Kabanata 3

131 5 0
                                    

"You really looked like your Mommy, 'no?" sabi ni Mino habang pinagkatitigan ako.

Umoorder ang pinsan ko kasama si Owen at Nero habang naiwan naman kami sa table nila Mino at Rafa. Naglalaro lang si Rafa kaya hindi siya masyadong nakikipag-usap sa'min, habang halatang bored naman si Mino at sinusubukan namang kausapin ako.

"Malamang nanay ko."

"Hmm... though there's still a slight difference, she's prettier. I bet Tita was very pretty when she's younger." tumango tango ito. Inirapan ko siya at ibinaling ang tingin sa glass wall kung saan nakikita ang kalsada sa labas. Maraming sasakyan ang dumadaan, siguro dahil rush hour.

"And you're too magayon."

Nabalik ang tingin ko sakaniya ng marinig ang sinabi pero siya naman ang sa labas tumingin. I blinked twice at pinroseso ang sinabi niya,

"Ano 'yon?" ulit ko. He smirked at umiling.

"Ha?" maang-maangan niya.

He's playing me, again! Dumungaw ako habang nanliliit ang mga mata at dahil sa tapat ko siya naka-upo ay umatras siya ng kaunti para lumayo.

"May sinabi ka. Ano 'yon?" pangungulit ko.

mahina na siyang natawa pero pinipigilan niya ang sarili.

"Wala nga." pinilit niyang magseryoso.

Masama ko siyang tinignan pero umayos lang naman ng pagkakaupo kinalaunan. Naka-nguso ng kaunti. Parang gago talaga, may sinasabi tas pag tinanong isasagot wala. Tsk!

Buti nalang ay bumalik na sila Third bitbit ang order namin. Umupo sa kasabay ko ang pinsan habang sa kabila ko naman si Nero, saktong pang-anim ang upuan kaya nagkatapat-tapat kami, nanatili ring nasa tapat ko si Mino na may kakaibang ngiti sa labi sa tuwing nagtatama ang tingin namin.

"Here's your float." inilapag 'yon ni Nero sa kasabay ng plato ko. Binalot niya pa 'yon ng tissue para hindi ako mabasa pag hinawakan ko.

"Talaga naman ang nag-iisang Neil Rockwell. Asikasong-asikaso, ah?" ngumisi si Rafa na agad nasundan ng mahinang tawa ni Owen.

Bago pa nila kami tuluyang asarin ay sinaway na sila ng pinsan ko. Ha! Buti nga. Pinagalitan sila ni Thirdy at ako naman ngayon ang tumawa sakanila,

"Yan kasi." parang nananakot ang boses ni Nero at mahinang natatawa.

"Kj." ngumuso si Rafa bago nagsimulang kumain.

Habang kumakain kami ay nag-uusap kami ni Nero tungkol sa film. Minsan sumasama naman kami sa usapan nila at sila saamin, nagbibigay rin sila minsan ng suggestion pero wala namang kwenta lahat.

Pagkatapos kumain ay nagtungo naman kami sa mall. At alam ko na ang papatunguhan ng lakad na 'to kaya nagtext ako kay mommy para magpaalam pero sabi niya ay 'wag na daw akong umuwi. Alam kong sarcasm lang 'yon, pumapayag naman lagi si Mommy pag kasama ko si Thirdy. Mas malaki kasi ang tiwala niya ro'n kesa sa'kin.

From: Momster🐻
Umuwi ka bago umuwi ang Daddy mo.

napanguso ako habang naglalakad at binabasa ang huling text ng nanay ko. Naunang naglakad ang mga kasama ko, sa hilig nilang pumasok sa mga botique ay ako na ang napapagod kakasunod sakanila. Kaya okay nang magpahuli, dahil mabilis silang tumitigil at bumabalik pag nawawala ako sa tabi nila.

Don't Read Me Where stories live. Discover now