Chapter 1

1K 13 1
                                    

CHAPTER ONE

"SHIT! Shit!" mura ni Butch nang humihingal na huminto sa pagtakbo. Pagod na siya at tingin niya ay wala na ang humahabol sa kanya. Nailigaw na rin niya.
"Yes! Big news ito," masayaniyang sabi na hinalikan ang camera na nakasabit sa leeg. Ito na ang pagkakataon na hinihintay niya upang makilala siya at hindi niya ito palalagpasin.
SI BUTCH o Baby Ann ay isang aspiring news reporter sa isang papasikat na newspaper sa bansa.
Pangarap niyang maging isang tulad ni Jessica Soho at makilala bilang magaling at matapang na reporter.
Napangiti siya nang mapatingin sa hawak na camera. Hawak niya ngayon ang magiging daan niya sa pagsikat at parang nakikinita na niya na pag-aagawan siyang mga TV stations para maging news reporter.
Hindi na siya mamatahin ng mga kasamahan niyang reporters. May giti sa mga labing pumasok siya sa isang mami house. Ginutom din siya sa ginawang pagtakbo.
Naupo siya sa sulok na mesa at um-order. Hindi niya napansin ang lalaking pumasok at tumingin sa gawi niya. Naka-cap ito na halatang itinatago ang mukha.
Wala siyang kamalay-malay na papalapit na ito sa gawi niya.
"Ginutom talaga ako," aniya na sarap na sarap sa pagkain.
Nagtaas siyang mukha para um-order ng soft drink.
Napatingin siya sa lalaking papalapit at sa ayos nito ay hindi siya maaaring magkamali. Isa ang lalaki sa mga humahabol sa kanya at nakita niya ang pagkakaumbok ng baril nito sa tagiliran. Natigilan siya at mabilis na gumana ang utak bago tuluyang nakalapit ang lalaki.
Mabilis ang naging pagkilos niya. Kaagad siyang tumayo at itinuwad ang mesa. Nagulat ang ibang tao na kumakain. Sapat upang mabaling ang atension ng lalaki sa iba. Kaagad ang ginawa niyang pagkilos, mabilis na tumakbo siya palabas ng tindahan. Alam niyang nakasunod sa kanya ang lalaki at hindi ito nagbibirong patayin siya.
Malakas ang kabog ng kanyang dibdib at napapagod na siya pero hindi siya humihinto sa pagtakbo. Kung saan-saan na siya napasuot at nang makakita ng mapagkukublihan ay doon sumiksik.
MULA pagkabata ay napakatapang na ni Butch ngunit ibig yata niyang panghinaan ng thod ngayong nasa panganib ang sailing buhay. Ilang saglit pa at nang matiyak niya na hindi nasundan ng lalaki ay lumabas na siya mula sa pinagtataguan. At kahit sapat na lang ang pera sa bulsa ay sumakay siyang taxi at nagpahatid sa bahay ng kaibigan na isang photographer.
"O, ano'ng nakain mo at napasugod ka rito sa haybol ko?" natatawang tanong ni Emman nang mapagbuksan siya ng pinto.
"W-wala," aniya. "Puwede bang papasukin mo muna ako at napapagod ako?" Tuluy-tuloy siya sa loob ng maliit nitong bahay at naupo sa silyang yari sa kawayan.
"Saan ka ba galing?" tanong muli nito na nakatingin sa kanya. "Para kang hinahabol ng sampung demonyo."

