Kabanata 39

27 1 0
                                    

"Damn, bro. Pinopormahan mo ba si Fourth?"

unang tanong sa'kin ni Rafayel pagdating niya sa classroom. Kumunot ang noo ko at umiling, saan nanaman ba niya nakuha 'yon?

Wala akong balak, hindi pa sa ngayon. What Fourth and I have right now is something special, sapat na 'yon, ayokong biglain si Fourth dahil alam ko naman na hindi pa siya handang sa relasyon. Ako rin naman, I want to give it a time.

"Gago ka, kalat na kalat sa school vlog yung ginawa mong pag tangay kay Fourth kahit kausap pa siya ni Kian."

"Oh, that? Wala 'yon." pagsasawalang bahala ko.

Galing sa studio nila Clara si Fourth nung araw na 'yon dahil may prinactice silang choreography, dahil may inaasikaso si Thirdy ay ako ang napag-utusan na sumundo. Iniwan ko lang siya saglit para ibili siya ng tubig ay lumapit sakaniya ang lalaking 'yon, isang sikat na batang aktor. He was asking for her number kaya ko siya 'tinangay', I didn't realize na big deal na 'yon para sakanila.

Uminit lalo ang pag-aakala ng iba na may kami ni Fourth ng naging magpartner kami nung intramurals. Biglaan lang naman 'yon pero sobrang saya ko, malamang, partner ko ang isa sa pinakamagandang babae sa school, sinong hindi matutuwa ro'n?

"You guys are so ma-issue. He's not my type, 'no!"

malakas ang boses niyang sinabi 'yon sa mikropono ng tanungin siya ng emcee. Naitakip ko ang kamay sa bibig para maiwasang humalakhak,

"Inaaway niyo ako dahil gusto niyo rin siya? Edi go, sainyo na 'to, lamunin niyo hanggang mabusog ang ego niyo!"

Nauwi sa pamemersonal ang sinabi niyang 'yon at maraming nag-react sa audience, itinawa nalang namin ng host 'yon pero ang totoo, kinabahan ako. I made sure not leave a scratch, scratch that they could or might use against me and Fourth. Hindi lang kay Fourth may galit ang iba, galit din sa'kin ang manliligaw niya dahil simula ng pumasok ako sa buhay nila ay parang naging dead-end na rin ako, at least for them, basta wala akong ginagawang ano mang panghaharang, it's their choice if they wanna approach her o lalapitan sila ni Fourth.

Nang ba-block lang ako ng nagchachat kay Fourth, hindi sa personal. Napag-utusan lang ako, and besides, I know my limit. Iba lang kapag nasa mood akong landiin siya.

"Eto keyboard, kasi type kita."

Kung nakakamatay lang ang tingin, baka kanina pa ako humandusay. Nakihiram si Fourth ng iPad dahil nakalimutan niya ang sakaniya, halatang badtrip, my brother already message me na pupunta si Fourth ng dito sa classroom at naiinis, siguro, napikon niya ata.

Pinagtitinginan kami ng kaklase ko. Pero na kay Fourth ang atensyon ko, may ipinasa siyang file na gagawin niya, iba ang tuwang nararamdaman ko dahil sa'kin niya naisipang humingi ng tulong. I'm more than glad to be in fact.

"Taasan mo nalang ang brightness, para makita mo ang halaga ko." banat ko pa.

Ngumiti siya, halatang pilit at sarkastiko.

"Salamat, nakita ko na matagal na, sobrang nakakasilaw ng halaga mo. Nakakasilaw at nabulag na ako."

nakain ko pa ang buhok niya ng pinitik niya ito ng tumalikod. Tumawa nalang ako at napailing.

Bago umuwi, pumunta ako ng flower shop. Magkahalong lavender at daisy ang binili ko, and according to my research, lavender can help to reduce stress and daisies can help brighten someone's day. Perfect combination.

Inabangan ko siya sa labas ng gate. Sakto at siya ang pinaka-huling lumabas kasama ang kaklase niyang si Moby, she covered her mouth at iniwan sa'kin si Fourth. I smiled at her and wave my hand,

Don't Read Me Donde viven las historias. Descúbrelo ahora