Kabanata 23

59 3 0
                                    

Naitikom ko ang bibig at sinubukan pang lumayo pero pinag-usap kami ng mga magulang namin. I don't wanna be rude in front of my Mom's friends so I tried to go with the flow.

I kept on looking at my cousin na tahimik lang sa gilid. I don't want him to get pissed or even have a negative feeling, kung pwede lang, I will drag him along with me and leave this place already. Pero kailangan kong irespeto ang pangalan ni Mommy, ayokong mag-cause ng trouble dahil lang sa isang tao.

Tatum also did his best to act like everything is fine between the three of us. Hindi ko nagawang tapunan siya ng tingin hanggang sa inaya ako ng parents ni Tatum na kumain, nababahala akong lumingon sa pinsan only to see he was already talking to someone else na matanda na rin, he then looked back and nod his head kaya lang ako sumama. Mom told him na sumunod bago kami pumunta sa isang table.

I kept silent as we sat there. Kung hindi lang ako kausapin ay hindi na talaga ako magsasalita, I don't want Eizer to think na I was entertaining Tatum.

"Is your hair naturally curly? I love it, it suit you so much." puri ng mama ni Tatum.

Ngumiti ako at sinabing pinakulot ko lang. Sa dami ng pumupuri sa'kin na bagay sa'kin ang kulot na buhok, naiisip ko na tuloy na pangit pala ang natural na buhok ko. Nakakasakit naman sa damdamin. Joke. Kahit ako, I honestly think I'm very pretty, straight or curly, at kahit pa ata kalbo ako.

"You should model." suggest ng Daddy ni Tatum.

"She used to." sumagot na si Mommy. "But she stop because she didn't like it."

"Really?" bakas ang panghihinayang sa boses ng mag-asawa "Sayang naman."

Ngumiti nalang ako ng pilit at hindi na sumagot. It doesn't matter anyway. They prepared a soup na okay naman sa panlasa ko kaya rito ko nalang nilibang ang sarili, sa pagkain. Our parents were talking kaya hindi na rin ako nag-abalang umimik pa.

I'm slowly getting the purpose kung bakit kami naririto. Mom wants us to explore the business world, sinasanay niya kaming iharap sa mga sikat at maimpluwensyang tao na sa iba't-ibang larangan. I can't help but to actually feel a bit intimidated, dahil sa lahat ng nakapalibot sa'kin ay halata namang hindi lang madadala sa biro-biro ang datingan nila.

Habang umiinom ay aksidenteng sumagi ang tingin ko kay Tatum na nakatitig pala sa'kin. Sa gulat ay muntik kong maibuga ang tubig, buti nalang napigilan ko, pero may kaunting lumbas sa ilong at bibig ko. Ang sakit!

Nabasa ako ng kaunti at mabilis kong kinapa sa bulsa ang panyo pero wala akong nakuha. Just then, inabutan ako ni Tatum ng tissue.

"I'm sorry." rinig kong mahinang sabi niya.

Napunasan ko ang kamay ngunit basa naman ang skirt ko. I excused myself to the bathroom instead, pero bago ako makaalis ay nagsalita si Mommy.

"The bathroom here is actually out of order. Lalabas ka kung gusto mo, is that okay?" tumango ako kahit hindi ko alam kung saang parte ba sa labas ang tinutukoy niya.

"Tate, samahan mo siya." utos ng Mommy niya.

"Oh no... it's okay po, I can manage." tanggi ko.

"No, baka kung ano pang mangyari o maligaw ka kung pupunta ka ng mag-isa. Tate knows where it is."

Wala akong nagawa kundi magpasama tuloy. Pinanatili kong malayo ang distansya ko kay Tatum lalo na't hindi ko na nakikita kung nasaan ang pinsan ko.

Don't Read Me Where stories live. Discover now