"Diyan lang, sagot niya al isinandal ang katawan sa silya. "Pards, kilala mo ba si Rolando Lagdameo?" tanong niya mayamaya.
"Lagdameo?" Nag-isip ito. "lyong sikat na broadcaster na natagpuang patay kaninang umaga?"
"Anong balita?" interesado niyang tanong.
"Nakilala raw ba ang mga pumatay?"
"Wala ngang suspect sa pagpatay kay Lagdameo.
Ayon sa mga balita' y malinis daw ang gumawa," anito.
"Bakit mo naitanong? Don't tell me gusto mong kumuha ng scoop?"
"O-oo sana," aniya.
"Pards, tiyak na naunahan ka ni Oblak." Ang tinutukoy ay ang kasamahan niyang reporter din na lagi niyang kaaway. "Alam mo namang magaling ang pang-amoy nu'n, lalo at ganyang sensational na balita." Natigilan si Butch. Hawak niya ang ebidensiya sa pagkakapatay kay Rolando Lagdameo at alam niyang sa maling kilos ay buhay niya ang magiging kapalit ngunit
"pag nagkataon ay sisikat siya.
May ngiting naglaro sa kanyang mga labi na hindi naikaila sa kaharap.
"O, ano na naman ang iniisip mo?" ani Emman. "Kinakabahan ako kapag ganyan ang mga ngiti mo."
«"Pards, aalis na ako." Tumayo siya at tinapik ito sa balikat. "Uuwi muna ako sa amin at baka hinahanap na akong nanay ko," aniya at nagtuluy-tuloy na sa
pintuan.
"Hoy! Baka kung ano na naman ang nasa isip mo,"
ani Emman na sinundan siya.
"Sige na." Kinawayan na lang niya ito. Inihatid siyang tanaw ng kaibigan.
"LEELAN, ano ba?" ani Dorcas na sinundan ang lalaki hanggang sa makapasok sa loob ng opisina. "Lagi ka na lang busy. Puro trabaho na lang ang inaasikaso mo,"
reklamo nito.
"Dorcas, alam mo ang trabaho ko," ani Leelan na ibinaba ang hawak na attachè case sa ibabaw ng mesa at niluwagan ang suot na kurbata, bago pinindot ang intercom.
"Leni, anong oras ang hearing ko para sa Orlando
case?" tanong niya sa sekretarya.
"Ten-thirty po, Sir." sagot sa kabilang linya.
"Leelan!" Nameywang na si Dorcas. Halata na ang pagkainis sa maganda nitong mukha. Dorcas, I've got so many things to do and this is not the righ time for your tantrums," aniya na naupo sa swivel chair at binuksan ang attachè case para magsimulang pag-aralan ang mga kasong hawak.
"You're taking me for granted," mataray na sabi ng babae. "Lagi na lang ganito. Lagi na lang ako ang sumusunod sa iyo. Wala kang time para sa akin. Kapag wala kang trabaho ang time mo naman ay na kay Lean," may hinanakit sa boses na sumbat nito.
"Puwede ba, Dorcas? Can't you see, marami akong trabaho?" tila nawawalan na ng pasensiyang sabi niya rito.
"Ginagawa mo akong mukhang tanga. Bahala ka na sa buhay mo. Maraming lalaki ang nagkakandarapa mapansin ko lang, ani Dorcas at tinalikuran siya.
Pabalibag na ibinagsak ang pinto.
Napailing na lang si Leelan at itinuloy ang pagbabasa. Sanay na siya sa mga tantrums ng babae pero kung minsan ay nauubusan din siya ng pasensiya lalo at nagsisimula na itong mag-nag.
"Hey, something's wrong with Dorcas?" natatawang sabi ni Attorney Dante Villafuerte na kapapasok lang. "Mukhang mainit ang ulo." "Huwag mo siyang intindihin," ani Leelan sa matandang abogado. "Masyadong nagde-demand ng time ko."
"Hijo, ganyan talaga ang mga babae." Naupo sa silya ang nakatatandang abogado.
Bahagya lang ngumiti si Leelan sa abogado. Si Dante Villafuerte ay isa sa matalik na kaibigan ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito at ka-partner niya sa itinayong law firm. Bata pa siya ay parang ama na ang turing niya rito at kay Rolando Lagdameo na kaibigan din ng papa niya.
"Nagpunta ka na ba sa burol ni Rolando?" may lungkot sa tinig na tanong ni Dante.
"Hindi panga," sagot niya na nagtaas ng tingin dito.
"Mula kahapong puntahan natin sa morgue si Tito Rolando ay hindi pa ako nakakadalaw sa burol."
Sila ni Dante ang unang tumungo sa ospital kung saan dinala ang bangkay ni Rolando Lagdameo. Dahil sila ang malalapit na kaibigan ng pamilya Lagdameo ay sila ang umalalay sa pamilya nito na hindi matanggap ang pagkamatay ng matandang Lagdameo.
"Nakakalungkot ang nangyari sa kaibigan ko," ani
Dante. *We have to do something para makakuhang suspect sa pagkamatay ni Tito Rolando," may katiyakang sabi niya.
'Pero sino? Wala kahit isang ebidensiya o witness sapagkamatay ni Rolando. Sa daming kaaway niya at nagbabanta sa kanyang buhay. Sino?' wari y walang pag-asang sabing kaharap.
Hindi kumibo si Leelan. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Mabait na tao si Rolando Lagdameo.
Madaling lapitan lalo na ng mga taong nagigipit.
Matapang at may prinsipyo sa buhay. Sikat itong journalist at broadcaster sa telebisyon. Marami itong tinutuligsa at walang takot kahit mayaman o maimpluwensiya ang nakakabangga basta t alam nitong nasa tama ito. Isa iyon sa ikinabibilib niya sa kaibigan ng kanyang papa. Lumaki siyang hinahangaan si Rolando Lagdameo.
Kahapon ay natagpuang patay si Rolando sa sasakyan nito. Pinatay ito at walang nakuha kahit na isang ebidensiya pero naniniwala siya na mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay nito. Pasasaan ba, naisaloob nya.

Secrets (Pag-ibig Sa Gitna Ng Panganib) - Jennie Roxasजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें