M I N O

34 3 0
                                    

"First honor, Mikhaeel North Montecillo. Best in English, best in Mathematics, best in Science, best in Filipino, best in Araling Panlipunan, best in ESP, best in Mapeh, best in EPP, with a special award in BSP participation, palarong pambansa in Male's badminton league, International Quiz Bee, most courteous awardee, most honest, most..."

Nagtuloy-tuloy ang pagbanggit sa mga award ko. The recognition ceremony is too boring I almost fell asleep, there are few awards I wasn't able to clutch, pero okay na, nahakot ko na ang kailangan ko.

"Warang most obedience, basagulero ka kaya." narinig kong sinabi ng kaaway ko, he was laughing. A grin appeared on my lips and I look at him,

"Bobo ka naman." I smirked before standing up.

Kasunod ko si Daddy na umakyat sa stage. Halos hindi na makita ang leeg ko sa dami ng medal na nakuha at mga awards na pati ang guest ay tumulong na sa paghawak.

I'm still the consecutive top notcher dito sa school. Isang taon nalang at high school na ako, sana lumipat na ng ibang lugar ang mga nakaka-away ko,

I smiled ear to ear while looking at my past enemy, I stuck my tongue out para inisin lalo sila. I wasn't sure kung nakunan 'yon ng camera, but most importantly is that I am satisfied. Sa'kin pa rin ang trono, at nakuha ko rin ang pinaka-inaasam ko, the Neat and Clean award, nice.

"Your Mom won't be able to come. Graduation din ng kakambal mo ngayon." sabi ni Daddy. I shrugged,

Alam ko. That's why I didn't expect anymore.

I didn't celebrate kahit gusto ni Daddy at nila Lola. Basta kumain lang kami sa labas at umuwi na, wala naman na akong ibang pupuntahan. As a kid, I didn't really have many friends. Isa lang talaga ang tinuring ko, and that is Charleston Lopez, kasong lumipat na siya sa Sorsogon kaya minsan nalang kami magkita.

Kapag bakasyon ay pumupunta naman siya para bumisita o ako pero kadalasan talaga, hanggang tawag nalang kaming dalawa.

I spent most of my time following my Dad, kung saan siya pupunta ay bubuntot ako, lalo na kapag bakasyon. Mas umitim ako ng mag-grade 7 ako dahil sa mga kalokohang pinag-gagagawa ko sa bukid kung saan may malawak na lupain kaming pagma-may ari at farm din. Halos doon ako namamalagi kapag walang pasok, minsan si Lolo ang kasama ko at kadalasan naman si Daddy.

Nang panahong nagha-harvest na sila ng mga gulay at prutas ay pumunta ako sa may puno ng mangga at umakyat, hindi ko naman alam na uuwi pala kami ng tanghali kaya nag-ilang oras ako sa taas. Nang mapag-desisyunan ko nang bumaba ay dumulas ang paa ko sa inaapakan at lumagapak ako sa lupa, at saktong pagdating ni Daddy ay bumagsak na ako sa kasabay ng kinatatayuan niya.

"Khaeel!" sigaw ni Daddy sa gulat.

My arm ended up casted. Ilang linggo rin akong hindi nakakapunta sa bukid dahil pinagbawalan ako ni Daddy, mas mahal ako ng parents niya at siya pa ang napagalitan nila Lolo.

Wala na akong ibang nakalaro kundi ang pit bull kong alaga, I stayed at home for almost two weeks, with no computer or any other gadget, just me, Ming and the tv, in my room. Sa loob lang ng tatlong linggo na 'yon ay medyo nag-lighten agad ang kutis ko at nawalan din ako ng tigyawat kaya naman gulat na gulat ang lola ko ng makita uli ako.

"Gwapo, bunotan mo ako nin uban."

Lumapit ako kay Lola at kinuha ang pambunot, ganito ang routine namin kung hindi kami umaalis at dito lang sa bahay ay binubunutan ko siya ng puting buhok habang nag-uusap. Naka-upo ako sa arm rest ng sofa at nakasandal si Lola.

Don't Read Me Where stories live. Discover now