Kabanata 43

33 1 0
                                    

"Gaga ka, I know where you're coming from. Okay lang sa'kin, ano ka ba! So ano? Ikaw yung hinard launch ni Mino? Madalas ka pang naka-story sa IG niya!"

Napangiwi ako sa sabi ni Clara. Mamaya ang alis namin papuntang Palawan, family time, at dahil malapit na ang birthday ko, siguradong busy na ako niyan sa susunod. So I came in her place to apologize.

And for Mino and me, we've been hanging out a lot lately, going out for mini dates, late night calls, casual talks, playing together... and movies—pero sometimes, kasama namin sila Thirdy. Hindi ko masabi kay Clara kung lowkey ba 'yon o ano, lalo na ng mga kakaibang pakiramdam ko dahil nahihiya ako.

It would make me look like I'm obsessed with him. And I don't want that because obsession drives people crazy, I don't wanna be crazy at ayoko ring masakal siya kung puro nalang sa'kin ang iisipin ko. Nakakainis lang si Mino dahil tinotolerate niya ang ugali ko! lalo na pag nagseselos ako, natutuwa pa nga ang kumag!

Pag talaga ako lumala....

"Hard lunch?" lutang na tanong ko. "May hard lunch ako. Dad prepared me baon for today. I have rice here, adobo, sinigang... ano pa? Ah! hotdogs may fruit salad din ako—ouch!"

Napatigil ako sa pagkalkal ng dala kong bag dahil nabatukan niya ako. Inagaw niya sa'kin 'yon at mabilis na inilayo.

"Gaga! Saan napunta utak mo, girl? Gosh!" stress na sabi niya.

"Hindi 'yon hard launch. It's casual lang, ilang beses niya nang pinost ang mukha ko. Tapos bakit pa kayo magugulat? Ipinagdikdikan na nga ako sakaniya nila Prim noon."

"But it's different!" may pa-hand gesture pa siya. "He's making ligaw and soon it will be official, you will be dating him. Isipin mo? From friends to lovers!" kinikilig na sabi niya.

"Pero hindi mo talaga siya gusto? Or... crush man lang? Just say so para i-cut off na kita." sabi ko.

"Oa! Muntik lang. He's gwapo and kind, at si Nero crush ko noon, magkamukha lang sila."

"Joke lang. As in, hindi ko talaga akalain na... makakaramdam ako ng selos, I'm sorry kung naging gano'n ako."

"Sus! alam mo ba nung nagcamping tayo? Yung nagbubulungan kami? He literally told me to stop because he felt uncomfortable and he likes someone, and that someone was with us! Naisip ko na agad na ikaw 'yon, ang hilig mo rin kasing sabayan siya e, no? Nagtatampo na nga yung tao, di mo pa sinuyo!"

"I thought he needed some space!" I reasoned at napanguso. "At takot din ako, kasi friends kami. What if nasira friendship namin? Hindi ko kaya!"

"And you think he'd let that? Gano'n ba siya kababaw sa paningin mo? Mino's like... head over heels for you, and I'm sure he'll do everything for you, kung saan ka masaya."

Kung saan ako masaya? Halos sa lahat naman, masaya ako... lalo na sakaniya, Mino might be really annoying sometimes but at the same time he would make me smile and laugh. He himself is more than enough to make me contented, and I feel complete when I'm with them.

I won't deny that I found my peace and comfort with them, with my friends. I had trauma from my past friends before, but my friends are also the reason why I was able to move on from it, kaibigan ko lang din ang nagpapasaya sa'kin.


Kung may pagsisisihan man ata ako. 'Yon ang pag-deny at pagbabalewala ko sa tunay kong nararamdaman para kay Mino, dapat naging honest nalang din ako nung una palang. Maybe I have doubts kay Mino, siguro kinulang ako ng tiwala at masyado akong napangunahan ng takot. I care for our friendship a lot, and I don't want to make the same mistake again. Dahil sa huli, sakaniya lang naman ang bagsak ko.

Don't Read Me Where stories live. Discover now