nalang at hindi pa ito nagsasara at mismong anak ng may-ari ng flowers shop ang nag deliver ng bulaklak.

Huminga muna ito para pangpagaan at pangpalakas loob bago isinara ang pinto. He's heartbeat is not normal. Para itong tambol sa loob.

"S-sino..." naistatwa ang dalaga nang masaksihan ang nangangamatis na mukha ng binata. Hawak nito ang isang bouquet na pulang rosas.

"Hmm.. Happy Valentine's Day aking sinta!! Tanggapin mo ang rosas na ito na kasing ganda mo at kasing pula ng 'yong labi. Hindi ko man kayang umamin sayo, ngunit kaya kong aminin sa madla na may isang Ginoo na nahuhumaling sa isang binibini na siyang nagpapatibok ng aking puso. " isinawalang bahala ng binata ang pag-iinit ng pisngi nito. Tanging ang tingin nito ay nasa mata ng dalaga.

"Ikaw ang binibining bumihag sa aking puso. Ang Ginoong nasa harap mo ay iniibig ka..." kinakabahan man ngunit pinagpatuloy nito ang pag-amin ng nararamdaman sa dalaga.

"P-pero hindi ito tama, alam mo 'yan." malungkot na pag-amin ng dalaga na siyang isinawalang bahala ng binata. Isang butil ng luha ang pumatak mula sa mata ng dalaga. Luha na naglalaman ng kasiyahan at kalungkutan.

"Kailanman ay hindi naging mali ang magmahal aking sinta." may ngiti sa labing saad ng binata at ginawaran ng halik ang mga labi ng dalaga.

"Naririnig ko ang pintig ng puso mo." pagkuha ng dalaga sa atensiyon ng binata na kanina pang nakayakap sa kanya.

"Tanging sayo kolang naramdaman ang bagay na'yan. Hindi lang ako ang binabaliw mo pati narin ang puso ko." hindi alam ng dalaga kung ano ba dapat ang magiging reaksiyon. Dahil alam niya at tumatatak sa isip nito na balang araw at anomang oras ay puwede siyang mawala siya sa mundong 'to.

"Hindi kita pinipilit o minamadali binibini. Maghihintay ako." malambing ang boses nito na lalong nagpapatibok sa puso ng dalaga.

"She's Angel." saglit na kumunot ang noo ng dalaga nang marinig ang sinabi ng binata. Kumalas ito sa yakap ng binata at taas kilay itong tiningnan.

"She's my cousin. Ang babaeng kausap ko sa simbahan. She needs my help kaya minabuti namin na mag-usap sa walang masiyadong makakarinig." he explained pakiramdam niya nagsasabi naman ng totoo ang binata. At wala sa mukha nito ang salitang nagsisinungaling.

"Thank you..." tanging salita na lumabas sa bibig ng dalaga. Hindi niya maware kung bakit gustong-gusto niya ang amoy ng binata.

"Puwede ba akong humingi ng kiss?" hindi napigilan ng dalaga ang tumawa sa ginawang pag nguso ng binata.

"Ikaw pa ba ang astig na Ginoong, Ivan Ayap?" natatawang sabi nito na lalong ikinanguso ng binata.

"No. I'm not. Ako ang dakilang Ginoo na tiklop sa kagandahan ng aking binibini." malambing ang tinig nito na siyang ikinangiti ng dalaga.

"Isa naman siguro sa dahilan ni Lord, kung bakit binigyan niya ako ng pangalawang buhay ay ang maranasan ko ang magmahal na hindi pinipilit." I whispered at ginawaran ng halik ang lalaking unang-una kong mamahalin.

THREE WORD'S, I LOVE YOU [ON-GOING]Where stories live. Discover now