Chapter 2

346 7 0
                                    

CHAPTER TWO

"HOY, BUTCH!" ang nanay niya "Bigyan mo naman ako ng pera at ayaw nang magpautang sa tindahan."
"Wala na ho akong pera," aniya na nagsusuot ng rubber shoes. "Hindi ba at kabibigay ko lang sa inyo noong isang araw."
'''Tangna naman," reklamo ng ina. "Magkano lang ba ang ibinigay mo? Anong araw na ngayon?"
"Nay, tigilan n' yo na kasi ang kasusugal. Hindi naman kayo nananalo."
"Tyon lang naman ang libangan ko sa buhay, pipigilan mo pa?" anito sa anak. "Kung sana ay malaki ang perang ibinibigay mo. Barya lang naman ang naipatatalo ko sa sugal."
Hindi kumibo si Butch. Kahit kailan naman ay wala siyang laban sa kanyang ina.

"Bigyan mo muna ako kahit isang daan lang" sa kanya.
"Nay, kahit sunugin n' yo ako ngayon, wala kayong maaamot kahit singkong duling." Tumayo stya a pinagpag ang suot na pantalong kupas, "Mangunguang nga lang ako ng pamasahe." At sinukbit na niya ang camera sa kanyang leeg.
"Mag-iba ka nanga lang ng trabaho!" galit na singhat ng nanay niya. "Wala ka namang mapapala riyan sa pagsusulat mo. Ibenta mo na lang o isanla "yang camera mo nang magkapera tayo."
"Aalis na ho ako," paalam niya na hindi na lang pinansin ang sinasabi ng ina at nagtuluy-tuloy na sa labas habang patuloy pa rin sa pagputak ang matanda.
MALAPIT nang mapudpod ang suot niyang rubber shoes dahil mas madalas pa siyang maglakad kesa sumakay, lalo ngayon na ang laman na lang ng bulsa niya ay sampung piso na inutang lang niya sa kaibigang si Osang para lang makaalis siya.
Napahinto siya nang mapadaan sa bilihan ng mga diyaryo. Kaagad nahagip ng mata niya ang balita tungkol sa pagkamatay ni Rolando Lagdameo. Natukso siyang basahin ang diyaryo. Ayon sa balita ay wala kahit isang Icad sa kaso ni Lagdameo.
"Naunahan mo na naman ako, Oblak," aniya.
«Pero wala ka sa scoop ko." At itinuloy ang pagbabasa.
"Hoy! Bawal ang libreng basa rito," anang masungit na tindera. "Bibili ka ba?"
Inilapag niya muli ang diyaryo at umalis sa lugar na iyon. Kailangan niyang pag-isipang mabuti ang dapat gawin dahil buhay niya ang nakataya kapag pinasabog niya ang balita na hawak niya ang ebidensiya sa pagpatay kay Lagdameo.
Kaagad siyang pumara ng jeep. Pasakay na siya nang mahagip ng mata ang tatlong lalaki na sumusunod sa kanya. lyon din ang mga lalaking nakaengkuwentro niya kahapon. Mabilis na lumayo siya ngunit matinik ang mga lalaki at tingin niya' y mga armado.
"Tigil!" sigaw ng isa na kaagad na naglabas ng baril.
Itinaas niya ang dalawang kamay. Samantala' y umarangkada palayo ang jeep na sasakyan sana niya.
"Kunin mo ang camera," utos ng isang lalaki sa kasamahan nito.
"Pinahirapan tayong 'tangnang to." At hinablot nito ang camera na nakasabit pa sa leeg niya. "Muntik na kaming matodas kay amo nang dahil sa iyo."
"Ano ang gagawin natin sa pakialamerang reporter na ito?" anang isa.
"Tiligpit natin. " Yan ang utos ni amo," sagot ng lalaking may hawak ng baril. "Nagbabalak yatang sumikat, eh. Bukas, sikat ka sa peryodiko kapag natagpuan ang bangkay mo," tumatawang sabi nito Mabilis na kumikilos ang isipan ni Butch, Nasa likod ng bulsa niya ang balisong at kailangan niyang kumilos at lumaban dahil papatayin siyang mga ito Kaagad niyang nakuha ang balisong at isinaksak sa lalaking may hawak ng baril.
Nabitiwan nito ang baril at kaagad niyang itinulak na ikinabuwal nito sa mga kasamahan at mabilis siyang tumakbo palayo. Nakita niya nang magbunot ng baril ang dalawa pang lalaki habang namimilipit sa sakit ang Isa.
Napatakbo siya sa maraming tao upang iligtas ang sarili ngunit nagpaputok ang isa. Dumaplis ang bala sa kanyang braso at tumama sa isang ale na nagtitinda sa kalsada. Nagpulasan ang mga tao. Nanginginig ang buong katawan na napatitig siya sa aleng tinamaan ng bala at nang makarinig pa siya ng isang putok ay tila siya natauhan at nagtatakbo muli. Hindi niya alintana ang sugat sa braso.
"Tarantado! Bakit ka nagpaputok?" anang lalaki na hawak ang kamay na nasaksak. "Halika na kayo at baka may dumating pang pulis, lalo tayong malilintikan
kay amo."
HALOS habulin ni Butch ang hininga sa pagtakbo.
Nararamdaman na niya ang kirot sa braso at punung-puno nang dugo ang damit niya. lisa ang pumasok sa kanyang isip kung saan siya pupunta.
"Ano'ng nangyari sa 'yo?" Gulat na gulat si Emman nang mapagbuksan siya ng pinto at makita ang ayos niya na punung-puno ng dugo.
"Daplis lang 'to," aniya na kaagad pumasok sa loob.
"Halika, dadalhin kita sa ospital," anito.
"Huwag!" pigil niya sa kaibigan. "Madali lang itong gamutin. Mahirap na kung dadalhin mo pa ako sa ospital."
"Trouble ba?" tanong ni Emman nang ginagamot na ang sugat miya.
"Dahan-dahan naman, pards," aniya na napapangiwi sa sakit.

Secrets (Pag-ibig Sa Gitna Ng Panganib) - Jennie RoxasWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu