Kabanata 54

21 1 0
                                    

"Now from the top, make it drop, that's some we—Hey!"

Napatigil ako sa pagsasayaw ng WAP ng aksidenteng nasipa ni Mino ang phone ko na nakalagay sa tripod sa sahig. Namewang akong pinagmasdan siyang nag-mamaang-maangan dahil hindi niya raw sinasadya.

"Walang ugali! Balik mo 'yan!" reklamo ko.

May pasok ako ng eight-thirty. Alas sais palang kaya nagpapapawis ako sa pag-sayaw, hindi pa umuuwi si Kalbo at tatlong araw na siyang nandito sa apartment ko, at nagising ako kanina dahil narinig ko ang patugtog niya habang nagwo-work out. Hinahayaan ko lang siya rito dahil pabor naman ako na nandito ang boyfriend ko, kahit minsan, kulang nalang atakihin ako sa puso sa mga kalokohan at pang-aasar niya.

Hindi siya sumunod kaya ako na ulit ang nag-ayos. Mino's making pancakes kaya may glass bowl siyang dala at busy sa pag s-stir nito. Kanina pa siya niyan, titig kasi sa'kin ng titig. Imbes five minutes lang gawin yan ay mag-titrenta minutos na ang magagamit niya sa pag-stir palang.

Pabiro ko siyang inirapan bago bumalik sa pwesto para sumayaw ulit. From the top, make it drop and when I'm almost at the floor, sinipa ulit ni Mino ang tripod, intentionally this time at tumilapon ang phone ko!

"You—"

Lumapit siya sa'kin at walang hirap akong inangat na parang bola. Hawak niya ako gamit ang isang braso at pinuslit ako sa pagitan ng bewang niya saka naglakad na papuntang kusina,

What the heck?! Ga'no ba 'to kalakas?

"Gutom ka lang, Ba." aniya.

"Put me down!" protesta ko. "Pag talaga yung phone ko nabasag. Basag din bungo mo sa'kin."

Hindi niya ako pinansin. Hala, nonchalant. Binitawan niya lang ako pagkalapag niya ng bowl, pinaupo at binigyan ng kahati ng sandwich niya kanina.

Napanguso ako. Nag e-exercise lang naman ako, ayaw niya ata na healthy ako. Tapos may bacon pa yung sandwich, gusto niya atang madagdagan ang laman ko!

"Ang sama mo." umirap ako.

"It's not really necessary to twerk on the floor, Ba. You fucked up my mental state, it's so distracting."

"Nagluluto ka kase tapos sa'kin ang atensyon mo." umirap ako. "Nasa living room na nga ako sumunod ka pa. Kaninong kasalanan 'yon? pagkasi nagluluto, sa kusina lang. Kahit saan ka kasi umaabot, tapos ako sisisihi—"

Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niya akong hinalikan. Amusement plays in his eyes while looking at me.

"Shut up." ngising sambit niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at umirap. Chansing lang siya, e. Kinuha ko ang sandwich sa plato at tumayo dahilan para mapatigil siya sa ginagawa.

"Maliligo na ako."

"Mamaya na. Eat first."

"Ih, ang pawis ko na. Hindi na ako mabango."

"I know. Pero mamaya na."

"Anong 'I know' ka diyan?!" tinaasan ko siya ng kilay. "Sinasabi mo bang mabaho ako? Suntukan nalang, oh!" mayabang na dagdag ko.

Don't Read Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon