Kabanata 1

321 7 2
                                    

This is a work of fiction. The names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All Rights Reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.

***

"Mama, yung napkin ko?"

tanong ko kay Mama pagbaba sa hagdan. Hindi ko mahanap sa kwarto ko ang napkin ko, naglinis pa naman doon si mama, baka kung saan na niya nilagay. Nilingon ako ng nanay ko na kasalukuyang naglilinis. Kalaunan ay namewang siya at tinaasan ako ng kilay.

"Nireregla ka nanaman?" taas kilay na tanong ni Mama. "Pangalawa mo na ngayong buwan, hindi ka ba nauubusan ng dugo niyan?"

"Si mama..." hindi makapaniwalang sambit ko. "Malamang katapusan na ng buwan. Gusto mo na ba akong magbuntis at ma-menopause para tumigil na? Kasi ako ayoko." sagot ko pabalik.

"Ikaw talagang bata ka... Bakit may sinabi ba ako? At ang bata mo pa para ma-menopause. Girl, mag-isip ka nga." umirap ito at napanganga nalang ako. Si mama talaga! may kinuha siya sa vase at nakita kong barya ito sabay niya inabot sa'kin. "Bumili ka ro'n. Naubos na kaya tinapon ko na."

"Naubos? Mama hindi pa 'yon nabubuksan."

"Ginamit ko kaya naubos. Satingin mo ikaw lang ang may karapatang reglahin dito? Na ikaw lang ang babae rito?" attitude na tanong niya. Tignan niyo, parang siya na nga yung magme-menopause!

Bumuka ang bibig ko para sana sumagot kasong nawalan ako ng salita. Napabusangot nalang ako bago kinuha ang pera. Bumalik ako sa kwarto para kunin ang twalya, mainit sa labas at wala akong suot na bra. Buti nalang ay sa tapat lang din ang tindahan ni Nay Alma, hindi na hassle sa pagbili.

Binalot ko lang ang upper body ko bago tuluyang lumabas. Kasong parang biglang nagbago ang isip ko ng makita ang grupo ni Mikhaeel na nakatambay sa tindahan, sa tunog ng metal na gate namin ay napalingon silang lahat, pati si Owen na pamangkin ni Nay Alma ay nakasilip rin sa tindahan. Kasama rin nila ang isa sa pinsan kong si Third, anak ng tokwa naman, oh...

Babalik na sana ako sa loob kasong tinawag niya ako.

"Fourth!" malakas na sigaw nito.

napabuntong hininga ako at napagdesisyunang tumuloy nalang. At ano naman kasi ngayon? Lalaki lang 'yan, pakealam ko riyan?

Ngumiti ang magkakaibigan nang makalapit ako. Naniningkit pa ang mata ko hindi lang dahil sa init ngunit dahil ang weird nila ngayon. Sino bang tumatambay sa tindahan ng iba kahit alas nuebe palang ng umaga? Kadalasan kasi hapon ang pagtitipon-tipon nila, kung hindi tatambay ay magba-basketball. Gano'n naman ang routine pag walang pasok, lalo na ngayong sem break.

"Hi, Fourth!" bati ni Rafayel.

"Hello." sagot ko.

"Akala ko may filming kayo?" tukoy ng pinsan ko sa project namin.

"Mamayang hapon." sagot ko at nakipag-fist bump sakaniya.

"Hatid kita? Hanggang anong oras kayo? Baka mahintay pa kita." ngumisi ito.

"Ihahatid o gusto mo lang makita si Penelope?" tinaasan ko siya ng kilay. Crush niya kasi 'yon.

"Bebi, I already moved on." tumawa siya. "Mag gi-gym kami."

"Sige." tipid na sagot ko at lumapit sa pasimano ng tindahan. "Basta on time." dagdag ko.

"You're really impatient, 'no?" nilingon ko si Mikhaeel ng magsalita nanaman ito.

"Hilig mo rin sumabat, 'no?" sagot ko pabalik. Hilaw itong ngumiti na para bang mina-mock pa ako base sa reaksyon niya, umirap ako at nilingon si Owen.

"Morning, Fourth. Anong maipaglilingkod ko sa'yo, disney princess?" kinindatan ako ni Owen.

Damn, so gwapo.

sinilip ko ang loob ng tindahan at nakitang siya lang ang sa loob no'n. Bakit kaya ito nanaman yung nagbabantay? Meron siyang pinsan na babae na matanda sa'min ng dalawang taon, naging matalik ko na rin na kaibigan simula nung lumipat sila rito nung grade 9 ako.

"Si Nanay? Si Ate Criselda?" paghahanap ko sa dalawa.

"Bakit? Sila bibilhin mo?"

Tarantado.

masama ko itong tinignan. Manang mana siya sa mga kaibigan. Walang matinong naisasagot. Nakaka-high blood! Ang ayos-ayos ng tanong ko pero barumbado naman ang sumagot. Kainis.

"Oh, chill, baby girl." tumawa ito ng mapansin na hindi ako natuwa. "Umuwi na si Ate sa Cagayan. Siguro ro'n na ulit titira, hinatid siya ni Auntie."

"Bakit?"

"Nagkasakit si Lolo. Siya na muna mag-aalaga. Inatake raw ng mild stroke si Lolo kaya napauwi sila kaninang madaling araw."

"Ano? Kumusta sila? Okay lang ba ang lolo niyo?" nag-aalalang tanong ko. Malapit ako sa Lolo nila, nakilala ko ito dahil sa paminsan-minsan niyang pagbabakasyon at pagdalaw dito. Wala na akong ibang masasabi kundi sobrang bait at corny mag-joke.

"Malamang hindi. Inatake nga 'di ba?"

"TINATANONG BA KITA?!" Iritado kong sigaw kay Mikhaeel.

Parang may kung ano sa buong pagkatao ko ang pumutok at nagpapakulo ng dugo ko sakaniya. Gusto ko siyang sabunutan, sakmalin with my bare hands at ibalibag hanggang sa mabalian ng buto at masugatan ang makinis na mukha niya. Buwiset, buwiset!

Lahat sila ay nagulat sa reaksyon ko. Napasapo ng dibdib si Rafayel at napanganga naman ang tatlo,

"Ang sungit!" si Rafayel.

"Alam ko na..." dali-daling umalis si Owen at wala pang limang segundo ay bumalik ito at inilapag sa pasimano ang Modess. Pabagsak kong inilapag ang pera at diretso talikod.

"Rude!" reklamo ni Owen.

"It's just a damn period lang pala. Pati ako dinamay mo—"

"Tangina mo!" sigaw ko ulit kay Mikhaeel ng bumoses nanaman ang hamog.

"Luh?!" sabay na banggit ni Owen at Rafayel ng marinig akong nag-mura.

Hindi ko alam na nasakal ko na pala ang kaibigan nila, nang gagalaiti pa rin ang kamay ko pero patulak kong binitawan si Mikhaeel bago umalis.

"Fuck, sasakyan!"

hindi pa ako nakaka-isang hakbang ay nahila na ako ng pinsan ko pabalik ng may dumaang kotse. Iritado kong tinanggal ang hawak niya bago mabilis na tumawid sa kalsada.

Bago ko tuluyang marating ang gate ay narinig ko pa ang boses ng pinsan ko at mga kaibigan nilang nagkakagulo.

"Putangina ka, Montecillo! Pati ako pinag-dabugan!" sigaw nito.

"Fuck... ano ba?!"

"Puta, tumigil nga kayo!"

Hindi ko na ito pinansin at pumasok nalang sa bahay. Kunot noo akong pinagmasdan ng Nanay ko ng makita ang busangot kong mukha, hindi ko siya pinansin at dumeretso nalang sa kwarto at doon impit na tumili sa sobrang inis.

Ewan ko ba. Mabilis akong mairita lalo na pag unang araw ng period ko, lalo na pag mga kaibigan ng pinsan ko ang nakikita. Para silang mga bwisit na creature na nakakagigil at bagay tirisin.

Don't Read Me Where stories live. Discover now