Kabanata 7

66 3 0
                                    

We went back to Manila a day bago bumalik sa klase, while Kuya went to Qatar para sa trabaho. At dahil sa tapat lang namin ang bahay nila Nay Alma na siyang tinitirahan ni Owen ay siya ang unang nakita ko pagkababa ko ng sasakyan.

Nagwa-washing siya ng sasakyan sa tapat rin ng bahay nila. Topless at basa na dahil pati siya ay naliligo na rin sa tubig na galing sa hose.

"You're back." ngising saad niya.

Agad niya akong nilapitan at napapikit ng winisikan niya ako ng tubig.


"Totoo ka ba? Gumanda ka ata?" agad kong natapik ang kamay niya ng pinisil niya ang pisngi ko.

Kinabukasan ay maaga akong hinatid ni Daddy sa school. Half day lang naman kasi kami ngayon kaya maaga ang pasok.

At dahil second semester na ay iba na rin ang seating arrangement. Mas napalayo kami ni Prim kila Moby at sa iba pa naming kaibigan, wala akong magagayahan, pati si Nero ay malayo rin kaya hanggang tingin nalang kami sa isa't isa.

"May number 32 ka?" bulong niya sa'kin.

Awtomatiko niya akong natanong ng lumabas si Ma'am. Pasimple kong tinanggal ang nakatakip na kamay at iniwas ang tingin, pero makalipas ang tatlong segundong katahimikan ay biglang nagkagulo ang mga kaklase ko para pumunta sa kanya-kanyang kaibigan para magpatulong.

At dahil syempre chance na namin, si SuperNero agad ang pinuntahan namin para gayahan, kaya pala chill na chill siya dahil kakatapos niya lang. Tumawa siya ngunit ako lang ang pinagaya, nag bigay naman ako ng ilang answer sa iba naming kaibigan pero hindi na ako pinayagan ni Nero.

Saktong pagbalik ni Ma'am ay nakabalik na kami. Marami ang nagtawanan ng magkagulo ulit sila pabalik sa kaniya-kaniyang upuan, nangingiti akong yumuko ng nagalit si Ms.Trinidad. Lahat kami napagalitan, in the end, wala kaming exam. Okay lang naman, post test lang naman at hindi 'yon recorded.

"Naturingan pa naman kayong STEM 1!" sigaw nito bago lumabas.

Napahagikhik kami at sinawalang bahala ang nangyari. Nang mag break time ay agad akong dumeretso sa gym ng magpatawag ng meeting sa sa cheerleading squad.

Puno ng sandwich ang bibig ko ng bigla kong narinig ang pangalan ko na tinawag ng coach sa basketball.

"Baka manaba ka niyan, Elizabeth?" anito

Tumawa ang karamihan at doon ko lang narealize na ako lang ang mag-isang nakaupo sa bench malayo sa kanina. Bumagal ang pag nguya ko at mataman silang tinignan, lalo na ang ibang basketball player.

"Pake ko? At least busog." hindi ko naiwasang hindi mag taray.

Humagalpak ng tawa ang mga kalalakihan at ibang sa cheerleading squad. At masama naman akong tinignan ni Darcy, babaeng galit sa'kin sa hindi malamang dahilan.

"Napaka-disrespectful talaga, 'yan ba gusto niyong Captain? My god!" parinig nito.

"Oh my,... at ano naman kasi ang ipagmamalaki mo? E para kang isdang natanggal sa tubig pag sumasayaw?" Rektang sabi ko dahilan para takbuhin ako ni Mino na hindi ko nga alam na naririto pala.

Alam niyang may war ang mangyayari kaya pumagitna na siya.

"Kesa naman sa'yo? Malandi!" pikon na sigaw nito.

"Hindi ako module para magkaroon ng magiging reflection mo. Though I have these pretty eyes, I can see you clearly."

Kinindatan ko siya na dahilan para mas lalo siyang mamula sa inis. Tumayo si Mino sa harap ko at dahil mas matangkad siya sa'kin, naharangan niya ang pangit na pagmumukha ng babae. Inihawak ko ang isang kamay sa jersey niya at ibinaling nalang sa ring ang tingin, eto na si Superman number 2 ko, kaya niya na 'to para ipagtanggol ako.

Don't Read Me Where stories live. Discover now